Monday, January 08, 2007

Thoughts of Suicide?

Siya'y isang magulang na handang gawin lahat para sa mga anak. Kumakayod gabi't araw para mabigyan sila ng maalwan na pamumuhay. Kahit puyat at pagod kinakaya nyang tugunan lahat ng pangangailangan ng mga anak. Hindi sya nagrereklamo dahil masaya sya sa ginagawa nya. Kumpleto na ang pamilya, wala na syang mahihiling pa.

Akala nya ayos ang lahat. Bukas ang komunikasyon nya sa kanyang asawa't mga anak. Lahat inaaalam nya para masolusyunan agad ang anumang problema na mag-uumpisa pa lang. Akala nya lahat ay natutugunan nya, hindi pala.

Bakit may isa sa anak nya na nag-iisip na kunin ang sariling buhay? Naguguluhan sya! Saan pa ba sya nagkulang? O baka naman sumosobra? Nasasakal ba ang anak sa atensyong binibigay nilang mag-asawa? Hindi sya makapaniwala sa nabasa nya. Isang malaking BAKIT ang tanong nya sa sarili nya.

Kinausap nya ang anak. Pilit inaalam ang dahilan pero wala syang nakuhang kasagutan. Kaya sinabi nya sa sarili nya na kung ganon din lang, para ano pa ang mabuhay? Lahat ng ginagawa nilang magulang ay para sa mga anak pero ba't tila yata binabalewala ng anak? Para ano pa? De magsama-sama na sila. Yan ang naglalaro sa isip nya.

No comments: