Saturday, May 12, 2007

Sa Taong Bato...Pinatatag ng Ego?

Ilang beses kaya ako magpapakumbaba para mapansin ako nitong tao na ito? Ano kaya nagawa ko sa kanya na sobrang bigat yata at wala ng kapatawaran ang kasalanan ko? Mabiro akong tao pero siguro hindi pa kami ganon ka-close para mabiro ko sya ng hindi nya nagustuhan--na wala rin akong clue kung ano yung naging biro ko. Naisip ko lang baka may nasabi ako o naikantyaw sa kanya na nasaling masyado ang kanyang napakanipis na ego.

Ilang beses na rin akong nagparamdam but to no avail. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko kung hindi nya talaga ako feel. Baka naangasan sa akin o nabalahuraan sa bibig ko o nagaspangan sa ugali ko o naaskaran sa mukha ko. Sige na, uulitin ko, ako na may kasalanan kung ano man yun. Sinadya ko man o hindi, ako'y pagpasensyahan na sana. Heto na uli ang isa pang ikalalaki ng ego mo at ikakataas ng pride mo....I'M SORRY.

Ayan, sana'y pagpalain ka ng Diyos! Masaya na rin ako kahit sandali nakilala kita. At mas lalo akong masaya kasi hindi lumalim ang pagkakaibigan natin.

From now on, wala na. Hindi na kita iistorbohin o sisilipin. Yun lang at babush!

5 comments:

nixda said...

bahala siya sa buhay niya! maraming ganyan klase sa mundo heheheh

paki-click na lang ITO

Anonymous said...

Nalulungkot ako sa entry mo na ito Kat dahil alam ko na kilala ko sya di ba? Alam ko rin na ilang beses ka nag try mag sorry kaya lang di ko rin naman kung ano talaga ang dahilan.

Happy mother's day !

Anonymous said...

correction:
hindi ko rin alam yung tunay na dahilan

katrina said...

racky,

korek ka dyan tsang, talagang bahala na sya sa buhay nya no? dami ko na kayang problema para idagdag ko pa e kung atakihin sa puso? wag na oy!!!

thank you for that lovely message...i miss my mom so much...

katrina said...

manay ann,

yan din ang palaisipan sa akin e-- yung tunay na dahilan. wala talaga akong maalala na nasabi ko na ikaiimbyerna nya ng husto. at sana kung meron, de ipalam man lang sana akin at ng hindi ko na maulit, di ba?

tao lang naman ako na nakakaramdam din ng awa sa sarili pag dinededma ng ganon. tao lang din ako para sawaan sa kakahingi na pasensya. ngayon kung ayaw nya, de okey lang at least ako bilang kristiyano at tao, naibigay ko ang sa akin.

nways, hayaan mo na yun. pasensya na at napalungkot kita at pasensya na rin kung nadamay ka pa. okey na yun...time to move on...

happy mother's day din sa iyo manay ann! araw natin ito!!!