Nandito ako ngayon sa bahay at day-off ko. Walang magawa kundi matulog, mahiga, kumain at tumunganga. First day of Spring, pagkagising ko kaninang umaga, bumulaga sa akin...snow! What the #@%&! Akala ko graduate na kami sa yelo, may pahabol pa pala. Kaya siguro lalo akong tinamad.
Sa katutulog ko yata heto at masakit ang ulo ko. Buti nga at si Bunso ko hindi nangungulit na lumabas. Kuntento nang naglalaro ng kanyang train. Awa nga ako kasi naririnig ko sya sa ibaba, nagsasalita mag-isa. Ngayon naman heto sa tabi ko at naglalaro ng video games habang ako e nasa harap ng computer.
Nangyari na ba sa inyo yung parang may gusto kang kainin pero di mo matanto kung ano? May gusto kang gawin kaso pag uumpisahan mo na tatamarin ka na? Hindi naman ako "jontis" at malabo ng mangyari yun no? Kahit anong sirko ni Fafa e wala na, putol na.
Speaking of Fafa, kawawa nga e. Wala ng day-off. Puro kayod. Bukod kasi sa fulltime job nya, nag-apply pa syang CNA, kaya sa araw na off nya sa regular job nya, pasok naman sya sa isa. Nakakatawa nga kasi dun sya naka-assign ngayon sa Lola dear namin. Ang ganda lang, ngayon ang hourly rate na nya e $ 12 -$14 kumpara noon na $7.50. Katulad kahapon, duty nya 3 to 11pm na na-extend hanggang 7 the next morning. Pag-uwi nya, kain lang, tulog tapos pasok uli ng 3 pm hanggang 11 uli. Tumawag uli sa kanya yung office at tinanong sya kung gusto nya uli ng diretsong duty kaso mahirap na, may pasok pa sya bukas.
Kaya ko lang naikwento 'to kasi parang hindi rin sulit kahit pa maganda ang kita ng nado-double job. Hindi na kami nagkakausap. Hindi na rin kami matagal ng magkasama tapos palagi syang pagod. Sabagay, kailangang gawin. Kailangang magsakripisyo. Kailangang samantalahin habang kaya pa ng katawan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kadalasan ang buhay talaga, unfair din. Sa puntong heto, nagsisikap ka pero parang may kung anong pilit na pinahihirap lahat para sa iyo. Bakit sa iba parang madali lahat sa kanila? Na nasa kanila lahat? Bakit sa amin pa na mahirap nangyayari ito? Bakit hindi pa sa mga maykaya o super yaman na kayang sustentuhan ang lahat? Kami pa na mahirap ang may anak na may mabigat na sakit? Hindi pa sa kanila na kayang-kayang umupa ng private nurse 24/7?
Hay naku! Heto na naman ako. Praning na naman. Kaya ayokong nag-iisip ng problema kasi kung anu-anong "nega" ang pumapasok sa isip ko na ending e self-pity na. Kailangang huminto na ako at ipagpasa Diyos na lang lahat. Sino ba nagsabing madali ang buhay? Pinakamagandang gawin ko, maglaba at maglinis de may katuturan pa....
To quote from Desiderata..."Do not compare yourself with others..for always there will be greater and lesser person than yourself."
Hayan, matauhan ka promdi!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
korek mahirap talaga mabuhay sa isteyts. kami ngang magkakapatid nasa early 20's palang (24,23, and 20) pero bihira na kami magkita at mag usap sa bahay -- tulog ang dalawa, darating ang isa and vice versa to think hindi pa kami double job! hehehe
ok lang yan ate, hindi ka nagiisa.. :)
(kunyari nasa tate din ako..) yeah, that's true! Hirap talaga buhay dito!
seriously, i believe dun sa saying na "ang lahat ng bagay ay may dahilan."
(curious mode)..ano sakit?
Pag nakakaramdam ka ng ganyan, isipin mo na lang yung ibang tao na mas higit ang problema kaysa sayo, yung mga walang trabaho pero may mga anak. Gagaan ang pakiramdam mo at maiisip mo na maswerte ka pa pala at mahal ka ni Lord.
Hi Vem!Musta na? Kahirap nga e ano? Kahirap mabuhay pero mas gusto ko naman ito kesa "payapang natutulog."
Ang buhay eka nga e punum-puno ng pakikibaka...kaya hala sige sugod! Walang atrasan...
Hey Major! Nagawi ako sa bahay mo pero tulog ka yata. Nakibasa at nakikape na rin...hehehe.
Naniniwala din ako dyan tsong, na lahat ng nangyayari may dahilan. Kaya nga in times of depression and frustrations, higpit ng hawak ko sa katotohanang hindi ako nag-iisa, anjan lang si Lord, nakabantay at pag di na kaya ready kang saluhin...
May diabetes yung bunso ko, three years old. Insulin dependent na sya for the rest of his life...
Hi Ann! Yan nga ang "pakunsuwelo" ko sa sarili ko pero di nangangahulugan na I take comfort in other people's misery.
Sa lahi ko nga lang sa Pinas, kita na ang kahirapan. Pasalamat ko nga kay Lord na buti sa akin natapat yung anak na may sakit kasi kung sa kanila de pano na? Pagkain lang sa maghapon problema na. Ang nangyari nga sa amin ay perfect example nung sinabi ni Major na "lahat ng bagay may dahilan."
Heto nga niloob ng Diyos na makapunta kami rito, makahanap ng among aayos ng papel namin kasi darating pala sa buhay namin ang isa pang blessing...si Kyle..MATTHEW (his middle name) means a gift from GOD...Hinanda Nya lang kami, sinigurado Nya na bago dumating yung regalo Nya ay nasa tamang lugar at panahon.
So problema at pagsubok sa buhay, okey lang..i say bring it on! Pero tao lang ako para paminsan-minsan ay panghinaan ng loob pero hindi ng pananampalataya...
Luv ya Ann,
wow, tiga washington din ako! nakita kita sa page ni vemsan eh!! cool!!
Post a Comment