Mga 6:30 pa lang ng umaga kanina, gising na kaming lahat. Ito kasi yung araw na ikakabit yung pump ni Kyle. Kailangan nasa ospital kami ng mga 7:45 for his 8:00 a.m. appointment.
Dumating kami shortly before 8:00 dala yung mga supplies at pump na natanggap ko via UPS kahapon. Mas lalong maraming gamit ngayon, mas lalong maraming information na dapat malaman at mas maraming kakabisaduhin sa gadget re: mga buton na pipindutin, kung kailan ihihinto ang pump, pag-check ng ketones etc.
Pakiramdam ko tuloy parang nung unang nadiagnosed si Kyle three years ago. Sa shocked ko nung malaman ko yung sakit nya, sa dami ng mga bilin ng doktor, sa dami ng taong dapat kong kausapin, parang napakalaki ng ulo ko! Parang gusto kong sumigaw ng "Tama na! Too much information already. Stop it!"
Kaso hindi ganon kasimple yun e. Kaya kahit ayaw ko, yung pananatili ko sa denial stage e naging shortlived ika nga. Kailangan kong payapain ang sarili ko para sa anak ko. Kaya kahit ayaw ko, sige tanggap ng tanggap ng impormasyon, ng instruksyon. Na kahit busy ka sa ibang bagay, at the back of your mind, andon palagi yung mga do's and dont's na dapat e kabisado mo kahit gaano kapuno ng problema ang utak mo.
Mahirap...pero kailangang kayanin. Buti nga ako, ito lang problema ko. Matutunan lahat ng dapat matutunan tungkol sa sakit nya. E yung anak ko nga, buong buhay nya, parusa na. Na kahit gaano namin kahusay na ma-manage yung diabetes nya, nandyan pa rin yung complications na darating at darating. Sa araw-araw nga lang average na sampung tusok! Gaanong parusa yun? Ako nga bakuna lang o kunan lang ng dugo halos himatayin ako pag nakita ko na karayom, e sya araw-araw!
Nagdesisyon kaming lagyan na sya ng pump para kahit papano mabawasan na yung pagtusok ng karayom. Ngayon tuwing ikatlong araw lang yung lipat ng site ng injection nya, di ba laking ginhawa? Pero siyempre, nandon pa rin yung finger pricking na hopefully, mawala rin once na ma-apruban ng insurance yung wireless glucose sensor at transmitter.
Sana hindi kami nagkamali sa desisyon namin na ito. Kasi naisip naming mag-asawa na this is the best christmas gift we can give him. A little reprise from daily insulin injections. I know it's not a lot but it sure lessen the pain even just a bit.
Sana hindi kami nagkamali sa desisyon namin na ito. Kasi naisip naming mag-asawa na this is the best christmas gift we can give him. A little reprise from daily insulin injections. I know it's not a lot but it sure lessen the pain even just a bit.
Sakripisyo ng konti sa parte namin. Komo bago pa lang sya sa therapy na ito, we have to monitor him constantly, round the clock. We have to do blood sugar testings around midnight then at 3 am, 6:30 am, 9:30am, around lunch time then at 3 in the afternoon, 6:30 pm then 9 pm and so on. His check-up will be on a weekly basis until we find the right dosage of insulin and right amount of carbs that will put us right on his target range. Sakripisyo... pero mas higit ang sakripisyo nya. So, I don't have the right to complain.
Kung titingnan mo sya, normal na normal. Pero pag natanaw na yung kanyang medical alert bracelet at ngayon yung pump, reaksyon ng tao....awa. Pag nakikita ko yung ang mga ekspresyon nila sa mukha, na no matter how hard they try to keep it from me pero, basa ko pa rin, nalulungkot ako. Pero ganon talaga buhay. Yan ang baraha na nabigay sa akin sa sugal ng buhay de might as well do the best I can to win the game. For as they say, win or lose at least I fought a good fight.
2 comments:
Hello Kat! Ngayon ko lang nabasa post mo na to.
Buti na lang kumpleto kayo ng pamilya mo, may mga karamay ka sa mga problemang dumarating. Mas mahirap yung magkakalyo. Kahit papaano gumagaan.
Acceptance na nga lang siguro para mas lalong hindi maging mabigat sa loob ang sabi mo nga ay baraha mo sa sugal ng buhay.
Keep you faith.
manay ann!
ay tenk u! naliligaw ka pa pala dito sa bahay ko kahit madalas walang tao.
yan ang pinagkakaabalahan ko ngayon, si kyle. medyo tutok talaga palibhasa'y bago pa nga sa pump.
korek ka tsang, buti nga kumpleto na kami rito ng mga anak ko kundi baka nabaliw ako. marunong na rin si kaye sa pag-aalaga sa kapatid.
yan na lang ang magagawa ko para di tuluyang ma-depress. tanggapin ng buong puso. mahirap pero kailangan...para sa mga anak...
tenk u uli manay ann...God bless!
Post a Comment