Bayaran na naman ng buwis. Naipon ko na lahat ng mga kailangan kong papeles kaya go na kami ni Mister sa H & R Block. Sa tagal ng kwenta at dami ng tanong, may makukuha daw kaming $327 galing sa federal government. Okey na kesa wala di ba? At mas lalong okey kesa sa magbayad pa.
Nakatanggap ako ng tawag galing sa taong nagkwenta ng buwis ko. Pinababalik ako sa opisina nya at may mali daw sa ginawa nya. Bumalik ako na may pagbabakasakaling lumaki ang refund ko. Anong lumaki?! Lumaki ang babayaran ko! Tumataginting ng $2,ooo ang dapat ko pang bayaran sa federal & state tax. Paking teyp, ba't nagkaganon?
Yan ang saklap ng walang witholding tax na binabawas ang employer mo. Buo kong nakukuha ang sweldo ko at saka nila ako bibigyan ng 1099 form kung saan nakalagay dun yung income ko under miscellaneous at non-employee. Galing din ng diskarte nitong mauutak na ito ano? Sa umpisa palang sinabi ko na sa kanila na mas mainam sana kung magkakaltas sila para di ko na problema tuwing bayaran ng buwis kaso di pumayag. Kaya heto ngayon, kargo ko lahat whereas pwede sanang 7.5% galing sa akin at yung anader 7.5% e kanila.
Hindi ko na sana idedeklara yung kita ko sa isang trabaho kaso, natatakot naman akong habulin ng Isang Rajah Sulayman.
Bawat anak ko ay may $1000 tax exemptions. Akala ko mga $3000 each. Yun pala sabi sa akin ni Mang Bubuwisit--the lower the income, the higher the exemptions. Ganon pala yun. Kaya komo malaki kita ko, yan lang dapat sa akin. Totoo nga yung sabi sa akin ng frend kong kana na na yari ka pag middle income earner ka. You're screwed, ika nga nya.
Nawala na nga refund ko, nakabayad na kami in advance ng service fee nila at heto sinisingil na naman ako ng anader $57! Hindi ko na itinago ang pagkadismaya ko sabay tangging hindi ko babayaran yung 57 dalars, ano sinuswerte?
Kaya heto ako ngayon, kagagawa ng tseke for mailing. Isa tumataginting na $1,174.00 para federal tax & isa pa $885 para naman sa state tax.
Paraan daw para bumaba yung tax ko at makarefund ako, lessen my working hours daw...wtf?!
Kung gagawin ko kaya yun, pakakainin nila mga anak ko at babayaran ang bills ko? Tinuruan pa akong maging tamad. Palpak din dito. Mas pinagkakaabalahan ng gobyerno na ma-maintain ang image nila na super power, bilyon ang ginagastos sa giyera pero dito sa lupa nila, dami palpak at dami problema na dapat unahin.
Hay naku, tama na ang sour graping, promdi! Hala, bunot! Hala, bayad! Dami mo pang satsat...kinita mo na e, reklamo ka pa?
Sagot ni promdi....baka makalusot lang naman po....hehehe...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
don't go for H&R block they don't stay by your side, better yet if there is an accounting firm near you, let's say local firm, they do better job. I've through them before like what happened to you I owed several amount from IRS, this time around I went to the local firm, know what? I got a decent amount of refund it may not be big but it's better than owing them (IRS).
thank you for the advise mr. anoni. i'll follow your suggestion. ayaw ko na sa H&R block, hindi naman ganon ka-complicated ang preparation ng returns namin grabe maningil!
may nagre-compute nga statement namin, it turned out may refund kami dapat kaso hindi naman nya sinama yung dineklara kong isang income na walang form kahit ano like w2 or 1099. ba't ko raw isasama e wala namang proof. ang gawin ko raw magsubmit ng amended form e nai-efile na yung nauna. sabi ko nalang di bale na at baka lalo pa akong magkaproblema kung magre-refile kami tapos this time may malaki ng refund.
thank you for the advise mr. anoni. i'll follow your suggestion. ayaw ko na sa H&R block, hindi naman ganon ka-complicated ang preparation ng returns namin grabe maningil!
may nagre-compute nga statement namin, it turned out may refund kami dapat kaso hindi naman nya sinama yung dineklara kong isang income na walang form kahit ano like w2 or 1099. ba't ko raw isasama e wala namang proof. ang gawin ko raw magsubmit ng amended form e nai-efile na yung nauna. sabi ko nalang di bale na at baka lalo pa akong magkaproblema kung magre-refile kami tapos this time may malaki ng refund.
Post a Comment