Thursday, April 13, 2006

Maraming daan, Iisa patutunguhan...

Day-off ko. Gusto kong magsimba kaso wala akong mahila na magsasakay sa akin. Hirap talaga ng hindi pa marunong magmaneho. Kaya ang ending, buro ako sa bahay. Sa tv na lang tuloy ako nakinig ng misa at mga sermon. Pinasadahan ko lahat. El Shaddai, Jesus is Lord, 700 Club at yung Catholic Mass ni Fr. Jerry Orbos. Sapul ako sa sermon nya.

May apat raw na klase ng kristiyano. Actually, tatlo lang yung sinabi nya. May idinagdag lang akong isa. Una, kristiyanong bakasyunista. Ito yung mga taong pagdating ng ganitong mahal na araw e mas unang pinaplano yung pagbabakasyunan. Makikita nyo sila sa mga beach resorts o kaya sa ibang bansa nagpapasarap. Pangalawa, kristiyanong artista. Sila yung mga sumasali sa mga aktibidades para sa okasyong ito na hindi naman taos sa puso ang ginagawa. Yun bang tipong masabi lang na nandon sya at nagtitika-tikahan. Ito dagdag ko, kristiyanong absingero. Sila yung nakakapasok lang ng simbahan pag may namatay---kailangang makipaglibing; binyag---ninang o ninong kaya kailangang umatend; kasal---baka abay o kaya sila mismo yung ikakasal o sila yung magulang o kapatid kaya kailangang pumasok sa simbahan. At ang ikaapat e yung kristiyanong totoo na malimit e mahirap gawin.

Aminin natin at sa hindi, tayo e dumadaan o nagdaan lahat sa mga nabanggit ko sa itaas, meaning may punto sa buhay natin na tayo ay naging bakasyunista, artista, absingero at totoo. Tao lang naman tayo para paminsan-minsan (o kadalasan?) ay mapasabay sa agos ng buhay. Basta ang importante, sa kaibuturan ng puso natin, nandon pa rin ang pagpupuri at takot sa Diyos. Basta wala kang inargabyadong tao, okey na yun. Ika nga, wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo.

Hindi ko intensyong mangaral o magpakabanal. Sarili ko ang hinahanapan ko ng pwesto kung saan ako papatak sa apat ng klase ng kristiyano. Nataranta naman ako kasi lahat nga umaakma naman sa akin lalo na yung unang tatlo. Sa loob-loob ko nga, anak ng maamong tupa oo (bawal kasi magmura, baka isara ng permanente ni Lord ang bibig ko) saan kaya ako rito? Tinatamaan naman ako ng kunsensya tuwing tatangkain kong piliin yung ikaapat.

Kaya para mapagdesisyunan ko kung saan ako talaga, iniaplay ko yung sinabi ni Father--"this lenten season, let us remember the three Rs." Biglang litaw sa isip ni promdi?! Reading, (w)riting at 'rithmetic? Hindi pala yun...kundi...

Relax-- free your mind of stress. Kumbaga, bigyan natin ng break ang mga isip natin sa mga problema ng buhay kahit ilang araw lang. Sabi nga ni Bro. Mike, God will take care of everything.

Reflect--balikan ng tanaw ang mga nagawa mo sa buhay mo. Nakagawa ka ba kahit isang kabutihan? Sabi nga Father, napangiti mo ba ang Diyos?

Renew/Recharge--karamihan daw sa atin low bat na dahil sa pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay. Let us grab this opportunity to renew or recharge para handa uli tayo sa mga darating na pagsubok. Let us renew our commitment to the Lord and take comfort that He is always with us no matter what.

Kaya tara na sa beach o sa case ko e sa kuarto lang para maka-RELAX. Pumunta sa baybayin o yung malayo sa karamihan to REFLECT , hindi naman requirement na sa loob mo ng simbahan gawin ito. Basta sa lugar na tahimik, walang istorbo para tuluy-tuloy ang pagninilay-nilay mo. Magdasal ng mataimtim at ihingi ng tawad ang mga kasalanang nagawa mo at mangako sa Panginoon na hangga't makakaya mo, hindi na yun mauulit.Renew our faith. Ulitin natin ang pakikipagtipan natin sa Kanya para ng sa ganon, pagbalik natin sa realidad, may lakas na naman tayo, RECHARGE na ika nga...

Peace!

3 comments:

Ann said...

Alam mo nung mga bata pa kami pag Biernes Santo bawal lumabas ng bahay, bawal maglaro, magtrabaho,pwede kang matulog maghapon kung gusto mo. At bawal maligo kapag lampas na ng alas tres ng hapon kasi raw "patay na ang tubig."

Lately ko na lang naintindihan na si Jesus pala ang "tubig na buhay."

Happy Easter Kat!

Anonymous said...

how's your easter?! ako eto naghahanap pa rin ng easter egg.. hehehe

Anonymous said...

haaaay naku. parehas tayo. wala pa ako lisensya bad trip!!!

ako, isa ata akong dakilang kristyanong na attend lang pag may nag yaya. hahahhaha!! or yun nga, pag tipong.. ninang, abay, yung ganun. yung kaylangan kasi. hahahhaha!!

anmbad ko!!!