Nakakainis! Dalawang beses na akong nag try na kumuha ng license kaso palaging lagpak. Kainis talaga! Kung kailan talagang kailangan kong makapasa sa driving test lalo naman akong inaasar! Grrrrr!!!
Napakarami naming lakad na dapat e hiwalay naming asikasuhin ng Mister ko. Mga appointments sa doktor, punta sa schools ng mga bata lalo't nagsimula na ang klase. Pagpasok at pag-uwi galing trabaho, hay naku inis talaga ako. Pag ako hindi pa pumasa sa ikatlong test, sasakay na lang ako sa kalabaw. Talagang pang kalabaw lang yata ang byuti ko.
Eniweys, isa pa at pag wala pa rin, eenroll na ako sa adult driving class/lesson.
Sunday, August 27, 2006
Monday, August 14, 2006
Pasukan Na!!!
Umpisa na ng klase ng mga anak ko kaya umpisa na rin ng bakasyon ko sa blogging. Kaya mga tsong at mga tsang, babu na ako.
My indefinite leave, starts.......NOW!
My indefinite leave, starts.......NOW!
Wednesday, July 26, 2006
Naranasan Nyo Na Bang....
Marami akong naging karanasan sa California nung ako'y nag-caregiver dun ng halos isang taon. Nung mga panahong yun na wala pa akong berdeng papel. Pag binabalikan ko ng tanaw, natatawa pa rin ako kasi sa klase ng trabaho na yun, pag hindi mo hahanapan ng humor ang bawat sitwasyon e baka mapabilang ka na sa kanila na bumubulong-bulong. Hindi ko sila pinagtatawanan o kinukutya sa sitwasyon nila, paalala lang, dahil alam kong pag tanda ko dun din ang punta ko. Mahal ko ang mga naging alaga ko dun at ni isa wala kong sinaktan pisikal man o berbal dahil naiintindihan ko ang lagay nila. Ito'y napagkukwentuhan lang natin...
Naranasan nyo na bang mapukpok ng shower head? Ako ho'y napukpok na ng isang residente nang minsang pilitin kong paliguan. Katakot-takot na bolahan para maaya ko sa loob ng banyo. Makulit din naman ako kasi sinabi sa akin na wag kong basain ang buhok nya kaso binasa ko pa rin kasi ubod ng panghe! Hindi pwede ang ganon sa carehome kasi pag inabutan ka ng licensing at nag-inspeksyon, yari ka.
Ang sakit nga e kaso wala ka namang magawa. Hindi pwedeng patulan. Inapura ko na lang ang pagpapaligo para matapos na sya sa kasisigaw at kahahataw. Ginalingan ko na lang sa pag-ilag.
Naranasan nyo na bang batuhin ng dumi? As in tae? Ako ho'y nabato na rin. Sa gulat ko nga, nasalo ko pa! Hindi umubra husay ko sa pag-ilag. Sa loob-loob ko nga, galing ko pala sumalo kung sakaling bola yun! Isang madaling-araw yun, sarap ng tulog ko sa carpet sa living room ng bigla na lang nangamoy ang buong kabahayan. Inisa-isa ko agad ang kuwarto at hinanap ang ubod ng bahong amoy na yun! Sa kahuli-hulihang kwarto, nakita ko si Lola, nagkukuyakoy sa gilid ng kama at kakanta-kanta pa. Nung buksan ko ilaw, ay na! Bahid-bahid sa kurtina, sa kama, sa sahig, sa katawan nya mula ulo hanggang paa! Nang makita ako yung dakot na yun sa loob ng salawal nya sa gawing pwet sabay bato sa akin---ngekkk, nasalo ko! Matuk mo yon?! Ididbribol ko pa sana at ipapasa kaso di bale na lang. Pinaliguan ko na lang sya.
Naranasan nyo na bang makatulog kahit may nagsisigaw ng "help me" sa paligid? Nung umpisa ho'y di ako makatulog dahil hindi ako makatiis na hindi lapitan at baka may problema talaga. Kaso yun pala ang problema nya, magsisigaw ng help kahit walang dapat i-help. Mga dalawang linggo ho akong hindi napagkatulog at ako'y nagmistula ng puyat at payat na unggoy. Kaya pinilit ko na rin ang sarili ko, inimadyin ko na lang na si Madonna yung nagko-concert sa kabilang kwarto. Kaya ayun gabi-gabi masarap na ang tulog ko dahil music to my ears na ang mga sigaw nya. Magdamag yun!
Kaso eto ang hindi ko inaasahan, pag huminto na sya sa kasisigaw at napagod na. Hindi naman ako makatulog ngayon dahil natatakot naman ako na baka nalagutan na ng hininga. Kaya pag nahinto ng help me, punta ako sa kwarto nya to help her. Gulo ano?
Naranasan nyo na rin bang makapagpatayo ng isang taong ayaw tumayo? Ako ho'y nagawa ko na yan. May isa akong alaga na buhat ng dumating ako dun sa carehome e ni hindi ko nakitang naglakad. Sabi nila'y nakalimutan ng maglakad. Ayaw ding magsalita. Nakalimutan na raw. Iniksperimento ko. Araw-araw pag tapos na ako sa trabaho ko, uupo na ako sa tabi ng wheelchair nya at kakausapin ko at pipilitin kong tumayo. Araw-araw ho yun, walang paltos! Halos mag-aanim na buwan kong ginawa. Ayaw talaga kaya naisip ko, nakalimutan na nga yata.
Minsan nagluluto ako sa kusina. Bigla na lang may nakita ako sa gilid ng mata ko na gumagalaw! Laking gulat ko dahil si Lola, nanggigilid sa oven! Malaking problema din pala pag naglakad dahil kailangan mong sundan.Maya't maya naman tumayo. Ay sus, wala akong matapos na trabaho.
At nakapagsalita rin, nung tinanong ko kung maganda ako, pagkahaba-habang "wellllllll" ang lumabas sa bibig dinugtungan pa ng utod lakas na "NOOOO".
Ay simula non, hindi ko na sya kinausap at hinayaan ko na lang na palaging nakaupo sa degulong na silya at manood ng tv maghapon. Sama ano?
Naranasan nyo na bang sabihan ng mang-aapi? Ako ho'y nasabihan na ng ganon. May naging alaga kasi ako na sobrang malilimutin. Ginugutom ko raw sya. Unfair daw ako, yung iba may ice cream, sya wala kahit nasa harap nya pa yung platong pinagkainan nya. At kahit kakakain nya na sya na yung kusang umayaw, hindi pa nakakaalis sa hapag-kainan, sasabihin na "i'm hungry". Kahit sa pagdumi, deny to death sya na hindi sya ang nagkalat ng dumi sa banyo, baka ako raw. Susme, e sya lang kaya mag-isa sa loob no? At the end of the day, tanong ko na sa sarili ko, ako ba'y sino?, sino ako? Sino ba sila? Nosi balasi? Ehek!
Talagang ang tao pag nagipit,kahit sa ebak kakapit. Hindi ho ako nahihiya na sabihing sa paghuhugas ng pwet ng may pwet ako at ang pamilya ko nabuhay. Maselan din ho akong tao, pero nawala lahat. Mahina ho ang sikmura ko kaya nga nung unang hugas ko ng ebak, sukang katakot-takot yan. Tumatak na lang sa isip ko yung sinabi ng kasama kong nagkaedad na sa pagke-caregiver, "isipin mo na lang kada hugas mo ng puwet, dalar ang kapalit."
Nakumbinsi ko rin ang sarili ko. Naging mantra ko na nga yun. Share ko lang sa inyo ang dasal ng dukhang caregiver na tulad ko.
"Salamat po sa mga matatandang ito na ipinagkatiwala nyo sa amin. Pinapangako po namin na sila'y aalagaan at paglilingkuran ng mabuti sa abot ng makakaya namin. Dagdagan mo pa po ang puwet na huhugasan namin at duming sisinghutin na sa gano'y madagdagan pa ang ipon namin. Amen."

Tuesday, July 25, 2006
Promdi Version of BackStreet Boys
>ASIAN BACKSTREET BOYS (Funny Videos)
This is sooo funny guys! I don't know what got into me but I'm so into video blog nowadays. Influence of my daughters, maybe?
Anyway, I really like this one and I hope you do, too.
.hov:hover{background-color:yellow}
This is sooo funny guys! I don't know what got into me but I'm so into video blog nowadays. Influence of my daughters, maybe?
Anyway, I really like this one and I hope you do, too.
Saturday, July 22, 2006
Sunday, July 16, 2006
Isang Personal na Liham Para kay Kyle
Ipinanganak kita four years ago. Tuwang-tuwa kami kasi dininig ng Panginoon ang hiling namin nni Papa mo na pagkalooban kami ng anak na lalaki. Sa halos walong taon mula nung huli kong pagbubuntis, hindi ko na inisip yung hirap ko sa paglilihi at dusa ng opera basta lang mapasaamin ka.
Walang kahirap-hirap ang naging pagbubuntis ko sa iyo. May morning sickness ng konti pero hindi kasinggrabe ng sa mga ate mo, na naoospital pa ako at ayaw kumain ng kahit ano. Sa iyo kahit ano kinain ko. Tinalo ko pa nga si Papa sa lakas kong kumain! Imaginin mo, mula 100 pounds to 150 pounds ang naging timbang ko! Heavy ano?
Tulad rin ng pagbubuntis ko sa mga ate mo, walang palya ang bisita ko sa doktor at inom ng vitamins para masiguro na healthy ka. Mahilig ako sa kape pero naihinto ko yon at kahit hate na hate ko ang gatas, sige inom ako para sa iyo. Iniwasan ko ring mai-stress at mag-isip ng kung anu-anong negative kasi baka paglabas mo, muka ka kaagad problematic. Ayokong magkaroon ka ng mukhang "only a mother could love."
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay namin...July 15, 2002 alas-kuatro ng madaling-araw nungdumating ka via cesaerian section. Hindi ka umiyak agad na syang ikinabahala ko. Pero nung pinalo ka ng doktor, nakupo! lalaki talaga, ang laki at lakas ng boses mo!
Napakalusog mong bata. At napakabait. Hindi mo nga iisipin na may bata sa bahay ng amo ko dati kasi ni hindi ka umiiyak. Lumaki ka sa kuna at kalimitang kumakausap sa iyo e si Elmo, si Big Bird, si Bert & Ernie, si Barney, si Caillou at ang favorite mo hanggang ngayon, si Thomas the Tank Engine.
Treat na sa iyo yung makalabas ka ng kuwarto natin. Hindi ko kasi mahayaang makagala-gala ka sa kabahayan ng amo namin kasi maraming mamahaling gamit. Baka pag may matabig ka e masaktan ka at isa pa, wala tayong pambayad. Sanay ka na kami lang ang nakikita mo pero hindi ka takot sa tao. Kahit sinong makita mo, nginingitian, binabati, kinakausap at sinasamahan mo. Mananakaw ka nga sa aming bata ka e.
Hanggang isang araw ng Mayo 2004, napansin namin na parang matamlay ka. Yung dati-rating paglalaromo na hindi ka kaagad napapagod ay hindi mo na kaya. Naging bugnutin ka at iyakin. Ibang-iba sa dating ikaw. Kaya alam namin ni Papa na may nararamdaman kang hindi maganda.
Dinala ka namin sa ospital hindi lang isa o dalawang beses kundi makatatlo. Sa mga unang punta natin, wala daw silang makitang problema sa iyo. Baka daw trangkaso at ang sabi pa "you will get over it." Uwi kami uli na maluwag ang loob dahil sa pag-aakalang wala ngang problema...na okey ka lang...na mawawala rin kung ano man yun.
Nagkamali kami dahil lalong kang humina, ayaw mong kumain at puro inom ka lang ng tubig. Pag naman napilit kitang kumain, susubo ka pero ka umiiyak at nanginginig. Sama-sama na ang luha mo, laway at sipon. Pinipiga ang puso ko. Gusto ko kitang tulungan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Napakasakit sa amin ni Papa na makita kang nahihirapan.
Yun ding oras na yon, napag-usapan namin na kailangan kang bumalik sa ospital. Sa pagitan lang ng tatlong linggo, your condition has turned from bad to worse. At ang masaklap pa nito, wala na naman daw problema sa iyo! Painumin ka lang daw ng Tylenol at kung hindi pa rin ayos, ibalik ka uli sa kanila.
Hindi pumayag si Papa mo, anak. Hindi kami uuwi hanggat hindi namin alam ang problema. Sinabi nya na may nagsuhestiyon sa kanya na ipa-blood test ka namin.Na sya namang ginawa ng doktor. Ilang saglit pa, nagulat kami dahil ilan na silang pumasok sa kuwarto natin dala ang resulta ng blood test mo.
Ang blood sugar level mo na pala ay halos 600 na! Pinapunta agad tayo sa Children's Hospital at sa emergency room, halos ako ang mamatay para iyo anak ko... ilang nurses ang nakadagan sa iyo para lang mahanapan ka ng ugat para sa suwero. Sobra ka na raw dehydrated kaya it took a Life Flight nurse para lang makahanap ng ugat.
Ang verdict? You are diabetic. Type 1. Insulin-dependent for the rest of your life. Ang ikinasasama ng loob ko, 20 months ka pa lang. Kasalukuyang nag-eenjoy sa pagtikim ng mga pagkaing bago sa panlasa mo. Kasalukuyan palang nagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa paligid mo. Pero ba't nasentensyahan ka na agad ng panghabambuhay na parusa? Ano ang malay ng batang kasing-inosente mo? Matagal bago ko maintindihan ang rason sa likod ng mga katanungan ko, namin ni Papa mo.
Dalawang taon na buhat ng ma-diagnosed ka sa sakit mo. At sa awa ng Diyos, wala pa tayong nararanasan na pagtakbo sa emergency dala ng diabetes mo. Kung dati-rati, yun ang dahilan ng depresyon ko, ngayon tanggap ko na rin. Kung dati-rati, kinuwestiyon ko pati Diyos ngayon, ihiningi ko na ng tawad lahat yun. Tao lang ako lalo't higit isang ina na mahina pagdating sa mga problemang patungkol sa inyong mga anak ko. Sa huli, wala pa rin akong karapatan para kuwestyunin ang mga nangyari at mangyayari sa buhay natin. Basta ang sa akin ngayon, enjoy each day na parang wala ng bukas.
Ang hiling ko lang sana, ako na lang ang nagkasakit ng ganyan dahil matanda na ako. Kahit papano may natikman at napagdaanan na sa buhay na hindi mo pa nararanasan. Tutal ang sa akin, magkakaroon at magkakaroon din ako nyan kasi nga nasa lahi namin. De sana ako na lang.
Gaano kasakit sa isang ina na para lang mabuhay ka e sasaktan kang anak nya? Ilang libong iniksyon na ba ang naitusok ko sa iyo? At ilang libo pa sa darating na mga araw?
Wala kaming maibibigay ni Papa sa iyo anak kundi ang walang kundisyon at walang hanggang pag-ibig namin sa iyo. Through thick and thin, in sickness and in sickness (?) andito kami palagi sa tabi mo. Kung pwede lang itubos ka sa mga insulin shots mo anak at blood sugar testing at quarterly labaoratory test, ginawa na namin.."magwa-one for me at two for papa" kami.
Sensya ka na anak. Pinatatawa lang kita. Alam mo naman na mahina ang loob ko, lumalakas lang dahil sa iyo...
Muli, maligayang kaarawan sa iyo, anak...Patuloy naming dalangin ang iyong paggaling...
Love,
Mama & Papa
P.S.
MATTHEW - a very appropriate name- you ARE a gift from God...

Thursday, July 06, 2006
Pamilya ni Promdi
Pasensya na at ako e natuwa lang dahil nadiskubre ko na kung pano magsingit ng photos dito. May blog din kasi yung anak kong panganay at nakita ko na nakapagpost sya ng pix dun, kaya heto na resulta ng kapipindot ko.Meet my family...my husband, Robert (masyadong seryoso no?) yung bunso, si Kyle karga-karga ko, si Kaye halos kasingtaas ko na at kasingganda (hehehe) at si Kristine na mahilig pa rin sa twin popsies.
Palagay ko magiging photo blog na ito...
Wednesday, June 28, 2006
Ito ba'y totoo o isang panaginip?
Kumpleto na pamilya!!! Thank you Lord!!!
Dumating kami June 7 pa. Medyo maraming inasikaso at marami-rami pa ring aasikasuhin pero okey lang. Importante, sama-sama na kami. Bawas problema, bawas intindihin. May killjoy ngang nagsabi sa aming mag-asawa na sa umpisa lang masaya itong sama-sama kami, pag nagtagal e sakit na ng ulo. Sagot naman ng asawa ko, mabuti ng sumakit ang ulo naming mag-asawa ng magkakasama kami kesa sumakit ng hiwa-hiwalay kami.
Eniweys, hanggang ngayon yata di pa tanggal ang jetlag ng mga anak ko. Hanggang ngayon palaging inaantok. Pag lumalabas kami, mag-aaya agad umuwi at inaantok daw, pag andito naman sa bahay kantahan naman ng kantahan. Sana ganon ang makasanayan nila. Dito na lang sa bahay pag walang pasok sa school. Alam ko marami silang takot na nararamdaman, ganon din ako e. Sana malayo sila sa kapahamakan dito at maiwas sa barkadang hindi maganda ang impluwensya. Nasa stage sila ngayon na puro mama at papa, nakakatuwa kasi ini-expect na namin yun pagdating nila dito kaya sabi ko nga samantalahin namin. Feeling ko ba kasi nagsibalik sa panahon na maliliit pa sila na puro asa sa amin.
Tulad nung minsan, pati pagsusuklay ako pa gusto. Nung sinabi ng papa nila na kaya na nila yun, sabi ng panganay ko, matagal daw sila walang mama. Parang nakunsensya ako. Naiyak nga ako. Naisip ko kasi temporary lang itong pagiging dependent nila sa akin, bigyan mo lang ng isang taon ito at makaadjust, sila na naman sa sarili nila.Nung nasa Pilipinas pa sila, marami raw silang ikukuwento sa akin. Siguro kasama na ron yung hindi magandang pangyayari (in terms of pag-aalaga sa kanila). Nung nandito na, ayaw na magkwento. Limot na raw nila at tapos na yun. Sa isip ko naman, ayaw na nila ng gulo.
Hay naku! Napakaigsing bakasyon! Pakiramdam ko, natulog ako, nananiginip saglit at nagising na nandito na uli. Pero ang maganda, hindi na panaginip lang yung magkakasama kami. Hanggang ngayon di pa rin kami makapaniwala na makukuha namin sila agad. At ngapala, natanggap na rin namin ang greencards nila.

Wednesday, May 24, 2006
Humirit pa si Promdi
I'm back! Hindi..hindi galing ng Pinas kundi mag-a-update lang. Simula kasi bukas talagang hindi na ako makakapag-online dahil may raket si Promdi. Sayang din dagdag panggastos pauwi.
May nakiusap kasi sa aking friend na ako muna magbantay sa Lola Dear nya at kakaopera ng balikat. Aalis kasi sya papuntang Ohio at bibinyagan ang kanyang baby. Kaya simula bukas ng umaga nakabantay na ako kay Lola, uwi ko na non e Sunday night. Straight duty yun. Pumayag din naman na dalhin ko si Bunso kaya okey na okey. Tapos Monday morning go na kami sa airport papuntang Pinas. Wala e, mahigpit ang pangangailangan..heheheh.. Kaya basta may raket, hataw ng hataw. Nabanggit ko na ba na tumatanggap na ako ng labada at palantsahin? Kaya yung mga natatambakan dyan ng labada, hala tawagin na si Promdi at sasama ako kay Misty na maglaba sa ilog.
O ano? Tawag na!

Friday, May 12, 2006
Ang Pag-uwi ni Promdi
Kahirap ng walang trabaho. Nakakainip! Lahat ng gawaing-bahay natapos ko na. Ubos na ang labada, tapos na lahat ang palantsahin, na-vacuum na buong bahay at nakaempake na rin ako. Handang-handa na at inip na inip na sa pag-uwi.
Naalala ko pa sa isang entry ko noon. Sabi ko ron nagsasawa na ako sa pagtatrabaho, gusto ko sa bahay na lang para maalagaan ko mga anak ko, akalain ko bang marinig agad ni Lord. Dapat talaga mag-iisip muna bago mag-special request.
Sa kainipan ko, pinag-aralan kong maglagay ng kolorete sa mukha. Hindi ho ako mahilig mag-make-up pero ewan ko ba kung ano nakain ko at sukat na pagdiskitahan ko mukha ko. Siguro dahil sa tumatanda na kaya pilit nagpapabata. Dismayado naman ako dahil nagmukha akong payaso. Tanong tuloy sa akin ni bunso, ano daw nangyari sa akin. Bilis ko tuloy inalis.
Kaya ngayon heto ako sa harap ng computer at tumitipa. Gusto ko lang pasalamatan si TITO Royce ( para akong nanalo ng kung anong award no?) Napakahusay magbigay ng mga payo at suhestiyon ng mamang ito. Sabi ko buti andyan sya para bantayan si promdi at sinasabi ko po sa inyo na oo't mag-aanim na taon na ako rito e ignorante pa rin kumbaga. Pakiramdam ko pa rin e para akong si Jane (ni Tarzan) na napadpad sa sibilisasyon.
Sa 39 years kong nabubuhay, Maynila at itong Isteyts lang ang napuntahan ko. Pag nga naluluwas ako ng Maynila noon, amazed na amazed na ako! Karaming sasakyan litong-lito ako sa pagtawid ng kalsada! Sa kaignorantehan ko nga, pag nasakay ako ng bus, nagsusuka ako. Pag naman ako'y napadpad sa Mall, lito rin ako sa dami ng mabibilhan ng pagkain sa Food Court.
Lalo na ho akong nalito nung napunta ako rito. Panay ang singhot ko ng hanging amerika at kabango! Dun sa unang bahay na tinuluyan ko, inabot ako ng dalawang oras sa banyo sa kakaisip kung pano ako makakaligo dahil napakalamig ng tubig! Hindi ko alam kung pano timplahin ang mainit na tubig. Katagal kong nakatitig at pihit ng pihit sa lintok na gripo. Sa loob-loob ko nga, kahirap naman pala rine, akala ko pinadali lahat dito e bakit paliligo lang e pinahihirapan ako. Nakaligo din naman ako pero pagkatapos e hindi ako makasalita at nag-locked yata ang bagang ko sa lamig. Maghapong kumakapak ang baba ko sa ginaw. Dyan ko nga naisip yung sinabi ni LOLO Royce..ehe..Tito lang pala... na pag hindi mo alam ang isang bagay/gawain de magtanong ka at solve ang problema.
Pasensyahan nyo muna ako. Makikigaya lang ako sa ibang blogkada na naka temporary leave sa pagba-blog. Iaayos ko kasi itong bahay para maganda naman pagdating ng mga anak ko. Sabik na sabik na talaga akong makauwi sa atin. May listahan na nga ako ng mga ipapaluto/kakainin / pupuntahan pag-uwi namin.
Tanong nga ng tanong ang mga kamag-anak namin kung kailan kami uuwi, hindi namin sinasabi para surprise! Magulat na lang sila na isang madaling-araw e may kumakatok sa mga pinto nila at bubulaga sa kanila e kami. Susulit-sulitin ko na uwi ko at panigurado na matatagalan ang kasunod nito. Iniiyakan na nga ako ng tatay ko kasi baka ito na raw ang huli naming pagkikita na buhay sya kasi wala na raw dahilan pa para umuwi ako uli dahil kasama na namin ang mga bata pabalik dito. Ayokong magsenti at nakupo di nyo lang alam, super iyakin po ako. Ngayon nga lang na imaginin ko yung paalaman naming magtatay at magkakapatid e naiiyak na ako.
Basta bago ako bumalik dito kailangang maiayos ko ang puntod ng nanay ko. Yun man lang maramdaman nya na hinding-hindi ko sya nakakalimutan. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Malas nga lang at hindi man lang inabot ang pangingibang-bansa ko. Hindi na sana nya titipirin ang pag-inom ng gamot kasi walang pera. Hindi na sana titiisin ang sakit ng dibdib dahil sa walang pera. Hindi sana sya nawala sa amin ng maaga. Hindi man lang nya nakita ang mga apo nya sa akin na syang pinakahiling-hiling nya. Minsan maramot ang pagkakataon.
Teka lang! Sabi ko ayaw kong magsenti, ayan naiiyak na ako talaga..whahhh!!! Babu na muna. Kita-kita na lang uli sa aking pagbabalik. Mahal kong bayan, here I come!!!

Wednesday, May 03, 2006
Jobless na Promdi
Wala na akong trabaho. Nung pumasok ako nung Biyernes, kinausap lang ako sa telepono ng anak ni lola dear at sinabing may nakuha na syang kapalit at darating sa Linggo kaya pwede na akong umalis. Ganon lang. Napakalamig...gininaw nga ako e.
Halos anim na taon na serbisyo. Lahat ng hirap nasapol ko pero wala sa kanila. Walang warning, walang pahaging basta babu na. Naaawa ako kay lola. Walang magawa ang matanda sa desisyon ng anak kahit iyakan pa nya. Pati sya nasabihan na "this has to work, either this or nursing home." Pobreng lola, umayon na lang.
Gabi-gabi tumatawag dito sa bahay para lang mag-good night sa anak ko. Miss na miss nya ang bata at ganon din naman ang anak ko . Nagkaisip na sya ang kinagisnang lola. Kaya para matahimik, idinalaw ko kahapon sa kanya. Iyakan na naman.
Hindi ko maisip kung bakit ganon yung anak non. Super yaman naman pero takot na takot gumastos sa pag-aalaga ng ina. Nung araw na tinigbak ako, may natanggap pa kaming glossy magazine featuring multi-million dollar homes at isa ang bahay nya sa Aspen na nakalagay dun.
Sabagay, pera nya yun kaya pwede nyang gawin kung ano gusto nya. Pero sana kinunsidera man lang ang pakiusap ng ina. Pero wala, bato talaga! Katigas!
Nataranta nga byuti ko dahil biglang jobless. Isip ako kung pano na mga bills namin. At kailangan kong serbisyuhan ang Fafa ko ngayon kasi sya double job ako wala..kaya sige laba, linis, plantsa. Mahirap na, baka mapaalis pa ako sa bahay de kawawa naman ako? Jobless na, homeless pa.
Wala naman kong tampo sa kanila. Lalo na kay lola. Wala talaga. Ang pinagpapasalamat ko nga, bago ako nawala sa kanila may berde na kaming mag-asawa at may bonus pa! Approved na visa ng mga anak ko! Magkakasama-sama na kami uli. Kaya malaki ang utang na loob namin sa kanila.
Hindi naman ako natatakot na baka hindi ako makahanap ng trabaho. Maraming nag-aalok kaso pano naman ang bunso ko? Kaya sa interview ko kahapon, nakiusap ako na sa June 17 na ako mag-uumpisa para maturuan ko pa yung panganay ko sa paggamit ng glucose monitor at pagbibigay ng insulin shots sa kapatid nya. Pumayag naman. Kaya ayun may kapalit na ang nawala kong trabaho at $25 per hour pa! Talagang basta nagsara ng pinto may bubuksan ang Diyos na bintana.
Nasa plano Nya lahat. Darating ang mga bata kaya binigyan ako ng oras para sa kanila. Para siguro makapag-bonding kami ng husto, to make up for the lost time ika nga..Kaya heto, pansamantala pataba muna ako ng P&*^%$&%#@.

Thursday, April 13, 2006
Maraming daan, Iisa patutunguhan...
Day-off ko. Gusto kong magsimba kaso wala akong mahila na magsasakay sa akin. Hirap talaga ng hindi pa marunong magmaneho. Kaya ang ending, buro ako sa bahay. Sa tv na lang tuloy ako nakinig ng misa at mga sermon. Pinasadahan ko lahat. El Shaddai, Jesus is Lord, 700 Club at yung Catholic Mass ni Fr. Jerry Orbos. Sapul ako sa sermon nya.
May apat raw na klase ng kristiyano. Actually, tatlo lang yung sinabi nya. May idinagdag lang akong isa. Una, kristiyanong bakasyunista. Ito yung mga taong pagdating ng ganitong mahal na araw e mas unang pinaplano yung pagbabakasyunan. Makikita nyo sila sa mga beach resorts o kaya sa ibang bansa nagpapasarap. Pangalawa, kristiyanong artista. Sila yung mga sumasali sa mga aktibidades para sa okasyong ito na hindi naman taos sa puso ang ginagawa. Yun bang tipong masabi lang na nandon sya at nagtitika-tikahan. Ito dagdag ko, kristiyanong absingero. Sila yung nakakapasok lang ng simbahan pag may namatay---kailangang makipaglibing; binyag---ninang o ninong kaya kailangang umatend; kasal---baka abay o kaya sila mismo yung ikakasal o sila yung magulang o kapatid kaya kailangang pumasok sa simbahan. At ang ikaapat e yung kristiyanong totoo na malimit e mahirap gawin.
Aminin natin at sa hindi, tayo e dumadaan o nagdaan lahat sa mga nabanggit ko sa itaas, meaning may punto sa buhay natin na tayo ay naging bakasyunista, artista, absingero at totoo. Tao lang naman tayo para paminsan-minsan (o kadalasan?) ay mapasabay sa agos ng buhay. Basta ang importante, sa kaibuturan ng puso natin, nandon pa rin ang pagpupuri at takot sa Diyos. Basta wala kang inargabyadong tao, okey na yun. Ika nga, wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo.
Hindi ko intensyong mangaral o magpakabanal. Sarili ko ang hinahanapan ko ng pwesto kung saan ako papatak sa apat ng klase ng kristiyano. Nataranta naman ako kasi lahat nga umaakma naman sa akin lalo na yung unang tatlo. Sa loob-loob ko nga, anak ng maamong tupa oo (bawal kasi magmura, baka isara ng permanente ni Lord ang bibig ko) saan kaya ako rito? Tinatamaan naman ako ng kunsensya tuwing tatangkain kong piliin yung ikaapat.
Kaya para mapagdesisyunan ko kung saan ako talaga, iniaplay ko yung sinabi ni Father--"this lenten season, let us remember the three Rs." Biglang litaw sa isip ni promdi?! Reading, (w)riting at 'rithmetic? Hindi pala yun...kundi...
Relax-- free your mind of stress. Kumbaga, bigyan natin ng break ang mga isip natin sa mga problema ng buhay kahit ilang araw lang. Sabi nga ni Bro. Mike, God will take care of everything.
Reflect--balikan ng tanaw ang mga nagawa mo sa buhay mo. Nakagawa ka ba kahit isang kabutihan? Sabi nga Father, napangiti mo ba ang Diyos?
Renew/Recharge--karamihan daw sa atin low bat na dahil sa pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay. Let us grab this opportunity to renew or recharge para handa uli tayo sa mga darating na pagsubok. Let us renew our commitment to the Lord and take comfort that He is always with us no matter what.
Kaya tara na sa beach o sa case ko e sa kuarto lang para maka-RELAX. Pumunta sa baybayin o yung malayo sa karamihan to REFLECT , hindi naman requirement na sa loob mo ng simbahan gawin ito. Basta sa lugar na tahimik, walang istorbo para tuluy-tuloy ang pagninilay-nilay mo. Magdasal ng mataimtim at ihingi ng tawad ang mga kasalanang nagawa mo at mangako sa Panginoon na hangga't makakaya mo, hindi na yun mauulit.Renew our faith. Ulitin natin ang pakikipagtipan natin sa Kanya para ng sa ganon, pagbalik natin sa realidad, may lakas na naman tayo, RECHARGE na ika nga...
Peace!

Tuesday, March 21, 2006
Umulan sana ng pera...pero wag naman barya!
Nandito ako ngayon sa bahay at day-off ko. Walang magawa kundi matulog, mahiga, kumain at tumunganga. First day of Spring, pagkagising ko kaninang umaga, bumulaga sa akin...snow! What the #@%&! Akala ko graduate na kami sa yelo, may pahabol pa pala. Kaya siguro lalo akong tinamad.
Sa katutulog ko yata heto at masakit ang ulo ko. Buti nga at si Bunso ko hindi nangungulit na lumabas. Kuntento nang naglalaro ng kanyang train. Awa nga ako kasi naririnig ko sya sa ibaba, nagsasalita mag-isa. Ngayon naman heto sa tabi ko at naglalaro ng video games habang ako e nasa harap ng computer.
Nangyari na ba sa inyo yung parang may gusto kang kainin pero di mo matanto kung ano? May gusto kang gawin kaso pag uumpisahan mo na tatamarin ka na? Hindi naman ako "jontis" at malabo ng mangyari yun no? Kahit anong sirko ni Fafa e wala na, putol na.
Speaking of Fafa, kawawa nga e. Wala ng day-off. Puro kayod. Bukod kasi sa fulltime job nya, nag-apply pa syang CNA, kaya sa araw na off nya sa regular job nya, pasok naman sya sa isa. Nakakatawa nga kasi dun sya naka-assign ngayon sa Lola dear namin. Ang ganda lang, ngayon ang hourly rate na nya e $ 12 -$14 kumpara noon na $7.50. Katulad kahapon, duty nya 3 to 11pm na na-extend hanggang 7 the next morning. Pag-uwi nya, kain lang, tulog tapos pasok uli ng 3 pm hanggang 11 uli. Tumawag uli sa kanya yung office at tinanong sya kung gusto nya uli ng diretsong duty kaso mahirap na, may pasok pa sya bukas.
Kaya ko lang naikwento 'to kasi parang hindi rin sulit kahit pa maganda ang kita ng nado-double job. Hindi na kami nagkakausap. Hindi na rin kami matagal ng magkasama tapos palagi syang pagod. Sabagay, kailangang gawin. Kailangang magsakripisyo. Kailangang samantalahin habang kaya pa ng katawan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kadalasan ang buhay talaga, unfair din. Sa puntong heto, nagsisikap ka pero parang may kung anong pilit na pinahihirap lahat para sa iyo. Bakit sa iba parang madali lahat sa kanila? Na nasa kanila lahat? Bakit sa amin pa na mahirap nangyayari ito? Bakit hindi pa sa mga maykaya o super yaman na kayang sustentuhan ang lahat? Kami pa na mahirap ang may anak na may mabigat na sakit? Hindi pa sa kanila na kayang-kayang umupa ng private nurse 24/7?
Hay naku! Heto na naman ako. Praning na naman. Kaya ayokong nag-iisip ng problema kasi kung anu-anong "nega" ang pumapasok sa isip ko na ending e self-pity na. Kailangang huminto na ako at ipagpasa Diyos na lang lahat. Sino ba nagsabing madali ang buhay? Pinakamagandang gawin ko, maglaba at maglinis de may katuturan pa....
To quote from Desiderata..."Do not compare yourself with others..for always there will be greater and lesser person than yourself."
Hayan, matauhan ka promdi!

Tuesday, March 07, 2006
Buhay pa ako...
Halu mga kapitbahay! Pasensya na kayo at hindi ako nakakapag-online lately.Medyo may problem kasi sa trabaho e. Sa ospital ako nagdu-duty ngayon kasi naka-confine ang lola dear ko ( read:boss) nun pang Huwebes. She fell and she's in so much pain. Ang isa sa pinagpapasalamat ko e hindi sa shift ko nangyari yun.
Tayong mga pinoy, pag nangamuhan, talagang nagke-care tayo sa alaga natin. Hindi lang pera...
Sana gumaling na si Lola...
Babu muna ako mga guys...regards to everyone!

Saturday, February 11, 2006
Lab Story ng Promdi...
Hinahanapan na ako ni Mommy Lei ng update kaya heto...Nawiwili kasi ako sa pangangapitbahay sa mga bahay-bahay nyo e. Eniwey, heto ang aking love story (kung may intresado). Tribyut kay elabs...
Taong 1984 nung magkakilala kami ni Robert, ang edad ko ay mangasim-ngasim na disi-siyete. Taga Novaliches sya at ako'y Nueva Ecija. Sa lamay kami ng patay nagkita. Sa libing, dun sya lumapit sa akin at nagpakilala at makaraan ang isang buwan, dumalaw uli sya sa probinsya namin para maningalang-pugad. Kaso, turn-off ako sa style ng panliligaw dahil sa tabing kalsada dun nag-umpisang dumiga ng dumiga. Gusto ko ng tadyakan sa ngala-ngala! Panay ang "i love you todo-todo,walang break, walang preno, sagutin mo na ako please?".
Kinagabihan, umakyat ng ligaw sa bahay namin. Alas-dose na ng gabi ayaw pang umuwe, umuulan pa naman. Sa loob-loob ko "dito pa yata balak mag-almusal nito". Nadaan ako sa kulit kaya pinawalan ko na rin ang aking matamis na yes. Sa isip ko, may edad sa akin (9 yirs ang pagitan namin), may trabaho (okey ako sa regalo), malayo (hindi ako makukulit at madalang kong makikita) kaya pwede na, praktisan kumbaga.
Unang dalaw sa akin bilang boypren, aba! may bitbit! Hindi ako nagpahalata pero curious ako sa pasalubong. NAKALATA...aba, pangangatawanan yata yung pangako na "aalagaan" ako! Gatas pa yata yung dala, ano kaya Nido o Bear Brand? Nung inabot sa akin, teka lang ba't mabigat? Baka naman inuyat? Alam nyo ba sabi pagkaabot sa akin?
"Nagdala ako ng alkitran, paakyatin mo yung mga kapatid mong lalaki sa bubong nyo at puro butas. Kahit saan ako pumuwesto, nababasa ako ng ulan". Anak ng teteng! San ka naman nakakita ng nagregalo e aspalto pa? Dismayado ako pero nagtenk yun na rin, sabay bulong ng "ipakain ko sa iyo to e nakita mo."
Sumunod na dalaw, may LATA na namang bitbit. Kuwadrado naman ngayon kaya naisip ko eto na siguro yung biskwit. Skyflakes kaya o Fita? Putsa! nung iabot sa akin, muntik ko ng maibagsak sa paa nya sa bigat! Ano kaya ito?Bato? Pag ito bato, sa kanya ko lahat ipupukol!
Heto sabi nya habang hindi ako magkandadala sa bigat:"Mga barya yan, mabigat sa bulsa e kaya inipon ko, sya pang pasahe mo." In fairness, wala namang mamiso, puro tig-dodos at limang piso...
Kinalipatang buwan heto naman, may dala naman. Medyo hindi na ako ganon ka-excited. Dis taym, ang dala nasa plastic container. Isip ako ng isip, masyado naman kakong malaki kung cologne. I hold my breath habang sinasabi nya kung ano yung dala nya..."Nagdala ako ng panlinis ng kubeta, napansin ko kasi medyo marumi yung kubeta nyo." Anak ng syongoy, oo! Sabunutan ko na kaya ito para lalong makalbo!
Sumunod na dalaw na may bitbit, halos di ko na tingnan at asar na ako talaga. Hindi mga ganon ang inaasahan kong pasalubong no? Hindi ko naman masabi yung gusto ko at dyahe rin naman. Nasa plastic container na naman, kaya sinabi ko na, marami pa yung panlinis na dala nya nung una at malinis na yung kubeta namin. Sagot sa akin, hindi naman daw panlinis ng kubeta ang dala nya kundi pang spray sa lamok. Masyado raw malamok sa amin, kinakagat sya... Alam nyo ba, natapos ang araw na yun na hindi ko na kinausap at sobra mapakapanlait ang kolog...
Ilang dalaw pa yun na puro ganon.Nandyang magdala ng doormat at ng hindi daw tuluy-tuloy ang tsinelas ng pumapasok sa bahay, achuchu-achuchu. At ang finale, pantalon na! Kulay puti. Para raw sa akin kasi binili raw nya para sa kanya e maliit kaya akin na lang...sey nyo? Lahat ng bigay nya sa akin, sa kanya ang benepisyo. Kasarap kalabugin sa noo!
Hindi na ako nakatiis, nagreklamo na ako. Sinabi ko sa kanya na hindi man lang ba nya ako bibigyan ng bulaklak o tsokolate. Ganon ang gusto ko kako ayoko ng kung anu-ano, para kako syang bumbay. Ganon raw sya kase, praktikal pero nangako na pagbalik nya may dala na syang bulaklak at tsokolate. Sasadyain nya pa raw sa Baguio. How sweet!
Eto na ang pinakahihintay-hintay kong araw ng pagdalaw nya. Ang pagbabalik galing Baguio...Umeentra pa lang sa gate namin, nakatanaw na ako. Hinahanap ng mga mata ko ang mga rosas, wala!? Nakalimutan yata..Pag ito pumalpak sa pangako nya, bebreykin ko na ito! Maya-maya, inilapag ang duffel bag na dala nya. Binuksan ang zipper at unti-unting inilabas ang bulaklak....pigil ko na naman ang hininga ko....nakupo! Muntik na akong himatayin...bumantad sa mata ko ang mga kulay pink na rosas, na nakabalot sa plastic at nakasaksak sa vase na kahoy na may nakasulat pang "Baguio City" .....
Ang bulaklak?.... Peke! Plastic! Di tunay! Walang pagkalanta ....Tulad daw ng pag-ibig nya na walang kamatayan....At ang tsokolate?... Goya....Nagoya ako..
Di naman ako nadala. Ending, kami rin. Ikinasal kami, January 2 & May 5,1990. May tatlo na kaming anak ngayon at still going strong pa rin naman...Pero si Mister ko, wala pa ring kupas. Ang regalo sa akin nitong nakaraang Valentine's Day?
Isang sariwang pink na rosas...nung tanungin ko ba't iisa, alam nyo sagot? Mahal e.....tulad ng feelings ko towards you.....nabola na naman ako.....

Monday, January 16, 2006
Round and Round it goes...
Nung una akong nagtrabaho bilang caregiver sa California, natuwa ako kahit papano kasi puro mga kapwa ko pinoy ang mga kasama ko at pati na amo ko. Pero di nagtagal, nainis na ako kasi talagang may mga taong may talangka sa ulo. Nag-umpisa na ang intriga, tsismis, kampihan at sipsipan. Kaya nasabi ko sa sarili ko, na hahanap kaming mag-asawa ng trabaho na ganito rin pero kung maari e mga kano na ang kasama namin dahil akala ko, iwas intriga at tsismis. Naku! laking pagkakamali ko... ngayon ko narealized na ma-kano, ma-pinoy nandun yung nature na yun kaya sabi ko nga wala sa kung anong lahi ka o saan ka galing "it's human nature" na mainggit sa kapwa. Nasabi ko ito kasi yung mga ugaling iniwasan ko sa California e yun din pala ang babagsakan ko dito. Sa umpisa, okey ang working relationships namin ng kasama kong puti dito pero habang nagtatagal, mapapansin mo na akala mo nagke-care sila sa iyo pero hindi pala at kapakanan lang din nila ang iniisip nila. Mahilig din sila sa tsismis at sa pagtira pag nakatalikod ka. Siguro iniisip nyo, baka nasa akin ang problema. I beg to disagree. Hindi ko ugali ang sumipsip at tumakbo sa amo pag may nakitang palpak sa isang katrabaho, kalahi man o hindi. Tahimik ako, pag may iniutos, oo ako hangga't makakaya ko. Sa sobrang pakikisama, kahit hindi ko trabaho ginagawa ko makatulong lang ako, na yung pagtulong na yun, hindi nakakarating sa amo, sa akin na lang. Ang hirap sa mga puti, pag may inutos na beyond their job descriptions e ayaw nilang gawin, sa ating pinoy okey lang lalo't hindi naman mahirap, eksampol: natanggal ang butones sa palda ni lola dear, nakiusap na kung pwede pakitahi ko, so okey, tahi naman kahit di ko alam manahi. eto na ang mga bulong: "why did you do it? pretty soon it will be in your job description, don't allow them to do that to you blah,blah, blah..kaya di nagtagal tinatanggihan ko na pag may pinatatahi sa akin the reason for that is eto: Oh great! does that mean I have to do it too?" Pakiramdam mo non, super sepsep ka na. So kawawang matanda, magtiis ka pag nawalan ng isang butones ang iyong palda. heto pa sampol: bertdey ni lola, e gustung-gustong nagbababad ng paa sa palanggana dahil madalas masakit ang mga daliri, na per advised din nila e i-soak daw ang feet sa warm water at epsom salt. Nasabi ko na titingin ako ng sale na foot spa, yung maliit lang pero may iba-ibang setting ng pangmasahe? yun kako ang gift namin sa kanya. Heto ang banat ni kana:"That's too expensive, she's a millionaire. Why do you have to buy it for her?" And besides that means more work for you...and me." So hindi ako bumili at damay daw sya sa trabaho. Kinabukasan, heto, dyaran!!! may dalang foot spa ang kana! o sey mo di ba? Kainis ano? Ngisi na lang kaming mag-asawa.
Kaya ko nabanggit ito kasi magkakaroon ng changes dito sa schedule ng trabaho namin. Nakikiusap ako na kung pwede e maging per hour din sana ang rate ko tulad nila. Dalawa kasi yung kasama ko rito yung isa mas senior na sa amin tawagin nating mayordoma. Yung isa si Kulasa. Nailakad ni Mayordoma na mataasan si Kulasa pero pagdating sa akin, e sigurado raw di papayag ang amo dahil magti-triple ang kita ko. Isiping mong katwiran yan, kainis di ba? Ako 84 hours a week ang trabaho ko, si Kulasa, 48 at si Mayordoma, 36 hours. Ako pa lahat pag weekend at ayaw daw nilang magtrabaho ng weekend. Ako pinakamaraming oras ng trabaho pero sa sahod ako pinakamaliit. Sabi pa ni Mayordoma, kailangan daw pantay-pantay ng trabaho lahat maglilinis. Pumiyok na ako kasi di na yata tama yun no? Kaya sabi ko, "don't expect too much from me". "Why? because you have a baby?" Banat ni Mayordoma. Nakakapikon minsan pero kailangang magtiis para sa mga anak. Alam kasi nila na wala akong magagawa kung ano man ang ibato nila sa akin kasi nga sa lagay namin, na may anak na may diabetes, kakukuha ng bagong bahay, di pa bayad yung kotseng hinuhulugan tapos darating pa yung dalawa kong anak dito, kaya alam nila di ako bibitiw. Sabagay, okey lang. May katapusan din lahat ito. Sabi nga ang buhay parang gulong lang yan, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Ang lagay ko ngayon e nasa ilalim, nalubak pa yata....help!!!!

Sunday, January 08, 2006
New year, new beginning...
Bagong taon, bagong pakikipagsapalaran. Sa mga nangyayari sa buhay naming mag-asawa particularly sa mga anak namin, nagdesisyon kami na isa sa amin e lumabas na dito sa trabaho namin at humanap ng iba. Yung regular at pangmatagalang trabaho, yung may health insurance. Napakahirap pag wala ka nito sa tate, mamumulubi ka talaga. Ang survival mo lang non e from paycheck to paycheck na mahirap para sa min dahil may tatlo kaming anak at may mga health issues pa. Kaya nitong mga huling araw, sumubok umaplay ang asawa ko at awa ng Diyos at sa tulong ng mababait na "kapitbahay", natanggap sya. Mag-uumpisa na sya sa katapusan ng buwan. Mas lumiit ang sahod nya pero mas mabuti na yun kasi nga may job security na, hindi tulad dito. May edad na kasi itong alaga namin, kumbaga, any moment pwedeng mag-expire (wag naman). Dito pa rin ako sa lola dear ko bilang tanaw na rin ng utang ng loob sa kanila kasi sila ang tumulong sa amin na maging "legal" dito sa lupa ni Uncle Sam. Hindi ko lang alam kung papayag sila na 12 hours na lang ako magtatrabaho di tulad ng dati na 24 hours at hindi ko rin alam kung papayag na maging per hour ang rate ko. Bahala na. Sabi ko nga kahit anong itapon sa akin, tatanggapin ko. Hindi pa kasi ako sanay mag-drive at maliit pa itong bunso ko kaya di pa pwedeng umiba ng trabaho, ika nga. Yung makauwi lang ako everyday sa bahay ay magandang bonus na sa akin. Kailangan kasi, lalo at parating na rito yung dalawang anak ko. Kailangan may isa palagi na kasama nila sa bahay. Medyo nagsasawa na rin kasi ako sa trabahong live-in ika nga. Grabe ang stress! Okey rin sana kasi magkasama kaming mag-asawa araw-araw, gabi-gabi, 24/7 at maganda ang kita, kaso nga pano kung bigla na lang isang umaga e wala na pala kaming trabaho? Mahirap mabakante dito. Pag di mo pinaghandaan ang bukas, yari ka. Yung pinaghirapan mong magandang credit history, sa wala mapupunta. Kaya sa ngayon, ipon-ipon, bayad-bayad bills at ng walang sakit ng ulo...paghahanda sa New year....
Monday, January 02, 2006
Thy will be done....
nakaraan ang pasko at bagong taon ng ganon lang. hirap talaga pag nasa ibang bansa ka, yung mga special occassions e hindi na "special" kasi trabaho pa rin tapos malayo pa sa mga mahal sa buhay...kahirap.anibersaryo naming mag-asawa ngayon, 16 years na kaming "nagtitiis" sa isa't isa...joke! ganito na pala kami katagal na kasal, kung iisipin mo parang kailan lang. tulad nito, special occassion, dapat may celebration, kaso komo malayo kami sa dalawang anak naming babae at heto nagtatrabaho, parang wala rin.
minsan gusto ko ng magsawa sa set-up ng buhay ko.parang gusto ko, nasa bahay na lang at inaalagaan ang mga anak ko kaso hindi pwede.kailangang kumayod lalo pa at kakukuha lang namin ng townhouse at parating na rin yung mga anak na nasa pilipinas.minsan maiisip ko na lang na unfair ang buhay. hindi ko naman hinihiling na mangyari sa kapwa ko pero hindi ko maiwasang isipin na bakit sa amin nangyayari lahat ng problema. yung anak kong bunso may diabetes, three years old na sya pero nung ma-diagnosed e 2 years 8 months.lifetime na injections at pag-prick ng fingers, masakit yun a! nakakaawa nga e.sa umaga hindi pwedeng mag-sleep in at ang pinaka mahirap pa, pag gustong kumain, pinipigil namin, pag ayaw kumain, pipilitin naman. yung anak kong panganay, 14 years old, may scoliosis naman.mag-wa-one year na syang nagsusuot ng brace, mga 3 years pa raw.kailangan nyang suot yun 23 hours a day, aalisin lang kung maliligo.pati sa pagtulog suot nya kaya kung ikaw ang magulang, makita mo lang na natutulog yung bata ng mukang hirap na hirap sa brace nya at ni hindi makabaluktot sa tulog e talagang parang pinipiga ang puso mo. and speaking of puso, recently, nalaman namin na may problem din sa puso. may panahon kasing hirap syang huminga at parang hingal na hingal, tapos palaging pagod ang pakiramdam.pina-ecg namin wala namang nakita ang doktor kaso tuloy pa rin yung nararamdaman nya kaya nagdesisyon kaming kumuha ng referral para mapa 2D Echo sya at yun nga, may butas sa wall na nagse-separate sa right & left ventricle nya. in short meron syang Ventricular Septal Defect. maliit naman daw yung hole kaya hindi kailangan ng surgery pero nag-aalala pa rin kami kasi puso yun at may nararamdaman sya dahil dun.ginoogle ko nga e kaso sumakit lang ang dibdib ko sa mga nababasa ko kaya hinintuan ko na. mabuti nga at yung anak kong babae(gitna) e gumaling na sa sakit nya. pero noon palagi sya ang may sakit.nagka-H fever, may primary complex (baga) two years naggamot at medyo anemic. minsan tuloy naiisip ko, siguro kaya niloob ng Diyos na mapunta kami rito sa amerika na mag-asawa para makapaghanda kami sa mga darating na bagyo sa buhay namin, financially. noon pa pangarap ko talagang mapunta rito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bata, yun lang, kaso biglang nagsulputan itong mga health problems.minsan nga tuloy naiisip ko baka kung nakuntento na lang ako sa pilipinas at hindi ko sila iniwan, siguro hindi sila magkakasakit,baka kako ito yung kapalit ng pagiging "ambisyosa" ko. pero tama bang mangyari sa akin ito?lahat naman ng pinlano ko at pinangarap ko hindi para sa akin, para sa mga anak ko, sa pamilya namin at sa magulang at mga kapatid. hindi naman ako selfish, hindi ako maramot....hay naku, hayaan ko na nga lang.ipagpapasa Diyos ko na lang lahat-lahat.Sya ang tanging may alam kung ano ang para sa kinabukasan, wala akong karapatang magreklamo (minsan lang , kasi tao lang naman ako) at lalong wala akong karapatang kuwestyunin ang mga nangyayari sa buhay ko. sabi nga "everything happens for a reason"....Lord, Thy will be done....

Subscribe to:
Posts (Atom)