Wala na akong trabaho. Nung pumasok ako nung Biyernes, kinausap lang ako sa telepono ng anak ni lola dear at sinabing may nakuha na syang kapalit at darating sa Linggo kaya pwede na akong umalis. Ganon lang. Napakalamig...gininaw nga ako e.
Halos anim na taon na serbisyo. Lahat ng hirap nasapol ko pero wala sa kanila. Walang warning, walang pahaging basta babu na. Naaawa ako kay lola. Walang magawa ang matanda sa desisyon ng anak kahit iyakan pa nya. Pati sya nasabihan na "this has to work, either this or nursing home." Pobreng lola, umayon na lang.
Gabi-gabi tumatawag dito sa bahay para lang mag-good night sa anak ko. Miss na miss nya ang bata at ganon din naman ang anak ko . Nagkaisip na sya ang kinagisnang lola. Kaya para matahimik, idinalaw ko kahapon sa kanya. Iyakan na naman.
Hindi ko maisip kung bakit ganon yung anak non. Super yaman naman pero takot na takot gumastos sa pag-aalaga ng ina. Nung araw na tinigbak ako, may natanggap pa kaming glossy magazine featuring multi-million dollar homes at isa ang bahay nya sa Aspen na nakalagay dun.
Sabagay, pera nya yun kaya pwede nyang gawin kung ano gusto nya. Pero sana kinunsidera man lang ang pakiusap ng ina. Pero wala, bato talaga! Katigas!
Nataranta nga byuti ko dahil biglang jobless. Isip ako kung pano na mga bills namin. At kailangan kong serbisyuhan ang Fafa ko ngayon kasi sya double job ako wala..kaya sige laba, linis, plantsa. Mahirap na, baka mapaalis pa ako sa bahay de kawawa naman ako? Jobless na, homeless pa.
Wala naman kong tampo sa kanila. Lalo na kay lola. Wala talaga. Ang pinagpapasalamat ko nga, bago ako nawala sa kanila may berde na kaming mag-asawa at may bonus pa! Approved na visa ng mga anak ko! Magkakasama-sama na kami uli. Kaya malaki ang utang na loob namin sa kanila.
Hindi naman ako natatakot na baka hindi ako makahanap ng trabaho. Maraming nag-aalok kaso pano naman ang bunso ko? Kaya sa interview ko kahapon, nakiusap ako na sa June 17 na ako mag-uumpisa para maturuan ko pa yung panganay ko sa paggamit ng glucose monitor at pagbibigay ng insulin shots sa kapatid nya. Pumayag naman. Kaya ayun may kapalit na ang nawala kong trabaho at $25 per hour pa! Talagang basta nagsara ng pinto may bubuksan ang Diyos na bintana.
Nasa plano Nya lahat. Darating ang mga bata kaya binigyan ako ng oras para sa kanila. Para siguro makapag-bonding kami ng husto, to make up for the lost time ika nga..Kaya heto, pansamantala pataba muna ako ng P&*^%$&%#@.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Hahaha, salbahe ka talaga mare, nagpapataba daw ng P*****? LOL Aba, tinamaan ng hapon..
Anyway, ok yan sahod sa bago mong job, Ayos sa pagdating ng mga kids...
Ngayon lang dumating passport ko't inexpedite ko na maski mahal. Nagdagdag ako ng $74 on top dun sa $67 na binayad ko. Ang importante eh na sa akin kamay na.
EDD ko SFO 05-27; EDA ko MNL 05-29
email ko: xr3265 [at] yahoo [dot] com
Email mo ko ha?
kaya pala ang tagal mong di nagblog. well, may ganun talagang mga tao. bato ang puso kahit bigyan mo ng 'sang baldeng luha... swerte mo pa nga dahil mas magandang trabaho ang kapalit.
Bisitahin mo na lang lagi si lola pag may time ka para di malungkot at nang humaba pa ang kanyang buhay.
kakalungkot nga pag iiwan mo na yung taong napamahal na syo, pero sabi mo nga meron palang darating na higit na maganda.
goodluck sa pagsundo nyo sa mga bata sa pinas.
mga puti ... alam mo na, di tulad natin na may PUSO! mas umiiral talaga lab nila sa pera :(
blessing-in-disguise (tama ba spelling? pasensiya na ...nabatuten na englisch ko, heheh) na rin siguro, yan mas malaki na ang suweldo dahil alam Niya na kakailanganin mo pagdating mga mga kids mo!
HAy ang saya kaya nun, makakasama mona family mo. Makikisaya narin ako. weeeeeeee... O tamo kelangan din pala kitang greet ng maligayang pasko kasi ang saya saya mo..
Hanep taas nman ng sweldo mo... bilib ako sayo... pede pautang! heheh
take it as a blessing. give thanks to Him for all of it.
ang sarap naman, darating na mga anak mo.
bisitahin mo nalang si lola kapag me time kyo.
Hello kat!
Sensya na ngayon lang ako nagkaroon ng maluwag na time gawa nga ng aral aral. I'm happy for you at magkakasama na kayo. God works in funny ways ika nga... Swerte naman ng mga anak mo meron silang nanay na kagaya mo.. Keep it up. Sana Nanay din kita pede paampon nalang?
Hi Kathy,
Happy trip pala !!! Ingats po Dumalaw lang ako dito sa bahay mo...lam ko pagdating mo pinas mejo busy ka na with ur kids ...ingats pag me time ka pa buzz me sa YM abet_g@yahoo.com preferably sa umaga pag weekdays kasi nasa ofc ako nun. God Bless po
Post a Comment