Sunday, August 27, 2006

The Elusive D.L.

Nakakainis! Dalawang beses na akong nag try na kumuha ng license kaso palaging lagpak. Kainis talaga! Kung kailan talagang kailangan kong makapasa sa driving test lalo naman akong inaasar! Grrrrr!!!

Napakarami naming lakad na dapat e hiwalay naming asikasuhin ng Mister ko. Mga appointments sa doktor, punta sa schools ng mga bata lalo't nagsimula na ang klase. Pagpasok at pag-uwi galing trabaho, hay naku inis talaga ako. Pag ako hindi pa pumasa sa ikatlong test, sasakay na lang ako sa kalabaw. Talagang pang kalabaw lang yata ang byuti ko.

Eniweys, isa pa at pag wala pa rin, eenroll na ako sa adult driving class/lesson.

3 comments:

Mmy-Lei said...

wag ka muna mag-indefinite leave, wala ka pang license to leave eh... hehehehe

regards to all tita kath!

Ann said...

Makukuha yan sa tyaga, kung nasa pinas ka lang sabihin ko sana mag under the table ka nalang...hehehe (joke lang).

Musta naman mga kids sa school?

Anonymous said...

first exam ko sa california. 100% sa written test pero binagsak ako ni manong (pinoy) sa hand-on driving test..heheheh

pumasa naman the second time.