
Monday, February 26, 2007
Kung Hei...Lafang Tsong?!

Monday, February 19, 2007
Kalupet Mo Naman, Uncle Sam!
Nakatanggap ako ng tawag galing sa taong nagkwenta ng buwis ko. Pinababalik ako sa opisina nya at may mali daw sa ginawa nya. Bumalik ako na may pagbabakasakaling lumaki ang refund ko. Anong lumaki?! Lumaki ang babayaran ko! Tumataginting ng $2,ooo ang dapat ko pang bayaran sa federal & state tax. Paking teyp, ba't nagkaganon?
Yan ang saklap ng walang witholding tax na binabawas ang employer mo. Buo kong nakukuha ang sweldo ko at saka nila ako bibigyan ng 1099 form kung saan nakalagay dun yung income ko under miscellaneous at non-employee. Galing din ng diskarte nitong mauutak na ito ano? Sa umpisa palang sinabi ko na sa kanila na mas mainam sana kung magkakaltas sila para di ko na problema tuwing bayaran ng buwis kaso di pumayag. Kaya heto ngayon, kargo ko lahat whereas pwede sanang 7.5% galing sa akin at yung anader 7.5% e kanila.
Hindi ko na sana idedeklara yung kita ko sa isang trabaho kaso, natatakot naman akong habulin ng Isang Rajah Sulayman.
Bawat anak ko ay may $1000 tax exemptions. Akala ko mga $3000 each. Yun pala sabi sa akin ni Mang Bubuwisit--the lower the income, the higher the exemptions. Ganon pala yun. Kaya komo malaki kita ko, yan lang dapat sa akin. Totoo nga yung sabi sa akin ng frend kong kana na na yari ka pag middle income earner ka. You're screwed, ika nga nya.
Nawala na nga refund ko, nakabayad na kami in advance ng service fee nila at heto sinisingil na naman ako ng anader $57! Hindi ko na itinago ang pagkadismaya ko sabay tangging hindi ko babayaran yung 57 dalars, ano sinuswerte?
Kaya heto ako ngayon, kagagawa ng tseke for mailing. Isa tumataginting na $1,174.00 para federal tax & isa pa $885 para naman sa state tax.
Paraan daw para bumaba yung tax ko at makarefund ako, lessen my working hours daw...wtf?!
Kung gagawin ko kaya yun, pakakainin nila mga anak ko at babayaran ang bills ko? Tinuruan pa akong maging tamad. Palpak din dito. Mas pinagkakaabalahan ng gobyerno na ma-maintain ang image nila na super power, bilyon ang ginagastos sa giyera pero dito sa lupa nila, dami palpak at dami problema na dapat unahin.
Hay naku, tama na ang sour graping, promdi! Hala, bunot! Hala, bayad! Dami mo pang satsat...kinita mo na e, reklamo ka pa?
Sagot ni promdi....baka makalusot lang naman po....hehehe...
Wednesday, February 14, 2007
Tuesday, January 30, 2007
Mas Masakit Ini Tiya Dely
Heto ako magku-kwarenta na pero todo kayod pa rin. Wala pang serious vacation na napuntahan as in puro lamiyerda at relaxation talaga. Sila na-enjoy na nila buhay nila, narating na ang mga bansang gustong puntahan, nakain na ang masasarap na pagkain, nabili na ang gusto nilang bilhin without the guilt na baka super mahal sya. Stable na rin ang mga anak. In short, natikman na lahat ng luxuries in life...pinanganak na may pera at mamamatay ng may pera.
Pero ang sabi ko rin naman noon pa, di na baleng hindi ako humiga sa pera at hindi ko naman sya madadala pag ako'y namatay na, but still...iba pa rin pag meron ka kahit konti di ba? Kahit papano, panatag ang loob mo na, mawala ka man bigla bukas, okey ang mga anak mo. Hindi na nila kailangang maghugas pa ng puwet para lang makapag-aral sila. Hindi sila matataranta kung saan maghahagilap ng pera pambayad sa mga utang na naiwan. Hindi sila mag-aalala kung saan kukuha ng kakainin para bukas. Di ba yan ang gusto ng magulang para sa mga anak? Yung kung maaari, wag nilang maranasan ang hirap na naranasan mo noon, yung matikman nila ang komportableng buhay?
Pero sadyang mapaghamon ang buhay. Talagang sa bawat bagay na gawin mo para sa kanila kailangang may sakripisyong kakambal. Hindi lahat mangyayari ng ayon sa kagustuhan mo. Minsan kahit anong effort ang gawin mo na maging smooth ang biyahe ng buhay, lagi pa ring may lubak sa iyong dadaanan. Parte nga siguro ng buhay yang mga lubak na yan. Nandyan sila para pag inaantok na tayo sa biyahe e magising tayo para ituloy ang laban. Sabagay wala namang taong walang problema ke super duper yaman ka pa. Di naman sagot ang pera sa lahat ng problema oldo minsan, nakakagaan sya.
Ako, makaraos lang sa pang araw-araw na takbo ng buhay e okey na. Lahat ng bills nababayaran, mas okey at kahit pano yung mabili yung gusto ko (luho ha?) na hindi nagkukwenta kung maiipit ang pampadala sa pinas de okey na okey!!!
Pwera biro, ang gusto ko lang talaga maayos ang pamilya ko. Hindi yung materyal na bagay kundi sa kalusugan ba. Sana wala silang sakit, yung malalakas ang katawan. Kahirap kasi nung problema na pera may mga sakit pa, di ba killjoy?
Tulad ngayon, matapos ang maraming tests sa asawa ko, ending may Celiac Disease pala. Incurable din diet ang sagot. Kailangang walang wheat, rye, barley at kung anu-ano pang ngayon ko lang narinig yung iba. pareho na sila ng bunso ko na kailangang may strict diet na sinusunod.
Ano ngayon ang mas masaklap?
Monday, January 22, 2007
Napakasakit Kuya Eddie
Nandito ako sa trabaho ngayon. Pasado alas-diyes na ng gabi. Nakakainip! Bukas pa uwi ko mga alas-siyete ng umaga kaya, naisip ko bitbitin itong laptop at ng may mabutingting. Nag-sign in nga ako sa YM baka sakaling may naka-online ng mga amiga't amigo de solve-solve sana ako sa chat kaso wala. Nakatago lahat.
Ang alaga ko sa gabi ay mag-asawa. Yung matandang lalaki nag-uumpisa ng maging malilimutin. Retiradong doktor-OB-Gyne. Yung matandang babae ewan ko kung ano sya dati pero hindi na sya makabangon at makalakad mag-isa. Naaksidente kaya ayun nasa kama na lang maghapon. May pera sila pero sa punto ng buhay nilang ito, ang silbi na lang ng pera sa kanila e para pambayad sa mga nag-aalaga sa kanila. Sawa na nga si Dok e. Gusto ng sumurender. Nakakaawa sila, sa totoo lang.
True na true yung three stages of life e...TEENS- you have all the time and energy but no money...WORKERS- you have the money and energy but no time at OLDIES- you have the time and money but no more energy.
Kasaklap ano?
Monday, January 08, 2007
Thoughts of Suicide?
Akala nya ayos ang lahat. Bukas ang komunikasyon nya sa kanyang asawa't mga anak. Lahat inaaalam nya para masolusyunan agad ang anumang problema na mag-uumpisa pa lang. Akala nya lahat ay natutugunan nya, hindi pala.
Bakit may isa sa anak nya na nag-iisip na kunin ang sariling buhay? Naguguluhan sya! Saan pa ba sya nagkulang? O baka naman sumosobra? Nasasakal ba ang anak sa atensyong binibigay nilang mag-asawa? Hindi sya makapaniwala sa nabasa nya. Isang malaking BAKIT ang tanong nya sa sarili nya.
Kinausap nya ang anak. Pilit inaalam ang dahilan pero wala syang nakuhang kasagutan. Kaya sinabi nya sa sarili nya na kung ganon din lang, para ano pa ang mabuhay? Lahat ng ginagawa nilang magulang ay para sa mga anak pero ba't tila yata binabalewala ng anak? Para ano pa? De magsama-sama na sila. Yan ang naglalaro sa isip nya.
Monday, December 25, 2006
Ikalawang Yugto





Sabi ng mga anak ko, di raw nila ma-feel ang pasko dito. Oo't maraming christmas lights, maraming regalo at pagkain pero may kulang pa rin. Sabi ko naman, maaaring nami-miss lang nila ang mga kamag-anak namin sa Pinas at saka dito kasi tahimik ang selebrasyon. Hindi tulad sa atin na magulo, maingay, masaya. Kahit ano lang ang nasa hapag kainan basta't may kwentuhan, biruan at kantiyawan solve-solve na.
Pansin ko lang parang lahat de-numero, in order, predictable, by schedule. Kahirap! Mas okey sana kung paminsan-minsan ay labas sa pangkaraniwan.
Tulad na lang nung nagpunta kami kina lola. First step, sa apartment nya, bukas ng mga regalo, kwento ng konti tapos alis na diretso sa lugar na pagkakainan. Kwento uli ng kahit ano, order ng pagkain at habang naghihintay ng tsibog, ikot ang mata sa paligid, ngiti, say hi & hello. Heto na pagkain, kainan na. Pagkatapos, uwian na. Ganon lang walang torya...malungkot...
Iba pa rin talaga sa atin...kailan kaya makauwi?
Saturday, December 23, 2006
Christmas...The American Way









Pumasyal kami kay Lola Mary nung Huwebes. Inimbita kami for dinner. Nakakahiya namang tanggihan at ilang araw ng tumatawag sa akin para makita daw nya ang mga bata. Hindi naman sa ayaw ko syang makita, talagang busy lang sa trabaho. Kaya nung magkaroon ng pagkakataon, sumige na kami.
Tuwang-tuwa sya. Ganon din si Kyle. Namiss nya rin ang kanyang lolang hilaw. Namiss nya rin yung bahay kung saan ilang taon din syang tumira. Pagkatapos ng bukasan ng mga regalo at basahan ng cards, pumunta na kami sa restaurant.
Okey na rin at least napagbigyan ko si Lola at na celebrate pa namin ang birthday ni Kristine. Thirteen years old na sya at ang hininging gift alam nyo kung ano? Pa-wax ko raw kilay nya! Pinagbigyan naman namin at ending hindi rin nya yata gusto. Sabi ko nga bata pa sya sa ganon. Pinasubok ko lang naman para matigil ng kakaungot.
Teka lang, papasok na pala ako....tuloy ko na lang bukas ha? More pix coming up!
Wednesday, December 13, 2006
Eto Yung Now...

Heto na sya ngayon. Four years & 5 months old at sa awa ng Diyos, wala pa kaming trip sa emergency room tungkol sa diabetes. Hirap lang kaming mag-asawang i-control ang sugar nya. From 6.9 to 7.1 to 7.7 and now 8.1 ang HbA1c nya e ang level dapat e from 7.00 to 8.5.
At kanina galing sya ng ospital para naman sa allergy testing. Dust mites ang nagti-trigger ng attacks nya kaya heto kailangan madalas mag-vacuum at ang mga beddings kailangang palitan lagi at labhan sa mainit na tubig at least once a week.
Makatagpo sana ng maalagang mapapangasawa itong si Kyle....
Wednesday, December 06, 2006
Why? Apay? Bakit?
Pinasalubungan ako ng isang kaibigan galing California ng tuyo. Ang sarap talaga ng kain ko! Nakakamay at nakasalampak sa sahig habang dinadawdaw ang tuyo sa sukang maanghang sabay higop ng mainit na caffe latte. Sarap!
Kaya bigla kong naisip, bakit pag nasa ibang bansa ka, kasarap kumain ng tuyo? Pag nasa pinas, kulang na lang bumukol sa lalamunan mo yung tuyo dahil di mo malunok sa sama ng loob? Pakiramdam mo non, super duper dukha ka pag mga tatlong araw ng yun ang inuulam mo pero heto ako, palibhasa nasa Tate, wala akong pake kung ilang araw nang sya ang ulam ko?
Kanina naman, asim na asim ako. Parang gusto ko ng manggang manibalang kaso wala naman dito. Ang mga mangga kasi dito e yung mamula-mula ang balat at ang laman nya e madilaw tapos ang lasa e lasang gamot. Ikot ako sa grocery at nag-iisip kung ano ang pwedeng pamalit sa maasim na mangga. At yun, nakita ko na! Mansanas na kulay berde (granny smith).
Dampot ako ng lima at nag-apurang umuwi. Hinugasan, inalisan ng buto at hiniwa sabay kuha ng ginisang bagoong alamang sa fridge at voila! Heto ako ngayon sa harap ng computer at nagba-blog habang ngumunguya-nguya tungkol sa katakawan ko. Masarap pero wala pa ring tatalo sa manggang kalabaw natin.
Isang pagkain pa na naisip ko yung dinengdeng. Isa pa yan, pag sa pinas mo ulam yan every other day e feeling mo rin amoy padas ka na. Dito kung magluto ako talaga non marami, para isang bahuan na lang sa kabahayan at isang murahan na lang ng mga kapitbahay. Tantiya ko nga, pag nagbubukas na ako ng mga bintana alam na ng mga neybor ang lulutuin ko. Para sa kanila, nuknukan ng baho yan pero sa akin, ay naku! Amoy pinas yan no! Heaven!
Sign of homesickness siguro itong aking mga food cravings. Nakadagdag pa yung mga recipes na nasa blog ni Ella. Gusto ko na namang umuwi. Gusto ko namang maranasan uli ang Pasko sa atin. Wala akong pakialam kung tuyo o tinapa at dinengdeng ang aking kakainin basta't makasama ko lang uli ang mga kapatid ko at si itay.
O baka naman naglilihi nga ako?! Ma-imagine nyo ba kung pano mabuntis ang na-ligate na? Alam nyo ba kung saan bubukol?
Sa likod...ala humpback! Waaaaaaaaaaaaaaa!!!!
"Ay baliw na sya".
Yan ang nasa isip mo hano?
Saturday, November 25, 2006






Three days before Thanksgiving, nagcelebrate na kaming pamilya kasi may pasok kami pareho ni Mister. Kaya heto, punta muna sa Mall at nagkulitan sa Food Court.
Napansin ko lang mula nung madalas akong wala sa bahay, laging nakasiksik sa akin si Kyle. Minsan nga nakikiusap pa na wag na lang akong pumasok. Kawawa nga e. Nasanay kasi na 24/7 magkasama kami.
Anyway, pagkatapos ng kulitan diretso na kami sa sinehan. Si Robert at si Kaye kay James Bond komo di pwede kay Kyle dun kami nina Kristine sa Santa Clause 3. Akala ko mag-eenjoy si Kyle. Di pa man nag-uumpisa ang palabas, busog na sa popcorn kaya nakatulog tuloy. Gumising lang nung pauwi na.
Diretso kami sa Applebee's para mag-dinner. Nagustuhan naman ng mga bata ang inorder nila kaso wala pa sa kalahati, umayaw na at busog na raw. Kaya ending, take home ang tira.
More pix...brb...
Saturday, November 18, 2006
Pano Mo Kakamutin?
Matagal na syang patay pero bigla ko lang syang naalala. Siguro dahil sa mga kakaiba nyang dayalog pag sinasabihan nya ang mga anak na kahit galit na sya e may touch pa rin ng humor ang pagmumura nya. Pinag-isip nya ang inosente, busilak at dalisay kong utak sa mga salita nya, tulad nito:
"Ano ba, gabi na a! Umuwi na kayo! Madilim na nandyan pa kayo sa labas baka isipin ng mga tao MALANDI PA KAYO SA BUBULE." Isip tuloy ako, pano ba maglandi ang bubuli? Meron bang ganon? Kaya ang ginawa ko minsan, pumunta ako sa likod-bahay namin,sa may palayan at sagingan at naghanap ng bubuli. Pinagmasdan kong mabuti kung panong maglandi, ayaw namang gumalaw at nakipagtitigan lang din sa akin. Nung tumayo ako biglang kumilos ng napakabilis na parang kumakandirit. Yung katawan nagkandapili-pilipit. Kaya ang konklusyon ko, siguro dahil sa magaslaw na galaw kaya nasabi nya yung malandi pa sa bubuli.
"PAKARAT! PATUTOT!" Isip uli ako, ano kaya koneksyon non sa torotot? Dahil ba magkatunog lang sila o may koneksyon talaga?
"MAKATI PA SA GABE." OO talagang makati yun dahil pag tinutulungan ko noon ang inang na magbalat ng bunga at tangkay, nagkakati talaga kamay ko. Komo nga hindi pa nababahiran ng kabastusan ang mura kong isip, hindi ko sya talaga ma-gets.
"MAKATI PA SA HIGAD." Yan talagang alam kong makati dahil nung minsang umakyat ang kuya ko sa puno ng sampalok at nahigad, talaga namang namantal ang buong katawan kaya pinaliguan ng suka ni inang. At agen dahil wala pa ngang bahid kamunduhan ang bubot kong isip, hindi ko rin sya na-gets.
"MAKATI PA SA GALIS-ASO." Ay! E teka lang pakati na ng pakati ito talaga! Parang gusto ko ng magkamot a! Kahit ano namang usisa ko kung bakit e wala namang magkainteres na magpaliwanag.
Fast forward.... Ngayon alam ko na yun. Mga metaphor lang pala. Sadyang ginawa/sinabi para hindi ma-gets na mga bata. Figure of speech tapos heto ako't literal ang hinanap na paliwanag.
Ngayon alam ko na dahil hinog na at bukas ang isip sa bagay-bagay sa mundo....charrriing! Ang totoo kamo mulat na sa kamunduhan! At ang ebidensya?
Heto.....

































