Monday, March 05, 2007

Ang Maleta! Ang Maleta!

Nakasanayan ko nang....

Pag aalis na bahay, ang bag ko kailangan kumpleto ang laman. Hindi mga kikay stuff bagkus mga gamot. Tulad nito:

Insulin bottles - Humulin and Humalog
Syringes, alcohol swabs and gauze
Hand sanitizer and hand lotion
Two sets of Epipen (injectable) for Kaye & Kyle coz both have allergies sa seafoods
Glucagon kit (injectable) for Kyle in case of severe hypoglycemic attack
Zyrtek syrup for Kyle (at Kaye na rin) in case of breakout
Assorted Prescription pills for Robert
Bottle of Extra Strength Tylenol - usually for me in case of oncoming migraine attack
Bottle of Advil - for other members of the family na sasakitan ng ulo
2 Glucometers for Kyle to check his blood sugar (just in case pumalpak yung isa)
30 extra Lancets(needles) -need to change the lancets after testing
Baby wipes, wash cloth
Spare pants and shirts
Diapers
Cellphone
Car keys
Lipstick
Chapsticks
Hairbrush
Small bottle of White Flower
Sugar Free gums
Crackers, small box of orange juice, syringe para sa orange juice kung sobrang lata na ni Kyle sa baba ng sugar at di na makakain ng cookies or cracker man lang o kaya naman, 2 tubes of glucose paste for the same purpose
25 to 30 pcs. of grapes and 5 strawberries for snacks
3 Hotdogs pag gutom at di na pwedeng kumain dahil mataas na sugar
Packs of Kleenex
Contact info
Wallet

Araw-araw yan, minsan hindi ko na nga inaalis sa bag. Tsinetsek na lang kung kailangang i-replenish ang gamit. Iba naman yung bag na dala ko pag papasok ako sa trabaho ko sa gabi. Malaki rin kasi may chichirya naman, may kapehan, disposable plate, spoon and fork at plastic cup. Bitbit na rin ang kumot at laptop.

Tuwing Martes & Biyernes, bitbit ko uli yung bag number one na may gamot dahil isinasama ko si Kyle sa trabaho ko. Behave naman sya. Masaya ng nanonood ng favorite cartoon shows sa tv. Kailangan ding may bitbit akong mga dalawang pirasong toy trains nya, Thomas the Train book at yung game boy nya.

Kaya yung bag ko, maleta na sa dami ng mga dapat dalhin. Kaya nga nung pauwi kami ng pinas, sa ilalim ng upuan sa harap ko inilalagay yung humongous bag ko at masyadong maabala pag sa overhead bin. Nasita pa ako ng stewardess na dapat daw sa itaas ko ilagay, hindi ako pumayag. Maya't maya kaya akong may kinukuha dun. Hindi na nagpilit.

Kaya kung sakali at may makita kayo sa airport na hindi magkandaugagang babae sa pagbitbit ng kanyang "purse" e malamang hindi ako yun at wala pa naman kaming balak umuwi ng pinas this year.

2 comments:

Anonymous said...

Para palang lagi mong bitbit ang bahay mo. Pero ang hirap din ng sakit ng bunso mo, sana lagi kang gabayan ni Lord para hindi ka panghinaan ng loob sa mga trials sa buhay mo.

katrina said...

ay naku korek ka jan manay ann! mahirap pero kailangang kayanin. ako nga pag-oorganize lang ng mga gamit nila ang problema mas malaki ang problema ng bunso, araw-araw tusok!

Talagang kailangang-kailangan ko/namin ng gabay ni Lord. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob dahil pano na ang mga anak ko? Sya ang pinanghahawakan ko.

hello kay fafa & kids...