Naisip-isip ko sa nakaraang sinulat ko, naawa pa ako sa mga lolo at lola ko sa sitwasyon nila e mas masaklap pala sitwasyon ko sa kanila.
Heto ako magku-kwarenta na pero todo kayod pa rin. Wala pang serious vacation na napuntahan as in puro lamiyerda at relaxation talaga. Sila na-enjoy na nila buhay nila, narating na ang mga bansang gustong puntahan, nakain na ang masasarap na pagkain, nabili na ang gusto nilang bilhin without the guilt na baka super mahal sya. Stable na rin ang mga anak. In short, natikman na lahat ng luxuries in life...pinanganak na may pera at mamamatay ng may pera.
Pero ang sabi ko rin naman noon pa, di na baleng hindi ako humiga sa pera at hindi ko naman sya madadala pag ako'y namatay na, but still...iba pa rin pag meron ka kahit konti di ba? Kahit papano, panatag ang loob mo na, mawala ka man bigla bukas, okey ang mga anak mo. Hindi na nila kailangang maghugas pa ng puwet para lang makapag-aral sila. Hindi sila matataranta kung saan maghahagilap ng pera pambayad sa mga utang na naiwan. Hindi sila mag-aalala kung saan kukuha ng kakainin para bukas. Di ba yan ang gusto ng magulang para sa mga anak? Yung kung maaari, wag nilang maranasan ang hirap na naranasan mo noon, yung matikman nila ang komportableng buhay?
Pero sadyang mapaghamon ang buhay. Talagang sa bawat bagay na gawin mo para sa kanila kailangang may sakripisyong kakambal. Hindi lahat mangyayari ng ayon sa kagustuhan mo. Minsan kahit anong effort ang gawin mo na maging smooth ang biyahe ng buhay, lagi pa ring may lubak sa iyong dadaanan. Parte nga siguro ng buhay yang mga lubak na yan. Nandyan sila para pag inaantok na tayo sa biyahe e magising tayo para ituloy ang laban. Sabagay wala namang taong walang problema ke super duper yaman ka pa. Di naman sagot ang pera sa lahat ng problema oldo minsan, nakakagaan sya.
Ako, makaraos lang sa pang araw-araw na takbo ng buhay e okey na. Lahat ng bills nababayaran, mas okey at kahit pano yung mabili yung gusto ko (luho ha?) na hindi nagkukwenta kung maiipit ang pampadala sa pinas de okey na okey!!!
Pwera biro, ang gusto ko lang talaga maayos ang pamilya ko. Hindi yung materyal na bagay kundi sa kalusugan ba. Sana wala silang sakit, yung malalakas ang katawan. Kahirap kasi nung problema na pera may mga sakit pa, di ba killjoy?
Tulad ngayon, matapos ang maraming tests sa asawa ko, ending may Celiac Disease pala. Incurable din diet ang sagot. Kailangang walang wheat, rye, barley at kung anu-ano pang ngayon ko lang narinig yung iba. pareho na sila ng bunso ko na kailangang may strict diet na sinusunod.
Ano ngayon ang mas masaklap?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ganyan din madalas kong isipin, hindi baleng hindi ganun kayaman at kaluho ang buhay basta walang magkakasakit sa pamilya.
Kaya mo yan. Ngayon pang kasama mo na mga anak mo dyan, sila na lang lagi ang iisipin mo pag medyo pinanghihinaan ka ng loob.
sila na nga lang pinagkukunan ko ng lakas dahil kung hindi matagal na akong pumarada sa tabi at namahinga.
sana lang bago kami tumanda at humina e maiayos namin sila...mapagtapos lahat sa pag-aaral...then i could say...mission accomplished!
Post a Comment