Saturday, August 25, 2007

happy birthday kyle!

Sa ikalimang pagkakataon, yung amo namin dati na nagpetisyon din sa aming mag-asawa para magka green card ang sumagot sa party ni Kyle. Mahal na mahal ni Mrs. Gordon si Kyle. Sabi nga nya para na ring tunay nyang apo. Enjoy na enjoy silang pareho at siyempre, lahat kami.
Masaya si Kyle kasi ang daming pwedeng kutingtingin at paglaruan sa loob ng Chuckee Cheese's at masaya ang lola kasi successful ang party nya para sa apong hilaw.

Gusto pa nga sanang i-enroll ni Lola sa art class ang bata kaso hindi ko na maaasikasong ihatid, bantayan o sunduin kasi dalawa ang trabaho ko. Isa pa, umpisa na ng klase ba't ang schedule pa naman ni Kyle e maghapon. Akala ko nga komo kinder e mga apat na oras lang sa umaga o kaya hapon. Ayoko namang mabigla ang bata lalo at nasanay na kasama namin 24/7.

Anyway, Happy Birthday Kyle! Ang wish ko...sana makatuklas na ng gamot sa sakit mo. Pagkalooban ka sana at kaawaan ng Poong Maykapal at bigyan ka ng makabuluhan at mahabang buhay. Mahal na mahal ka namin anak...

5 comments:

grace said...

hi katrina just read all the posts nakaktuwa naman naging buhay mo jan sa us. at least ngayon magkakasama na kau ng family mo. at naging legal ang stay nyo jan. dami kse s mga filipino n hanggang ngayon tnt pa rin jan. katrina pde magtanong, actually i already have my us visa since 2001 pa and i haven't used it, hopefully dis october and husband and I will go to atlant and jersey. Yung nagapply ka ba ng work visa, is it still widin the months you're allowed to stay in the us? or yung nagapply naglapse na na yung allowed stay nyo? pag nagka work visa ka ba, u can already petition your kids and husband? and how many year can you get your green card? and how much babayaran? dami tanong noh:) tanx katrina - grace

katrina said...

hi grace..hala pakiramdam ko naman ako si michaela garfinkela..hahaha

nung nag-aaply kami para sa work permit, paso na yung visa namin, i mean yung allowed na time na dapat na inistay namin dito. di ba kahit naman 10 year multiple ang hawak mo, pagpasok dito, bibigyan ka lang nila ng 6 months pag minalas-malas e 3 months. ako lumagpas na ron, in short, overstay na. bahala na attitude ang pinagana ko. basta ang alam ko lang e yung goal ko na makahanap ng employer na pepetisyon sa akin.may batas kasing inapruban si pres.clinton bago sya umalis sa office, yung 245-I na kung andito ka sa US ng December 21 (time na inaprubahan ung law) u have until April 2001 para makahanap ng pepetisyon...sinuwerte naman kami dahil nung sinabi namin sa amo namin, pumayag at sya pa sagot ng gastos! siguro sa aming mag-asawa kulang kulang ng $20,000 ang nagastos nya.

ang alam ko hindi ka pa pwedeng magpetisyon dahil tinanong ko sa lawyer yun e pero pag naapruban na yung application mo for change of status to permanent resident, karga mga anak mo (follow to join)un e kung employment based ang petition at minor ang mga bata.

pero kung holder ka ng HIBvisa, kasama mo na sila papunta dito.

sana kahit pano nasagot ko mga tanong mo.pasensya ka na sana kung medyo magulo paliwanag.

gamitin mo na yang visa mo. try mo na punta dito bago man lang mapaso.

God bless!

grace said...

hi katrina thank you for finding some time to answer my queries. sarap pala ng feeling na magkaroon ng bagong kakilala lalo sa ibang bansa at filipino pa. actually this is my first time na magkaroon ng kilala from other country besides my friends. n nakaktuwa updated palagi blog mo kung ano ang mga nangyayari sa inyong pamilya jan sa US. lam mo ba bata pa ko gusto ko na talaga magwork abroad n inopen ko nga sa husband ko n ayaw nya, mag tourist na lang daw kami. cguro pag sobra na hirap buhay dito pinas macoconsider na rin niya. musta na work mo jan? san state ka ba uli? you have beautiful kids:)lam mo din mga bata jan pasaway sa mga magulang kailangang lang magkaroon ng mgandang foundation at di mapasama sa masasamang grupo. kahit dito sa pinas sobrang ibang ba ang mga bata maraming ng alam minsan beyond sa age na nila ang mga tinatanong. anyway katrina tanx again. hope to hear from you soon.

Anonymous said...

tagal na akong absent hehehe

anyhoo answerte nyo naman at turing family na kayo ni lola.. si lola puti dko alam kung buhay pa. wala naman akong address at balita mula sa kanya. mabait din yun sa akin. naalala ko pa mahilig ako paka inin tas binigyan ako birthday card noon na may sipit na 20bux...LOL

Anonymous said...

Tagal ko pala nagbakasyon at di ko nabati si Kyle ng Happy birthday! Bait naman ni lola sana pamanahan na rin nya...hehehe.

Natuloy ka ba sa pinas?