Nung una akong nagtrabaho bilang caregiver sa California, natuwa ako kahit papano kasi puro mga kapwa ko pinoy ang mga kasama ko at pati na amo ko. Pero di nagtagal, nainis na ako kasi talagang may mga taong may talangka sa ulo. Nag-umpisa na ang intriga, tsismis, kampihan at sipsipan. Kaya nasabi ko sa sarili ko, na hahanap kaming mag-asawa ng trabaho na ganito rin pero kung maari e mga kano na ang kasama namin dahil akala ko, iwas intriga at tsismis. Naku! laking pagkakamali ko... ngayon ko narealized na ma-kano, ma-pinoy nandun yung nature na yun kaya sabi ko nga wala sa kung anong lahi ka o saan ka galing "it's human nature" na mainggit sa kapwa. Nasabi ko ito kasi yung mga ugaling iniwasan ko sa California e yun din pala ang babagsakan ko dito. Sa umpisa, okey ang working relationships namin ng kasama kong puti dito pero habang nagtatagal, mapapansin mo na akala mo nagke-care sila sa iyo pero hindi pala at kapakanan lang din nila ang iniisip nila. Mahilig din sila sa tsismis at sa pagtira pag nakatalikod ka. Siguro iniisip nyo, baka nasa akin ang problema. I beg to disagree. Hindi ko ugali ang sumipsip at tumakbo sa amo pag may nakitang palpak sa isang katrabaho, kalahi man o hindi. Tahimik ako, pag may iniutos, oo ako hangga't makakaya ko. Sa sobrang pakikisama, kahit hindi ko trabaho ginagawa ko makatulong lang ako, na yung pagtulong na yun, hindi nakakarating sa amo, sa akin na lang. Ang hirap sa mga puti, pag may inutos na beyond their job descriptions e ayaw nilang gawin, sa ating pinoy okey lang lalo't hindi naman mahirap, eksampol: natanggal ang butones sa palda ni lola dear, nakiusap na kung pwede pakitahi ko, so okey, tahi naman kahit di ko alam manahi. eto na ang mga bulong: "why did you do it? pretty soon it will be in your job description, don't allow them to do that to you blah,blah, blah..kaya di nagtagal tinatanggihan ko na pag may pinatatahi sa akin the reason for that is eto: Oh great! does that mean I have to do it too?" Pakiramdam mo non, super sepsep ka na. So kawawang matanda, magtiis ka pag nawalan ng isang butones ang iyong palda. heto pa sampol: bertdey ni lola, e gustung-gustong nagbababad ng paa sa palanggana dahil madalas masakit ang mga daliri, na per advised din nila e i-soak daw ang feet sa warm water at epsom salt. Nasabi ko na titingin ako ng sale na foot spa, yung maliit lang pero may iba-ibang setting ng pangmasahe? yun kako ang gift namin sa kanya. Heto ang banat ni kana:"That's too expensive, she's a millionaire. Why do you have to buy it for her?" And besides that means more work for you...and me." So hindi ako bumili at damay daw sya sa trabaho. Kinabukasan, heto, dyaran!!! may dalang foot spa ang kana! o sey mo di ba? Kainis ano? Ngisi na lang kaming mag-asawa.
Kaya ko nabanggit ito kasi magkakaroon ng changes dito sa schedule ng trabaho namin. Nakikiusap ako na kung pwede e maging per hour din sana ang rate ko tulad nila. Dalawa kasi yung kasama ko rito yung isa mas senior na sa amin tawagin nating mayordoma. Yung isa si Kulasa. Nailakad ni Mayordoma na mataasan si Kulasa pero pagdating sa akin, e sigurado raw di papayag ang amo dahil magti-triple ang kita ko. Isiping mong katwiran yan, kainis di ba? Ako 84 hours a week ang trabaho ko, si Kulasa, 48 at si Mayordoma, 36 hours. Ako pa lahat pag weekend at ayaw daw nilang magtrabaho ng weekend. Ako pinakamaraming oras ng trabaho pero sa sahod ako pinakamaliit. Sabi pa ni Mayordoma, kailangan daw pantay-pantay ng trabaho lahat maglilinis. Pumiyok na ako kasi di na yata tama yun no? Kaya sabi ko, "don't expect too much from me". "Why? because you have a baby?" Banat ni Mayordoma. Nakakapikon minsan pero kailangang magtiis para sa mga anak. Alam kasi nila na wala akong magagawa kung ano man ang ibato nila sa akin kasi nga sa lagay namin, na may anak na may diabetes, kakukuha ng bagong bahay, di pa bayad yung kotseng hinuhulugan tapos darating pa yung dalawa kong anak dito, kaya alam nila di ako bibitiw. Sabagay, okey lang. May katapusan din lahat ito. Sabi nga ang buhay parang gulong lang yan, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Ang lagay ko ngayon e nasa ilalim, nalubak pa yata....help!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
Katrina wala kang tagboard kaya dito kita na lang iwe-welcome sa blog ni Ella at isa ko sa blogkada dun. Masaya dun kaya maaaliw ka.
Maglagay ka ng tagboard para mas masaya at madali ka naming batiin.
Just read your latest post, sana di ka na umalis sa California. Kung nasa southern part kayo, eh di sa northern na lang kayo pumunta... Isa pa, mas malapit ang West Coast sa Pinas, isang liparan lang di tulad jan sa kinaroroonan nyo medyo malayo, super lamig at kapal pa ng yelo lalo na ngayon brrrr, hahaha. Musta sa pamilya...
p.s. Punta ka ng setting mo at in "on" mo ang "Word Verification". Looks like pinasukan ka ng spam (D yun kinakain hehehe) yun peste hahaha
Hi katrina, bumibisita galing kay KU.
Nakaka-relate ako sa hinaing mo, dati sa trabaho ko ako lang ang pinay, walang problema, simula nung dumating ang bago naming sekretaryang pinay, nagsimula na ang intriga. Ang dating matiwasay na samahan, biglang puno na ng mga inggit... ewan ko ba, kalahi mo rin ang magpapabagsak syo.
Hello Katrina! Sumunod lang dyan sa dalawang makulet sa taas.
hi, katrina! ako din, sumunod lang ako sa bakas ng 3 dyan sa itaas. hehehe welcome!
nweis, i agree with you...kahit ano'ng lahi, ganyan. ako, dedma ko na lang sila. patakaran ko, kung hindi ko pagkakakitaan, they might as well, talk to the hand. hehehe
nahila rin ng mga kablogkada :)
dats layp! tiis nga lang muna, pasasaan ba't matututo ka ring sumabay sa sistema.
happy Sunday!
Mga tsong, mga tsang
Thank you so much for visiting, really appreciate it!
Tama kayo, just go with the flow sa mga nangyayari...
Royce, kaya wala kaming lakas ng loob kumalat sa california kasi wa pa kaming "berdeng papel" non kaya tiis kami rito sa Iowa kasi tahimik at konti pa mga noypi.yun nga lang super lamig talaga, mild pa nga ang winter ngayon d2 kc wala pa snow.ngapala, tenk u uli sa tips..
mmy lei, fan din ako ni KU..tama ka, sad to say, kalahi talaga magbebenta sa iyo, buti na lang may blogkadahan, pampaalis ng problema, may mga magiging kaibigan pa na nakakaintindi sa sitwasyon mo..
Hi Ann, tenk u at nagpahila ka.Nakakatuwa nga kasi talagang solid kayo no?Pasama naman sa grupo..
Hi Dess, tenk u din at napasunod ka sa kanila. Parang feeling ko, sarap ng barkadahan nyo kahit nasa iba-ibang lugar..sama naman ako ng lima..
Racky!! I am very "rucky" and honored sa pagdalaw nyo dito. Salamat..hayaan mo susundin ko payo mo, tiis-tiis lang...ngayon okey na ako kasi nandyan kayo para makaalis ako sa lubak na binagsakan ko...thanks a lot guys!!!
Mmy,
Hey Kat!
I can relate to your story, though am not working kasi aral pa ako and it's true that there is kampihan and descrimination among the races around ang mga kakampi ko lang sa school na pinasukan ko is from different countries having the same hardship that I have been through, akala nila international student can't go with the educational system here in tate, sa totoo lang mas mahirap mag take ng entrance exam papasok ng ateneo, up or even asia pacific kaysa dito, have a classmate who had the nerve to ask me why I was able to enrol the subject which is suppose to be for the higher year, kasalanan ko ba kung yun ang reccomended sakin ng accademic adviser nung ako'y magpaenrol this semester. Andun yung akala nila sila ang pinakamagaling sa mundong ibabaw, the bottom line is kahit saan ka man mapunta ang mapanuring mata hindi nawawala... I'll just do my own stuff to prove them that I am what I wanted to be! konting tiis lang ika nga time will come to heal the wounds...
Hi Kat,
Kasama ka na nga sa blogkada. Well, ako lang yata ang nasa Pinas, ah. But I can relate, dear. Isa lang ang panuntunan kong natutunan sa trabaho..."Nobody tells me what to do. Ako ang nagtanim, ako rin ang mag-aani."
kat,
may advice pa pala ako sa format ng posts mo. Break it down to shorter paragraphs. Mga 3-4 sentences in a paragraph. para mas madaling basahin, okey?
ate kat isa pa lang nabasa ko sa blog mo, etong latest pero tingin ko babalikan ko yung iba... ako po manila lang laki pero jologs ahehehehehe
Ako rin nakaranas na ka inggitan at pagtsismisan ng puti at itim (aba tagteam yung 2 bruha!). Akalain mo barely one week palang akong nag umpisa siniraan na ako sa boss namin (puti). Kesyo raw lagi akong nasa stockroom. Gaga pla sila eh. Sila yung nag tra train sa akin noon (as HR officer ng isang theme park sa San Jose,CA) tapos utos sa akin nung dalawa na dun daw ako mag work sa stockroom - organize yung records ng mga employees.
Ayun come Monday, nag quit ako. wala eh kampihan sila. Syempre hindi ko na nilalagay sa resume yung work ko dun. Kasuka suka eh.
Hi kenji,
Thank you sa pagdalaw ha? Pamilyar nga name mo sa akin dahil madalas ka sa blog ni Ella. Dalaw ka lagi ha?
Hi Vemsan,
Natural talaga sa tao ang mang-inis e ano? Kaya deadma na lang din ako, basta trabaho na lang ang aatupagin ko kasi inis-talo tayo dyan...Thank you sa pagdalaw...sa uulitin...dalaw din ako sa blog ngaun...
Post a Comment