Monday, January 22, 2007

Napakasakit Kuya Eddie

Kanina pa ako nakaharap sa laptop at nag-iisip ng maikukwento. Hindi naman ako makaisip kasi wan handred tayms ng tumawag itong alaga ko at panay ang hingi ng inumin. Sobra namang uhaw ang inabot ni lola! Balde-baldeng tubig na nainom e di pa rin matighaw ang uhaw. At siyempre pag panay ang danom de panay din ang banyo, ay sus! Sulet na sulet ang bayad.

Nandito ako sa trabaho ngayon. Pasado alas-diyes na ng gabi. Nakakainip! Bukas pa uwi ko mga alas-siyete ng umaga kaya, naisip ko bitbitin itong laptop at ng may mabutingting. Nag-sign in nga ako sa YM baka sakaling may naka-online ng mga amiga't amigo de solve-solve sana ako sa chat kaso wala. Nakatago lahat.

Ang alaga ko sa gabi ay mag-asawa. Yung matandang lalaki nag-uumpisa ng maging malilimutin. Retiradong doktor-OB-Gyne. Yung matandang babae ewan ko kung ano sya dati pero hindi na sya makabangon at makalakad mag-isa. Naaksidente kaya ayun nasa kama na lang maghapon. May pera sila pero sa punto ng buhay nilang ito, ang silbi na lang ng pera sa kanila e para pambayad sa mga nag-aalaga sa kanila. Sawa na nga si Dok e. Gusto ng sumurender. Nakakaawa sila, sa totoo lang.

True na true yung three stages of life e...TEENS- you have all the time and energy but no money...WORKERS- you have the money and energy but no time at OLDIES- you have the time and money but no more energy.

Kasaklap ano?

4 comments:

Anonymous said...

Hay...kakaawa talaga. Buti na lang sa pinas ang mga matatanda karamihan ay may nag-aalagang mga anak. Kahit sabihin pang may pera para ilagay sa may bayad, andun pa rin yung close family ties natin.

Anonymous said...

oo nga kaya pag 35 na ako papakamatay nalang ako..hehe joke!

katrina said...

@manay ann,

sinabi mo! kaya nga kami ni abay pag may sari-sarili ng pamilya ang mga anak namin, uwi na lang kami sa pinas.

katrina said...

hey saru! sira ka, anong papakamatay...i'm sure maraming guys dyan na more than happy to take you and take care of you forever and ever...amen...hehehe...