Ipinanganak kita four years ago. Tuwang-tuwa kami kasi dininig ng Panginoon ang hiling namin nni Papa mo na pagkalooban kami ng anak na lalaki. Sa halos walong taon mula nung huli kong pagbubuntis, hindi ko na inisip yung hirap ko sa paglilihi at dusa ng opera basta lang mapasaamin ka.
Walang kahirap-hirap ang naging pagbubuntis ko sa iyo. May morning sickness ng konti pero hindi kasinggrabe ng sa mga ate mo, na naoospital pa ako at ayaw kumain ng kahit ano. Sa iyo kahit ano kinain ko. Tinalo ko pa nga si Papa sa lakas kong kumain! Imaginin mo, mula 100 pounds to 150 pounds ang naging timbang ko! Heavy ano?
Tulad rin ng pagbubuntis ko sa mga ate mo, walang palya ang bisita ko sa doktor at inom ng vitamins para masiguro na healthy ka. Mahilig ako sa kape pero naihinto ko yon at kahit hate na hate ko ang gatas, sige inom ako para sa iyo. Iniwasan ko ring mai-stress at mag-isip ng kung anu-anong negative kasi baka paglabas mo, muka ka kaagad problematic. Ayokong magkaroon ka ng mukhang "only a mother could love."
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay namin...July 15, 2002 alas-kuatro ng madaling-araw nungdumating ka via cesaerian section. Hindi ka umiyak agad na syang ikinabahala ko. Pero nung pinalo ka ng doktor, nakupo! lalaki talaga, ang laki at lakas ng boses mo!
Napakalusog mong bata. At napakabait. Hindi mo nga iisipin na may bata sa bahay ng amo ko dati kasi ni hindi ka umiiyak. Lumaki ka sa kuna at kalimitang kumakausap sa iyo e si Elmo, si Big Bird, si Bert & Ernie, si Barney, si Caillou at ang favorite mo hanggang ngayon, si Thomas the Tank Engine.
Treat na sa iyo yung makalabas ka ng kuwarto natin. Hindi ko kasi mahayaang makagala-gala ka sa kabahayan ng amo namin kasi maraming mamahaling gamit. Baka pag may matabig ka e masaktan ka at isa pa, wala tayong pambayad. Sanay ka na kami lang ang nakikita mo pero hindi ka takot sa tao. Kahit sinong makita mo, nginingitian, binabati, kinakausap at sinasamahan mo. Mananakaw ka nga sa aming bata ka e.
Hanggang isang araw ng Mayo 2004, napansin namin na parang matamlay ka. Yung dati-rating paglalaromo na hindi ka kaagad napapagod ay hindi mo na kaya. Naging bugnutin ka at iyakin. Ibang-iba sa dating ikaw. Kaya alam namin ni Papa na may nararamdaman kang hindi maganda.
Dinala ka namin sa ospital hindi lang isa o dalawang beses kundi makatatlo. Sa mga unang punta natin, wala daw silang makitang problema sa iyo. Baka daw trangkaso at ang sabi pa "you will get over it." Uwi kami uli na maluwag ang loob dahil sa pag-aakalang wala ngang problema...na okey ka lang...na mawawala rin kung ano man yun.
Nagkamali kami dahil lalong kang humina, ayaw mong kumain at puro inom ka lang ng tubig. Pag naman napilit kitang kumain, susubo ka pero ka umiiyak at nanginginig. Sama-sama na ang luha mo, laway at sipon. Pinipiga ang puso ko. Gusto ko kitang tulungan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Napakasakit sa amin ni Papa na makita kang nahihirapan.
Yun ding oras na yon, napag-usapan namin na kailangan kang bumalik sa ospital. Sa pagitan lang ng tatlong linggo, your condition has turned from bad to worse. At ang masaklap pa nito, wala na naman daw problema sa iyo! Painumin ka lang daw ng Tylenol at kung hindi pa rin ayos, ibalik ka uli sa kanila.
Hindi pumayag si Papa mo, anak. Hindi kami uuwi hanggat hindi namin alam ang problema. Sinabi nya na may nagsuhestiyon sa kanya na ipa-blood test ka namin.Na sya namang ginawa ng doktor. Ilang saglit pa, nagulat kami dahil ilan na silang pumasok sa kuwarto natin dala ang resulta ng blood test mo.
Ang blood sugar level mo na pala ay halos 600 na! Pinapunta agad tayo sa Children's Hospital at sa emergency room, halos ako ang mamatay para iyo anak ko... ilang nurses ang nakadagan sa iyo para lang mahanapan ka ng ugat para sa suwero. Sobra ka na raw dehydrated kaya it took a Life Flight nurse para lang makahanap ng ugat.
Ang verdict? You are diabetic. Type 1. Insulin-dependent for the rest of your life. Ang ikinasasama ng loob ko, 20 months ka pa lang. Kasalukuyang nag-eenjoy sa pagtikim ng mga pagkaing bago sa panlasa mo. Kasalukuyan palang nagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa paligid mo. Pero ba't nasentensyahan ka na agad ng panghabambuhay na parusa? Ano ang malay ng batang kasing-inosente mo? Matagal bago ko maintindihan ang rason sa likod ng mga katanungan ko, namin ni Papa mo.
Dalawang taon na buhat ng ma-diagnosed ka sa sakit mo. At sa awa ng Diyos, wala pa tayong nararanasan na pagtakbo sa emergency dala ng diabetes mo. Kung dati-rati, yun ang dahilan ng depresyon ko, ngayon tanggap ko na rin. Kung dati-rati, kinuwestiyon ko pati Diyos ngayon, ihiningi ko na ng tawad lahat yun. Tao lang ako lalo't higit isang ina na mahina pagdating sa mga problemang patungkol sa inyong mga anak ko. Sa huli, wala pa rin akong karapatan para kuwestyunin ang mga nangyari at mangyayari sa buhay natin. Basta ang sa akin ngayon, enjoy each day na parang wala ng bukas.
Ang hiling ko lang sana, ako na lang ang nagkasakit ng ganyan dahil matanda na ako. Kahit papano may natikman at napagdaanan na sa buhay na hindi mo pa nararanasan. Tutal ang sa akin, magkakaroon at magkakaroon din ako nyan kasi nga nasa lahi namin. De sana ako na lang.
Gaano kasakit sa isang ina na para lang mabuhay ka e sasaktan kang anak nya? Ilang libong iniksyon na ba ang naitusok ko sa iyo? At ilang libo pa sa darating na mga araw?
Wala kaming maibibigay ni Papa sa iyo anak kundi ang walang kundisyon at walang hanggang pag-ibig namin sa iyo. Through thick and thin, in sickness and in sickness (?) andito kami palagi sa tabi mo. Kung pwede lang itubos ka sa mga insulin shots mo anak at blood sugar testing at quarterly labaoratory test, ginawa na namin.."magwa-one for me at two for papa" kami.
Sensya ka na anak. Pinatatawa lang kita. Alam mo naman na mahina ang loob ko, lumalakas lang dahil sa iyo...
Muli, maligayang kaarawan sa iyo, anak...Patuloy naming dalangin ang iyong paggaling...
Love,
Mama & Papa
P.S.
MATTHEW - a very appropriate name- you ARE a gift from God...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Nakakaiyak naman yang post mo, feel ko sya kasi syempre nanay rin ako. Upon reading your post I thanked Him for giving me healthy children.
Kapag buntis tayo ang dami nating worries di ba? Una yung sana normal ang maging anak natin, then sana boy or girl (kung ano yung wala pa)or sana maganda or gwapo. Paglabas nya at normal ang sarap ng pakiramdam.
Pero natawa rin ako sa last part, bakit yata di pareho ang hatian..hehehe.
Sana lalo pa Nyang dagdagan ang blessings para sa inyo ng family mo. God bless!
Dapat tanggalan ng license, idemanda, at ipakulong ang Pedia ni Mathew sa ginawang mis-diagnosis niya sa kanya at sa pain and sufferings na naidulot sa inyong magasawa.
A simple blood test would've solved the mystery!
Eh kung hindi pa nai-blood test ang bata, ay baka nag diabetic shock pa siya, baka nalagutan na ng hininga ang bata! Buti hindi na-damage ang mga kidneys niya noong mga panahon na nag ha-hyperglycemia siya. Diyos ko, 600 is super high....
Ang taas nga tita ng 600! di ka ba umangal nung time na yun? same hospital naman di ba? kung di dahil sa kapabayaan nila .. nakuuuu!!!
anyway, nanjan na po yan, isasama ko nalang si matthew sa mga dasal ko at kyo na ring pamilya nya habaan ang pasensya kay matthew.
Happy Birthday Matthew!
hi ann, thank you sa madalas na pagbisita kahit wala ako sa sirkulasyon...
salamat din ng marami sa wish mo para sa family ko, i wish the same for you...
takot kasi ako sa needles kaya ko nasabi yun,hehehe, pero joke lang yun, kahit tadtarin ako ng injection gumaling lang sya gagawin ko kaso lang...
Hi Royce,
alam mo sumagi din sa isip ko yang buweltahan yung doktor dahil sa sobrang galit talaga! isipin mo lahat pala ng sinabi ko sa kanya na napapansin namin sa anak ko, classic symptoms ng juvenile diabetes lalo na yung may fruity smell yung breath ( more like apple juice ang amoy at malapit sa amoy ng acetone) tapos sabihan ako ng he will get over it?! putsi talaga. kaso tsong kapwa pinoy e, may edad pa. pati nga sana bill namin non sa ospital hindi ko babayaran sa inis kaso nung humupa na yung galit at natanggap na rin yung katotohanan, okey na rin...pasalamat ako at walang nangyari sa anak ko kundi maghahalo ang balat sa tinalupan!
Hi Lei,
musta na ba tsang? isa pa itong masipag dumalaw sa akin kahit pasulpot-sulpot lang ako..
lumipat na kami ng ospital. magmula nung mangyari yun, hindi na ako bumalik dun. sa ibang ospital na kasi yung pinagdalhan sa kanya a nag-stay sya sa ICU ng 5 days.hindi ko na nakaharap uli yung doktor at sa kabiglaanan ko noon para akong litang ng hindi alam ang iisipin at gagawin, parang namanhid ba buong katawan ko.
in fairness naman, nung nasa ospital kami araw-araw ding tumatawag yung doktor at minomonitor nya din yung lagay ng bata.
okey na rin dahil talagang sa buhay, kanya-kanya tayo ng pasang krus di ba? this is my cross and i have to carry it with a smile in my heart, with God's help, of course...
Hi Katrina,
Nakaka-iyak nga ang liham mo. Subalit napakagandang panulat para sa iyong anak.
I'm sure ma-a-apreciate nya yan , lalo na sa kanyang paglaki.
My heart goes out to him and to you. My prayers are with you, May the good Lord heal him and keep him healthy all the time.
Regards:o)
hi leah,
salamat sa pagdalaw ha? kaya ko naisip na sulatan sya kasi wala akong maisip na gawin na espesyal for his birthday. hindi ko naman maipag-bake or mai-treat kumain sa labas dahil nga sa sakit nya.kaya heto ang resulta a personal letter for him para maipaalala sa kanya how we truly love him-the whole him-diabetes and all...
Post a Comment