Ako'y mapagpasensyahing tao. Hanggat kaya ko tsang , oo ng oo para walang mahabang usapan. Kaso nitong mga huling araw, nauubos yata reserba kong pasensya na araw-araw kong hinihingi kay Lord. Nasasagad nitong alaga kong babae sa gabi. Tulad nga ng minsang nasabi ko kay Manay Ann, kasarap tadyakan sa ngala-ngala o kaya tatuan sa mata.
Hinanda ko ang sarili ko sa puyat nung tinanggap ko ang job offer na ito. Night shift kasi. Understandable lang na from time to time ako'y tatayo para samahan sa banyo o kung ano pang utos nya. Kaso ang ikinaiirita ko e yung tono ng pagsasalita at paraan ng pag-uutos. Her words ika nga are dripping with sarcasm. Akala siguro komo ako e porener ang utak ko ay gaga-kuko nya lang o kaya nasa talampakan.
Rapido pa sa utos. Sa isang utusan mga tatlo o apat na yung pinagagawa sa akin at kailangan gawin mo agad. Pag nabagal-bagal, nakasinghal na at tipong iritadong-iritado na. Ganda pa nito pag may gabing sinusumpong yung asawa, babantayan at susundan ko siyempre at baka matumba e uga-uga pa naman, dun na si babae sisingit, sasabay na ng utos. At siyempre gusto nya sya mauna.
Hindi na ako nakatiis. Biglang lumitaw ang mga sungay kong pilit kong tinutulak palubog dahil pilit ko pa ring iniintindi ang depressing situation nilang mag-asawa. Bulyawan ko nga! Sabay rapido ng inglis na hindi ko alam kung saan ko nadampot sa inis.
In fairness, pag alam nyang banas na ako, hihinto naman. Talaga lang sigurong nang-uuyam o baka sinusubukan kung masisindak ako. Matagal ng sindak 'to lola! Naubos na ang takot ko no!
Kainam pa naman ng style. Pag tantiyado nyang in good mood ako, unti-unting bubuwelo sa utos. E basa ko na rin kaya sya. At hindi lang sya ang may ugaling ganon. Isa sa mga rason kung bakit natuto na rin akong sumagot e ito...
May alaga kasing pusa yun na ubod ng taba, parang si Garfield. Dumahak lang ng konti dahil sa katakawan sisigaw na sa akin at kitty is choking daw, help ko raw. Ano kaya gusto nyang gawin ko? I-mouth to mouth ko o heimlich maneuver ko? Pati litter tinuturo sa akin ang paglinis., e utod kaya ng bantot ang ebs ng pusa. At nung kanda bilauk-bilaukan na naman yung cat nya gamutin ko raw. Gabi-gabi yan at kung ilang linggo na. Hindi ako pinatutulog ng dahil sa pusang masyoba (gay lingo for mataba) at masiba. Sagutin ko na nga ng ganito:" When I accepted this job, it was very clear that I have to take care of you and Dr. only, nobody said something about the cat. I am not a veterinarian, I am a caregiver...of humans not animals. From now on I don't want to be involved with the care of the cat. If she's not well, send her to the vet!" Kahit may santo ka man sa dibdib, mapapapak&* ka e. Ilang gabing walang tulog at palitan silang mag-asawa, isasama pa pusa! Sa hilo ko nga sa antok, apat na tingin ko sa kanilang dalawa?! Magdagdag pa ng dalawang pusa?
Minsan naman ang ini-istyle sa akin e yung pagpa-polsih ng silver frames. Tanggihan ko nga, sabi ko I'm allergic to silver polish, it will make me sneeze and sneeze, de tumigil. Alam nyo kasi yang mga style na ganyan, pag kinagat nyo, yari na kayo. Masasama na yan sa listahan ng mahaba mong trabaho, ending, di ka nga ngayon magkandaugaga sa dami ng trabaho, wala namang dagdag sa sahod mo. Kaya ngayon natuto na rin akong maki-negotiate. Pag may kumukuha sa akin, sinasabi ko na agad ang kaya ko at hindi ko kayang gawin (read: ayokong gawin) kasama na ang hourly rate ko. Pag wala sa usapan, tanggi ako, take it or leave it ang drama ko. Yan lang ang ganda dito sa isteyts, pwede kang pumiyok kung ayaw mo at hindi ka pipilitin.
Mahirap din kasing masanay sila. I've learned my lesson. Pag binigay mo ang palad mo, buong kamay na ang gustong kunin. Ngayon, oo ako sa gusto nila pero babayaran ba ako ng extra? I'm tired of these kind of people (read:rich....no, let me correct that...filthy rich). Ke babarat sa chimi-aa at they treat you like dirt pa. Komo pinasasahod ka, aliping saguigilid ang trato sa iyo.
Naisip ko, teka lang may karapatan rin akong magdemand a, dun man lang mapamukha sa kanila na pareho lang kaming tao...saklap lang, magkaiba ng estado sa buhay. Sabagay wala na rin magagawa yan pag pinamuka mo na ang ganire: I charge $25 an hour, light housekeeping only (read: dusting) no pets, no polishing of silvers, no cooking, no ironing and 2 days off a week. You have the money but in dire need of good care, I am good, I have the energy that you don't have. De kung may ipapagawa sa iyo ngayon na wala sa job description mo, nakikiusap na ang tono , di ba? Pag humirit pa ng pangalawa, piyok ka na...mawiwili e....
Yan ang caregiving 101...promdi style.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ako naman maswerte dun kay lola dati kasi mabait naman sya tska yung anak nya. nakakaawa nga lang kasi iisang anak (lalake) eh lumayo pa kasi ayaw si lola alagaan.
ewan ko ba mga tao dito sa amerika mayayabang. kala nila pag porenger automatic aliliping saguguilid na. aysusme!
Buti nga ryan ganyan, eh yung iba rito all-around talaga at kayod kalabaw sa maliit na sweldo at walang karapatang magreklamo.
Pero syempre dapat ipaglaban yung karapatan natin, dito nga lang nakakaawa yung iba parang nawawalan sila ng karapatan.
Post a Comment