Wednesday, April 25, 2007

Promdi @ 40
























































Naghuhumiyaw na kuwarenta anyos na ang edad ko. Parang kailan lang na nagmumurang kamias ako, ngayon napapamura na ako pag edad na pinag-uusapan.

Sabi ng iba, wala raw sa itsura ko...binola pa ako, e ako mismo kita nang ebidensya. Dami na ng puti kong buhok, malalim na ang pileges sa mukha at marami ng masakit sa katawan.

Nagiging sumpungin na rin ako. Napapansin ko yan lately. Minsan masayang nakikipagbiruan tapos maiinis pag nakantiyawan lalo na ng asawa ko.

Madali na akong mapagod. Bumibigay na ang dati'y sariwa kong katawan na ngayo'y papatuyot na. My age is catching up on me. Lahat bumabagsak na, hindi na kayang labanan ang gravity. Pisngi, mga braso, dibdib, puwet...ay naku, they're sagging na day!

Dati ang inaabangan ko, yung debut ko, ngayon si dreaded M na as in menopause. Malapit-lapit na rin ako run.

Wala na rin akong ganang magpustura, dahilan ko kasi para ano pa? Damatan naman na...

Yun lang at hapi bertdey to me, hapi bertdey to me...hapi bertdey, hapi bertdey, hapi bertdey to me...

Umabot kaya ng fifty si promdi???

Monday, April 02, 2007

Happy Birthday, Young Lady...

It's my eldest daughter's 16th birthday. How time flies! I can still remember the labor pains when I gave birth to her as if it was only yesterday....and now she's 16! Can you believe it? She's slowly but surely getting independent...from deciding what outfits to wear, what to eat, what to do in her spare time, what to do with her hair.

She's also slowly transforming -- physically speaking. She got more boobs than I am! She got all the right curves and bulges in the right places. Good for her!

Dream big young lady! Enjoy life and have fun. Follow your heart's desire. We trust you. Anuman ang mangyari, win or lose, happy or sad, andito kami ni Papa to support you all the way...to lift you up when you feel down... to right your wrong...to give you a push when you want to give up... to wipe your tears...to kiss away your pain...to hug you when you need cheering up... to smile with you in your victories...and to silently pray and hope that in your life's journey, everything would be as you want them to be...

We love you!!!

Sunday, March 25, 2007

Kahit Naubos Na Ang Buhok Nya....





Birthday ng asawa ko....49 years old na sya. Ang tanda na! Marami na ngang puting buhok---pero hindi sa ulo kasi wa na sya hair dun---sa kilay at buhok sa ilong..hehehe...

Lagi nyang sinasabi na mamahalin nya ako kahit pumuti pa buhok nya na ngayon e nag-iisip ako kasi wala na syang buhok na puputi, nalagas na raw lahat dahil sa akin.

Ano ba sya bilang asawa? Let me count the ways...

Pasaway! Noon kasi malakas syang manigarilyo at uminom. Ayon nga sa kwento nya, kung saan sya bumagsak sa kalasingan, dun na rin sya sisikatan ng araw at tuloy na naman ang inuman. Ganon sya katakaw sa alak. Naalala ko nung magnobyo palang kami, galing kami sa bahay ng common friend namin at siyempre inuman na naman. Sa kwentuhan namin habang lumalakad kami pauwi, super kulit nya talaga! Paulit-ulit ang kwento, iyo't iyon! At sa hilo, tinawag akong pare sabay akbay-laseng sa akin. Kulang na lang talaga, itulak ko sa bukid! Naisip ko tuloy, sa lahat ng pinakaayaw ko e lasenggero yun pa yata ang babagsakan ko.

Pero nung ikasal na kami, unti-unting nabawasan yun. Dumalang ang tagay session with the barkada. Di na rin sya tumikim ng "hard" ika nga. Lumipat sya sa serbesa at may limit na. Hindi na nya kayang uminom ng higit pa sa dalawang grande. Hanggang sa huminto na sya ng tuluyan na walang pressure na nanggaling sa akin. Huminto sya ng kusa.

Ibang usapan naman pagdating sa sigarilyo. Kung anong bilis sa paghinto ng buga, sya namang gigil sa muling paghitit. Nandyang pati mga bata ginamit ko na para ma-guilty. Pati ako dinramahan ko na. Sya kako ang papatay sa amin. Mas una kaming magkaka lung cancer dahil sa second-hand smoking. Imbes na hintuan? Sa labas ng bahay nanigarilyo! May kanta pa nga kaming mag-iina sa kanya.

"Hitit-buga! Hitit-buga! Sunugin mo ang baga mo! Hitit-buga! Hitit-buga! Sunugin mo ang betlog mo!"

Akala ko effective kaso wala rin! Ngingisi-ngisi lang at tuloy pa rin sa hitit-buga. Hanggang sa dumating ang taong 1999 at bilang new year's resolution nya raw (drumroll pls!) hihinto na raw sya sa paninigarilyo. Hindi ko na kinantiyawan at baka mainis at bawiin pa, kaya quiet lang ako.

Maaliwalas at mabango ang hangin sa bahay. Walang amoy usok, walang pollution. Maluwag ang paghinga naming mag-iina. At higit sa lahat, wala ng magkakasakit sa amin sa baga. Hanggang isang gabi....

Panay ang pilit nya na matulog na raw kaming mag-iina at may pasok pa kami bukas. Kesyo gabi na, mapupuyat na kami at mahihirapan na naman sa gisingan sa umaga. Ako naman siyempre tanggi! Kahirap kayang matulog ng hindi naman inaantok! Sa huli nakulitan na ako kaya inaya ko na mga anak namin sa kwarto, sinara ang pinto, pinatay ang ilaw at nahiga na kami. Hindi naman ako makale at naintriga ako kung bakit ba pilit kaming pinatutulog. Bumangon ako at dahan-dahang sumilip sa siwang ng pinto. Dun nakita ko ang matanda (yan ang tawag ko sa kanya) nakahilata sa sofa ng medyo patagilid na sa una'y akala mo nanonood lang ng tv....ng biglang nyang iangat yung kamay nya at humitit ng pagkahaba-
haba! Sigarilyong-sigarilyo na pala ang damuho!

Hindi ko sya sinita nung gabi na yun. Nag-obserba lang ako kinabukasan. Hinanap ko yung pinag-upusan, wala. Mahusay pumitik sa loob-loob ko, ni sa bakuran wala akong nakita. Binuko ko na lang nung pinatutulog na naman kami. Humagalpak ng tawa nung sinabi ko na asim na asim na siguro sya kaya sige na naman sa tulak sa aming matulog. Sinawaan na rin ako sa kadadakdak.

Hanggang sa dumating ang January 10,2000. Araw ng alis ko sa Pinas. Kinalipatang buwan, Pebrero, huminto na sya ng tuluyan sa paninigarilyo. Nakunsensya siguro...hehehe... Agen, walang pressure galing sa akin. Sya na uli nagkusa. Basta, minsang pag-uusap namin sa telepono, sinabi nya na huminto na sya....na sya namang pinatotohanan ng mga anak ko.

Mga ten years na siguro syang hindi umiinom, walang alcohol, walang serbesa, ni soda basta tubig na lang ngayon. Sa sigarilyo naman, mga pitong taon na. Ngayon pati sya nababahuan na sa usok ng sigarilyo.

Babaero! Nalaman ko sa kaibigan namin na nung nililigawan nya palang ako, marami palang nobya sa Maynila ang loko. Huli na nung mabuko, sungkit nya na ang matamis kong oo. Dumating kami sa puntong nanghihingi ako ng cool-off kaso ayaw pumayag. Pagbigyan ko raw sya. De pinagbigyan kaso matulis talaga. Yung latest gf nya na sabi nya'y hiniwalayan nya na e hindi pala. Nabuking ko kasi nakita ng pinsan ko sa Araneta sa Cubao na kasama yung chickas nya. Nakakunyapit pa si babae na nung tinawag sya ng pinsan ko, ang bilis ng kalas pero huli na dahil kita na sya no! Nahiwalayan nya rin naman kahit yung babae na ang nakikiusap na kahit other woman na lang daw sya. May sumunod pang isang insidente dun na talagang super sakit sa akin na hindi naman na ako makakalas dahil nagpa-SM na kami nung nalaman ko, impak, oras lang ang nakararaan nung makarating sa akin.

Alam nya kung gaano ako nasaktan.... at alam ko rin kung gaano ang pagsisisi nya....at nagpapasalamat ako dahil yun ang huling heartache na binigay nya sa akin and that was 17 years ago. Sabi nga nya, tatlo na babae nya and that's more than enough for him.

Makalat! Kailangan mong sundan sa ginagawa. Gusto nya yung mga gamit nya tanaw palagi ng mata nya, pag naitabi ko hindi na nya makita. Yun bang tipong naiba lang ng pwesto o natabingan ng konti, wala na, call na nya ako...super woman to the rescue!

Opposite kami. Magkabaglitad kami ng gusto na okey naman sa relasyon namin. Sa trabahong bahay lang magkasundo kami. Ayaw na ayaw ko kasing magluto, buti na lang masipag syang magluto. Sabi ko nga paglinisin nya na ako ng bahay at paglabahin wag lang paglutuin. Sa pagkain, hindi ako mahilig sa karne. Kahit puro gulay ang ipakain mo sa akin, okey. Sya hindi mo mapakain ng gulay na walang pritong karne o isda. And speaking of isda, ayaw ko ng tiyan ng bangus, yun naman ang gusto nya. Ayaw ko ng kiti sa balot, yun ang type nya. Gusto ko ng maasim, maalat at matamis, lahat yun ayaw nya.

Pero ang talagang naa-appreciate ko sa araw-araw na ginagawa nya e yung pagkagising ko may kape na akong nakatimpla. Magbuhat ng maging mag-asawa kami hindi nya nakakalimutan yun. Isa pa e yung tuwing aalis at darating mula sa trabaho, lagi kaming may kiss na mag-iina. At sa tuwing makakarating sya sa pupuntahan nya, hindi nakakalimutan na tumawag sa akin para ipaalam na ayos ang naging biyahe nya. Malayu-layo rin kasi ang pinapasukan nya dito sa bahay. Pahabol pa pala...hindi sya makakain hanggat hindi kumakain mga anak nya.

Sa lahat ng kanyang katangian at sa kabila ng kanyang mga kapintasan, minahal ko sya at patuloy na mamahalin habang ako'y nabubuhay. Nagpapasalamat ako sa patuloy nyang pagpapasensya sa lahat ng kaberatan ko, sa immaturities ko, sa kakulangan ko...

I am truly blessed to have this man in my life and really honored to be the mother of his children.

I love you kuya...now & forever..... Happy Birthday!!!

- Bunso -

Monday, March 19, 2007

Ang Dating Daan...Sa Dako Pa Roon

Ang dating bagay na kinasasawaan, ngayon........kinasasabikan

Ang dating bagay na kinayayamutan, ngayon........kinakatuwaan

Ang mga bagay na noo'y tinatakasan, ngayon........gustong balikan

Mga pagkaing dati'y inaayawan, ngayon........kinakatakawan

Mga taong dati'y iniiwasan, ngayon........gustong masilayan

Ang dating takbo ng buhay na ubod ng bagal, ngayon.......super bilis naman

Ang bayan na nilayasan, ngayon......gustong uwian

Kung pwede lang....maging drama'y turn back time

De sana' y binalik na ang kamay ng orasan.

Ano nangyayari? Bakit nagkakaganire?

Wahhhhhhhhhh!!!!!! Nagmemellow na si Promdi?!!!

Tuesday, March 06, 2007

Kalusin na ang Salop!

Ako'y mapagpasensyahing tao. Hanggat kaya ko tsang , oo ng oo para walang mahabang usapan. Kaso nitong mga huling araw, nauubos yata reserba kong pasensya na araw-araw kong hinihingi kay Lord. Nasasagad nitong alaga kong babae sa gabi. Tulad nga ng minsang nasabi ko kay Manay Ann, kasarap tadyakan sa ngala-ngala o kaya tatuan sa mata.

Hinanda ko ang sarili ko sa puyat nung tinanggap ko ang job offer na ito. Night shift kasi. Understandable lang na from time to time ako'y tatayo para samahan sa banyo o kung ano pang utos nya. Kaso ang ikinaiirita ko e yung tono ng pagsasalita at paraan ng pag-uutos. Her words ika nga are dripping with sarcasm. Akala siguro komo ako e porener ang utak ko ay gaga-kuko nya lang o kaya nasa talampakan.

Rapido pa sa utos. Sa isang utusan mga tatlo o apat na yung pinagagawa sa akin at kailangan gawin mo agad. Pag nabagal-bagal, nakasinghal na at tipong iritadong-iritado na. Ganda pa nito pag may gabing sinusumpong yung asawa, babantayan at susundan ko siyempre at baka matumba e uga-uga pa naman, dun na si babae sisingit, sasabay na ng utos. At siyempre gusto nya sya mauna.

Hindi na ako nakatiis. Biglang lumitaw ang mga sungay kong pilit kong tinutulak palubog dahil pilit ko pa ring iniintindi ang depressing situation nilang mag-asawa. Bulyawan ko nga! Sabay rapido ng inglis na hindi ko alam kung saan ko nadampot sa inis.

In fairness, pag alam nyang banas na ako, hihinto naman. Talaga lang sigurong nang-uuyam o baka sinusubukan kung masisindak ako. Matagal ng sindak 'to lola! Naubos na ang takot ko no!

Kainam pa naman ng style. Pag tantiyado nyang in good mood ako, unti-unting bubuwelo sa utos. E basa ko na rin kaya sya. At hindi lang sya ang may ugaling ganon. Isa sa mga rason kung bakit natuto na rin akong sumagot e ito...

May alaga kasing pusa yun na ubod ng taba, parang si Garfield. Dumahak lang ng konti dahil sa katakawan sisigaw na sa akin at kitty is choking daw, help ko raw. Ano kaya gusto nyang gawin ko? I-mouth to mouth ko o heimlich maneuver ko? Pati litter tinuturo sa akin ang paglinis., e utod kaya ng bantot ang ebs ng pusa. At nung kanda bilauk-bilaukan na naman yung cat nya gamutin ko raw. Gabi-gabi yan at kung ilang linggo na. Hindi ako pinatutulog ng dahil sa pusang masyoba (gay lingo for mataba) at masiba. Sagutin ko na nga ng ganito:" When I accepted this job, it was very clear that I have to take care of you and Dr. only, nobody said something about the cat. I am not a veterinarian, I am a caregiver...of humans not animals. From now on I don't want to be involved with the care of the cat. If she's not well, send her to the vet!" Kahit may santo ka man sa dibdib, mapapapak&* ka e. Ilang gabing walang tulog at palitan silang mag-asawa, isasama pa pusa! Sa hilo ko nga sa antok, apat na tingin ko sa kanilang dalawa?! Magdagdag pa ng dalawang pusa?

Minsan naman ang ini-istyle sa akin e yung pagpa-polsih ng silver frames. Tanggihan ko nga, sabi ko I'm allergic to silver polish, it will make me sneeze and sneeze, de tumigil. Alam nyo kasi yang mga style na ganyan, pag kinagat nyo, yari na kayo. Masasama na yan sa listahan ng mahaba mong trabaho, ending, di ka nga ngayon magkandaugaga sa dami ng trabaho, wala namang dagdag sa sahod mo. Kaya ngayon natuto na rin akong maki-negotiate. Pag may kumukuha sa akin, sinasabi ko na agad ang kaya ko at hindi ko kayang gawin (read: ayokong gawin) kasama na ang hourly rate ko. Pag wala sa usapan, tanggi ako, take it or leave it ang drama ko. Yan lang ang ganda dito sa isteyts, pwede kang pumiyok kung ayaw mo at hindi ka pipilitin.

Mahirap din kasing masanay sila. I've learned my lesson. Pag binigay mo ang palad mo, buong kamay na ang gustong kunin. Ngayon, oo ako sa gusto nila pero babayaran ba ako ng extra? I'm tired of these kind of people (read:rich....no, let me correct that...filthy rich). Ke babarat sa chimi-aa at they treat you like dirt pa. Komo pinasasahod ka, aliping saguigilid ang trato sa iyo.

Naisip ko, teka lang may karapatan rin akong magdemand a, dun man lang mapamukha sa kanila na pareho lang kaming tao...saklap lang, magkaiba ng estado sa buhay. Sabagay wala na rin magagawa yan pag pinamuka mo na ang ganire: I charge $25 an hour, light housekeeping only (read: dusting) no pets, no polishing of silvers, no cooking, no ironing and 2 days off a week. You have the money but in dire need of good care, I am good, I have the energy that you don't have. De kung may ipapagawa sa iyo ngayon na wala sa job description mo, nakikiusap na ang tono , di ba? Pag humirit pa ng pangalawa, piyok ka na...mawiwili e....

Yan ang caregiving 101...promdi style.

Monday, March 05, 2007

Ang Maleta! Ang Maleta!

Nakasanayan ko nang....

Pag aalis na bahay, ang bag ko kailangan kumpleto ang laman. Hindi mga kikay stuff bagkus mga gamot. Tulad nito:

Insulin bottles - Humulin and Humalog
Syringes, alcohol swabs and gauze
Hand sanitizer and hand lotion
Two sets of Epipen (injectable) for Kaye & Kyle coz both have allergies sa seafoods
Glucagon kit (injectable) for Kyle in case of severe hypoglycemic attack
Zyrtek syrup for Kyle (at Kaye na rin) in case of breakout
Assorted Prescription pills for Robert
Bottle of Extra Strength Tylenol - usually for me in case of oncoming migraine attack
Bottle of Advil - for other members of the family na sasakitan ng ulo
2 Glucometers for Kyle to check his blood sugar (just in case pumalpak yung isa)
30 extra Lancets(needles) -need to change the lancets after testing
Baby wipes, wash cloth
Spare pants and shirts
Diapers
Cellphone
Car keys
Lipstick
Chapsticks
Hairbrush
Small bottle of White Flower
Sugar Free gums
Crackers, small box of orange juice, syringe para sa orange juice kung sobrang lata na ni Kyle sa baba ng sugar at di na makakain ng cookies or cracker man lang o kaya naman, 2 tubes of glucose paste for the same purpose
25 to 30 pcs. of grapes and 5 strawberries for snacks
3 Hotdogs pag gutom at di na pwedeng kumain dahil mataas na sugar
Packs of Kleenex
Contact info
Wallet

Araw-araw yan, minsan hindi ko na nga inaalis sa bag. Tsinetsek na lang kung kailangang i-replenish ang gamit. Iba naman yung bag na dala ko pag papasok ako sa trabaho ko sa gabi. Malaki rin kasi may chichirya naman, may kapehan, disposable plate, spoon and fork at plastic cup. Bitbit na rin ang kumot at laptop.

Tuwing Martes & Biyernes, bitbit ko uli yung bag number one na may gamot dahil isinasama ko si Kyle sa trabaho ko. Behave naman sya. Masaya ng nanonood ng favorite cartoon shows sa tv. Kailangan ding may bitbit akong mga dalawang pirasong toy trains nya, Thomas the Train book at yung game boy nya.

Kaya yung bag ko, maleta na sa dami ng mga dapat dalhin. Kaya nga nung pauwi kami ng pinas, sa ilalim ng upuan sa harap ko inilalagay yung humongous bag ko at masyadong maabala pag sa overhead bin. Nasita pa ako ng stewardess na dapat daw sa itaas ko ilagay, hindi ako pumayag. Maya't maya kaya akong may kinukuha dun. Hindi na nagpilit.

Kaya kung sakali at may makita kayo sa airport na hindi magkandaugagang babae sa pagbitbit ng kanyang "purse" e malamang hindi ako yun at wala pa naman kaming balak umuwi ng pinas this year.

Monday, February 26, 2007

Kung Hei...Lafang Tsong?!

Chinese new year kaya kumain kami ng chinese food..hehehe...Actually, chinese/vietnamese restaurant ang pinuntahan namin. Tingnan nyo naman si Kyle, enjoy na enjoy!







Chow time!!!!



Sama ng titig sa tsibog a...




Bakit ka nakangisi?







Carbon copy?





Si Roberto at Roberta







Ano kaya masarap? Pero sa totoo ang iniisip, sino kaya magbabayad si ako o si Fafa?
Does'nt matter...basta ako enjoy sa lafang at sa family bonding namin....yun lang, bow!





Monday, February 19, 2007

Kalupet Mo Naman, Uncle Sam!

Bayaran na naman ng buwis. Naipon ko na lahat ng mga kailangan kong papeles kaya go na kami ni Mister sa H & R Block. Sa tagal ng kwenta at dami ng tanong, may makukuha daw kaming $327 galing sa federal government. Okey na kesa wala di ba? At mas lalong okey kesa sa magbayad pa.

Nakatanggap ako ng tawag galing sa taong nagkwenta ng buwis ko. Pinababalik ako sa opisina nya at may mali daw sa ginawa nya. Bumalik ako na may pagbabakasakaling lumaki ang refund ko. Anong lumaki?! Lumaki ang babayaran ko! Tumataginting ng $2,ooo ang dapat ko pang bayaran sa federal & state tax. Paking teyp, ba't nagkaganon?

Yan ang saklap ng walang witholding tax na binabawas ang employer mo. Buo kong nakukuha ang sweldo ko at saka nila ako bibigyan ng 1099 form kung saan nakalagay dun yung income ko under miscellaneous at non-employee. Galing din ng diskarte nitong mauutak na ito ano? Sa umpisa palang sinabi ko na sa kanila na mas mainam sana kung magkakaltas sila para di ko na problema tuwing bayaran ng buwis kaso di pumayag. Kaya heto ngayon, kargo ko lahat whereas pwede sanang 7.5% galing sa akin at yung anader 7.5% e kanila.

Hindi ko na sana idedeklara yung kita ko sa isang trabaho kaso, natatakot naman akong habulin ng Isang Rajah Sulayman.

Bawat anak ko ay may $1000 tax exemptions. Akala ko mga $3000 each. Yun pala sabi sa akin ni Mang Bubuwisit--the lower the income, the higher the exemptions. Ganon pala yun. Kaya komo malaki kita ko, yan lang dapat sa akin. Totoo nga yung sabi sa akin ng frend kong kana na na yari ka pag middle income earner ka. You're screwed, ika nga nya.

Nawala na nga refund ko, nakabayad na kami in advance ng service fee nila at heto sinisingil na naman ako ng anader $57! Hindi ko na itinago ang pagkadismaya ko sabay tangging hindi ko babayaran yung 57 dalars, ano sinuswerte?

Kaya heto ako ngayon, kagagawa ng tseke for mailing. Isa tumataginting na $1,174.00 para federal tax & isa pa $885 para naman sa state tax.

Paraan daw para bumaba yung tax ko at makarefund ako, lessen my working hours daw...wtf?!
Kung gagawin ko kaya yun, pakakainin nila mga anak ko at babayaran ang bills ko? Tinuruan pa akong maging tamad. Palpak din dito. Mas pinagkakaabalahan ng gobyerno na ma-maintain ang image nila na super power, bilyon ang ginagastos sa giyera pero dito sa lupa nila, dami palpak at dami problema na dapat unahin.

Hay naku, tama na ang sour graping, promdi! Hala, bunot! Hala, bayad! Dami mo pang satsat...kinita mo na e, reklamo ka pa?

Sagot ni promdi....baka makalusot lang naman po....hehehe...

Wednesday, February 14, 2007

Jesus - Mary Did You Know Video - The Passion

Pinakapaborito kong gospel song. Sa tuwing pinakikinggan ko ito talaga namang kinikilabutan ako. Nasamahan pa ng video clip from the Passion of Christ. You can't help but be amazed. Truly He is the Great 'I AM"

Tuesday, January 30, 2007

Mas Masakit Ini Tiya Dely

Naisip-isip ko sa nakaraang sinulat ko, naawa pa ako sa mga lolo at lola ko sa sitwasyon nila e mas masaklap pala sitwasyon ko sa kanila.

Heto ako magku-kwarenta na pero todo kayod pa rin. Wala pang serious vacation na napuntahan as in puro lamiyerda at relaxation talaga. Sila na-enjoy na nila buhay nila, narating na ang mga bansang gustong puntahan, nakain na ang masasarap na pagkain, nabili na ang gusto nilang bilhin without the guilt na baka super mahal sya. Stable na rin ang mga anak. In short, natikman na lahat ng luxuries in life...pinanganak na may pera at mamamatay ng may pera.

Pero ang sabi ko rin naman noon pa, di na baleng hindi ako humiga sa pera at hindi ko naman sya madadala pag ako'y namatay na, but still...iba pa rin pag meron ka kahit konti di ba? Kahit papano, panatag ang loob mo na, mawala ka man bigla bukas, okey ang mga anak mo. Hindi na nila kailangang maghugas pa ng puwet para lang makapag-aral sila. Hindi sila matataranta kung saan maghahagilap ng pera pambayad sa mga utang na naiwan. Hindi sila mag-aalala kung saan kukuha ng kakainin para bukas. Di ba yan ang gusto ng magulang para sa mga anak? Yung kung maaari, wag nilang maranasan ang hirap na naranasan mo noon, yung matikman nila ang komportableng buhay?

Pero sadyang mapaghamon ang buhay. Talagang sa bawat bagay na gawin mo para sa kanila kailangang may sakripisyong kakambal. Hindi lahat mangyayari ng ayon sa kagustuhan mo. Minsan kahit anong effort ang gawin mo na maging smooth ang biyahe ng buhay, lagi pa ring may lubak sa iyong dadaanan. Parte nga siguro ng buhay yang mga lubak na yan. Nandyan sila para pag inaantok na tayo sa biyahe e magising tayo para ituloy ang laban. Sabagay wala namang taong walang problema ke super duper yaman ka pa. Di naman sagot ang pera sa lahat ng problema oldo minsan, nakakagaan sya.

Ako, makaraos lang sa pang araw-araw na takbo ng buhay e okey na. Lahat ng bills nababayaran, mas okey at kahit pano yung mabili yung gusto ko (luho ha?) na hindi nagkukwenta kung maiipit ang pampadala sa pinas de okey na okey!!!

Pwera biro, ang gusto ko lang talaga maayos ang pamilya ko. Hindi yung materyal na bagay kundi sa kalusugan ba. Sana wala silang sakit, yung malalakas ang katawan. Kahirap kasi nung problema na pera may mga sakit pa, di ba killjoy?

Tulad ngayon, matapos ang maraming tests sa asawa ko, ending may Celiac Disease pala. Incurable din diet ang sagot. Kailangang walang wheat, rye, barley at kung anu-ano pang ngayon ko lang narinig yung iba. pareho na sila ng bunso ko na kailangang may strict diet na sinusunod.

Ano ngayon ang mas masaklap?

Monday, January 22, 2007

Napakasakit Kuya Eddie

Kanina pa ako nakaharap sa laptop at nag-iisip ng maikukwento. Hindi naman ako makaisip kasi wan handred tayms ng tumawag itong alaga ko at panay ang hingi ng inumin. Sobra namang uhaw ang inabot ni lola! Balde-baldeng tubig na nainom e di pa rin matighaw ang uhaw. At siyempre pag panay ang danom de panay din ang banyo, ay sus! Sulet na sulet ang bayad.

Nandito ako sa trabaho ngayon. Pasado alas-diyes na ng gabi. Nakakainip! Bukas pa uwi ko mga alas-siyete ng umaga kaya, naisip ko bitbitin itong laptop at ng may mabutingting. Nag-sign in nga ako sa YM baka sakaling may naka-online ng mga amiga't amigo de solve-solve sana ako sa chat kaso wala. Nakatago lahat.

Ang alaga ko sa gabi ay mag-asawa. Yung matandang lalaki nag-uumpisa ng maging malilimutin. Retiradong doktor-OB-Gyne. Yung matandang babae ewan ko kung ano sya dati pero hindi na sya makabangon at makalakad mag-isa. Naaksidente kaya ayun nasa kama na lang maghapon. May pera sila pero sa punto ng buhay nilang ito, ang silbi na lang ng pera sa kanila e para pambayad sa mga nag-aalaga sa kanila. Sawa na nga si Dok e. Gusto ng sumurender. Nakakaawa sila, sa totoo lang.

True na true yung three stages of life e...TEENS- you have all the time and energy but no money...WORKERS- you have the money and energy but no time at OLDIES- you have the time and money but no more energy.

Kasaklap ano?

Monday, January 08, 2007

Michael V. Bubble G Antology - Wag na wag

michael V you rock!!! Di nyo lang alam, ako bakla rin...babaeng bakla!
NARDA by Kayokasieh

Wat's hapening to the world na? Puro kabaklaan na no? Pero enjoy ako pwamis!
Wag N'yo Kaming Pansinin

Dedicated to Manay Ann....
Hindi Ako Bakla

Medyo magpalamig muna tayo. Masyadong tensyunado at seryoso ang mundo kaya tawa muna...enjoy!

Thoughts of Suicide?

Siya'y isang magulang na handang gawin lahat para sa mga anak. Kumakayod gabi't araw para mabigyan sila ng maalwan na pamumuhay. Kahit puyat at pagod kinakaya nyang tugunan lahat ng pangangailangan ng mga anak. Hindi sya nagrereklamo dahil masaya sya sa ginagawa nya. Kumpleto na ang pamilya, wala na syang mahihiling pa.

Akala nya ayos ang lahat. Bukas ang komunikasyon nya sa kanyang asawa't mga anak. Lahat inaaalam nya para masolusyunan agad ang anumang problema na mag-uumpisa pa lang. Akala nya lahat ay natutugunan nya, hindi pala.

Bakit may isa sa anak nya na nag-iisip na kunin ang sariling buhay? Naguguluhan sya! Saan pa ba sya nagkulang? O baka naman sumosobra? Nasasakal ba ang anak sa atensyong binibigay nilang mag-asawa? Hindi sya makapaniwala sa nabasa nya. Isang malaking BAKIT ang tanong nya sa sarili nya.

Kinausap nya ang anak. Pilit inaalam ang dahilan pero wala syang nakuhang kasagutan. Kaya sinabi nya sa sarili nya na kung ganon din lang, para ano pa ang mabuhay? Lahat ng ginagawa nilang magulang ay para sa mga anak pero ba't tila yata binabalewala ng anak? Para ano pa? De magsama-sama na sila. Yan ang naglalaro sa isip nya.

Monday, December 25, 2006

Ikalawang Yugto






Sabi ng mga anak ko, di raw nila ma-feel ang pasko dito. Oo't maraming christmas lights, maraming regalo at pagkain pero may kulang pa rin. Sabi ko naman, maaaring nami-miss lang nila ang mga kamag-anak namin sa Pinas at saka dito kasi tahimik ang selebrasyon. Hindi tulad sa atin na magulo, maingay, masaya. Kahit ano lang ang nasa hapag kainan basta't may kwentuhan, biruan at kantiyawan solve-solve na.

Pansin ko lang parang lahat de-numero, in order, predictable, by schedule. Kahirap! Mas okey sana kung paminsan-minsan ay labas sa pangkaraniwan.

Tulad na lang nung nagpunta kami kina lola. First step, sa apartment nya, bukas ng mga regalo, kwento ng konti tapos alis na diretso sa lugar na pagkakainan. Kwento uli ng kahit ano, order ng pagkain at habang naghihintay ng tsibog, ikot ang mata sa paligid, ngiti, say hi & hello. Heto na pagkain, kainan na. Pagkatapos, uwian na. Ganon lang walang torya...malungkot...

Iba pa rin talaga sa atin...kailan kaya makauwi?

Saturday, December 23, 2006

Christmas...The American Way











Pumasyal kami kay Lola Mary nung Huwebes. Inimbita kami for dinner. Nakakahiya namang tanggihan at ilang araw ng tumatawag sa akin para makita daw nya ang mga bata. Hindi naman sa ayaw ko syang makita, talagang busy lang sa trabaho. Kaya nung magkaroon ng pagkakataon, sumige na kami.

Tuwang-tuwa sya. Ganon din si Kyle. Namiss nya rin ang kanyang lolang hilaw. Namiss nya rin yung bahay kung saan ilang taon din syang tumira. Pagkatapos ng bukasan ng mga regalo at basahan ng cards, pumunta na kami sa restaurant.

Okey na rin at least napagbigyan ko si Lola at na celebrate pa namin ang birthday ni Kristine. Thirteen years old na sya at ang hininging gift alam nyo kung ano? Pa-wax ko raw kilay nya! Pinagbigyan naman namin at ending hindi rin nya yata gusto. Sabi ko nga bata pa sya sa ganon. Pinasubok ko lang naman para matigil ng kakaungot.

Teka lang, papasok na pala ako....tuloy ko na lang bukas ha? More pix coming up!

Wednesday, December 13, 2006

Eto Yung Now...


Heto na sya ngayon. Four years & 5 months old at sa awa ng Diyos, wala pa kaming trip sa emergency room tungkol sa diabetes. Hirap lang kaming mag-asawang i-control ang sugar nya. From 6.9 to 7.1 to 7.7 and now 8.1 ang HbA1c nya e ang level dapat e from 7.00 to 8.5.

At kanina galing sya ng ospital para naman sa allergy testing. Dust mites ang nagti-trigger ng attacks nya kaya heto kailangan madalas mag-vacuum at ang mga beddings kailangang palitan lagi at labhan sa mainit na tubig at least once a week.

Makatagpo sana ng maalagang mapapangasawa itong si Kyle....

Kyle- Then & Now


Taken three months before he was diagnosed with juvenile diabetes....February 24,2004.