Friday, September 01, 2006

Finally!

Hay naku! Sa wakas may lisensya na ako. Pagkatapos ng ilang beses na paglagpak, napasa ko na rin! Parang pakiramdam ko, I'm free! Babu na sa pagtawag ng taxi para sunduin ang mga anak ko school nila at babu na rin sa paghihintay ko sa sundo pagkatapos ng trabaho at makakapag-grocery na ako anytime na gusto ko without waiting for Fafa to come home from work!

After working from 9P-7A, my husband and I decided to go to DMV this morning. Kaaga nga namin. Pagkahatid sa mga bata diretso kami ron and by 8:15A nakasalang na ako. Ako nga unang "parokyano". Naawa na lang siguro kaya ako pinasa.

Ah, basta! Ang importante mada-drive ko na yung sasakyan na binili ni wishart sa akin a month ago.

O pano? Mamalengke muna si Promdi.

P.S.

Babu na rin pala kay "Damulag", my trusted kalabaw..hehehe..

4 comments:

Anonymous said...

ayan pwde na maglakwatsa anytime! hehehe

Ann said...

Congrats! Ako nga I can't even drive a bike...hehehe..then napunta pa ako sa place na bawal mag drive ang babae.

katrina said...

Hi Vem,

naku ,alam mo ba? mas sabik pa mga anak ko sa akin. gusto nila punta kami agad ng mall! kakabisaduhin ko muna iikutan ko at mahirap ng maligaw.

katrina said...

Hi Ann,

Tenk u! alam mo bang three times ako bumagsak bago ako bigyan ng L$%#@ na license?!

okey lang din sana sa akin na hindi na matutong magmaneho KUNG tulad ito sa atin na marami kang pagpipilian na sasakyan para makarating ka sa gusto mong puntahan. sa atin kasi may dyip, tricycle at bus na bumibyahe anytime, dito wala puro de schedule. taxi naman super mahal at halos 30 to 45 minutes mo ring hihintayin.

sa isang banda naman, mainam ding nakakamaneho sabi nga ni Vem, pwede ng maggala anytime! at mas marami kaming natatapos na lakarin.

kaya sabi nga ni tita shawie, "sakay na" hehehe...