Galing na kami sa Gray's Lake kanina and since there's nothing to do around the house, we decided to go there again tonight. Sa daan pa lang napansin na ng asawa ko na madilim ang mga ulap pero go pa rin.
Hindi pa kami nakakarating sa tulay, umulan na ng pagkalakas-lakas! Okey lang sa akin at sa mga dalaga ko na mabasa at maligo sa ulan kaso hindi pwede si Kyle. Bawal kasing mabasa ang pump nya. Kaya nagkulong muna kami sa restroom habang hinihintay namin si Kristine na mag-ala Rihanna with the umbrella. Manaka-naka'y lumalabas kami ni Kaye para magpakabasa.
Nakakatuwa! Ang sarap maligo sa ulan! Ang sarap ng feeling na kahit sandali lang, sa pamilyar na gawain e bumalik ka saglit sa pagkabata. Nakita ko rin yun sa reaksyon ng mga anak ko kanina. Ang tuwa at lutong ng mga halakhak habang nagtatampisaw sa ulan. Parang kahit saglit lang, nakita ko uli silang mga "bata" na syang naisakripisyo naming mag-asawa nung iwan namin sila.
Kaya nung makauwi na kami at magpaalam na maliligo pa sila sa labas, pati ama nila hindi na kumontra. Nandon sila sa drive way at nakasalampak sa daan. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Hintayin ko na lang na kusa silang ginawin at umayaw. Nakahanda na ang mga tuwalya sa hagdan. Pansamantala, hayaan ko muna silang magpakabata.
Kung pwede lang sanang palaging ganon ano?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Sarap eh no? Kasi magkakasama kayo na buong family.
Ilang beses din naligo sa ulan mga bata sa pinas dahil nataon na may bagyo kaya kahit summer may ulan pa rin.
Post a Comment