Nandito ako ngayon sa bahay at day-off ko. Walang magawa kundi matulog, mahiga, kumain at tumunganga. First day of Spring, pagkagising ko kaninang umaga, bumulaga sa akin...snow! What the #@%&! Akala ko graduate na kami sa yelo, may pahabol pa pala. Kaya siguro lalo akong tinamad.
Sa katutulog ko yata heto at masakit ang ulo ko. Buti nga at si Bunso ko hindi nangungulit na lumabas. Kuntento nang naglalaro ng kanyang train. Awa nga ako kasi naririnig ko sya sa ibaba, nagsasalita mag-isa. Ngayon naman heto sa tabi ko at naglalaro ng video games habang ako e nasa harap ng computer.
Nangyari na ba sa inyo yung parang may gusto kang kainin pero di mo matanto kung ano? May gusto kang gawin kaso pag uumpisahan mo na tatamarin ka na? Hindi naman ako "jontis" at malabo ng mangyari yun no? Kahit anong sirko ni Fafa e wala na, putol na.
Speaking of Fafa, kawawa nga e. Wala ng day-off. Puro kayod. Bukod kasi sa fulltime job nya, nag-apply pa syang CNA, kaya sa araw na off nya sa regular job nya, pasok naman sya sa isa. Nakakatawa nga kasi dun sya naka-assign ngayon sa Lola dear namin. Ang ganda lang, ngayon ang hourly rate na nya e $ 12 -$14 kumpara noon na $7.50. Katulad kahapon, duty nya 3 to 11pm na na-extend hanggang 7 the next morning. Pag-uwi nya, kain lang, tulog tapos pasok uli ng 3 pm hanggang 11 uli. Tumawag uli sa kanya yung office at tinanong sya kung gusto nya uli ng diretsong duty kaso mahirap na, may pasok pa sya bukas.
Kaya ko lang naikwento 'to kasi parang hindi rin sulit kahit pa maganda ang kita ng nado-double job. Hindi na kami nagkakausap. Hindi na rin kami matagal ng magkasama tapos palagi syang pagod. Sabagay, kailangang gawin. Kailangang magsakripisyo. Kailangang samantalahin habang kaya pa ng katawan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kadalasan ang buhay talaga, unfair din. Sa puntong heto, nagsisikap ka pero parang may kung anong pilit na pinahihirap lahat para sa iyo. Bakit sa iba parang madali lahat sa kanila? Na nasa kanila lahat? Bakit sa amin pa na mahirap nangyayari ito? Bakit hindi pa sa mga maykaya o super yaman na kayang sustentuhan ang lahat? Kami pa na mahirap ang may anak na may mabigat na sakit? Hindi pa sa kanila na kayang-kayang umupa ng private nurse 24/7?
Hay naku! Heto na naman ako. Praning na naman. Kaya ayokong nag-iisip ng problema kasi kung anu-anong "nega" ang pumapasok sa isip ko na ending e self-pity na. Kailangang huminto na ako at ipagpasa Diyos na lang lahat. Sino ba nagsabing madali ang buhay? Pinakamagandang gawin ko, maglaba at maglinis de may katuturan pa....
To quote from Desiderata..."Do not compare yourself with others..for always there will be greater and lesser person than yourself."
Hayan, matauhan ka promdi!
Tuesday, March 21, 2006
Tuesday, March 07, 2006
Buhay pa ako...
Halu mga kapitbahay! Pasensya na kayo at hindi ako nakakapag-online lately.Medyo may problem kasi sa trabaho e. Sa ospital ako nagdu-duty ngayon kasi naka-confine ang lola dear ko ( read:boss) nun pang Huwebes. She fell and she's in so much pain. Ang isa sa pinagpapasalamat ko e hindi sa shift ko nangyari yun.
Tayong mga pinoy, pag nangamuhan, talagang nagke-care tayo sa alaga natin. Hindi lang pera...
Sana gumaling na si Lola...
Babu muna ako mga guys...regards to everyone!

Saturday, February 11, 2006
Lab Story ng Promdi...
Hinahanapan na ako ni Mommy Lei ng update kaya heto...Nawiwili kasi ako sa pangangapitbahay sa mga bahay-bahay nyo e. Eniwey, heto ang aking love story (kung may intresado). Tribyut kay elabs...
Taong 1984 nung magkakilala kami ni Robert, ang edad ko ay mangasim-ngasim na disi-siyete. Taga Novaliches sya at ako'y Nueva Ecija. Sa lamay kami ng patay nagkita. Sa libing, dun sya lumapit sa akin at nagpakilala at makaraan ang isang buwan, dumalaw uli sya sa probinsya namin para maningalang-pugad. Kaso, turn-off ako sa style ng panliligaw dahil sa tabing kalsada dun nag-umpisang dumiga ng dumiga. Gusto ko ng tadyakan sa ngala-ngala! Panay ang "i love you todo-todo,walang break, walang preno, sagutin mo na ako please?".
Kinagabihan, umakyat ng ligaw sa bahay namin. Alas-dose na ng gabi ayaw pang umuwe, umuulan pa naman. Sa loob-loob ko "dito pa yata balak mag-almusal nito". Nadaan ako sa kulit kaya pinawalan ko na rin ang aking matamis na yes. Sa isip ko, may edad sa akin (9 yirs ang pagitan namin), may trabaho (okey ako sa regalo), malayo (hindi ako makukulit at madalang kong makikita) kaya pwede na, praktisan kumbaga.
Unang dalaw sa akin bilang boypren, aba! may bitbit! Hindi ako nagpahalata pero curious ako sa pasalubong. NAKALATA...aba, pangangatawanan yata yung pangako na "aalagaan" ako! Gatas pa yata yung dala, ano kaya Nido o Bear Brand? Nung inabot sa akin, teka lang ba't mabigat? Baka naman inuyat? Alam nyo ba sabi pagkaabot sa akin?
"Nagdala ako ng alkitran, paakyatin mo yung mga kapatid mong lalaki sa bubong nyo at puro butas. Kahit saan ako pumuwesto, nababasa ako ng ulan". Anak ng teteng! San ka naman nakakita ng nagregalo e aspalto pa? Dismayado ako pero nagtenk yun na rin, sabay bulong ng "ipakain ko sa iyo to e nakita mo."
Sumunod na dalaw, may LATA na namang bitbit. Kuwadrado naman ngayon kaya naisip ko eto na siguro yung biskwit. Skyflakes kaya o Fita? Putsa! nung iabot sa akin, muntik ko ng maibagsak sa paa nya sa bigat! Ano kaya ito?Bato? Pag ito bato, sa kanya ko lahat ipupukol!
Heto sabi nya habang hindi ako magkandadala sa bigat:"Mga barya yan, mabigat sa bulsa e kaya inipon ko, sya pang pasahe mo." In fairness, wala namang mamiso, puro tig-dodos at limang piso...
Kinalipatang buwan heto naman, may dala naman. Medyo hindi na ako ganon ka-excited. Dis taym, ang dala nasa plastic container. Isip ako ng isip, masyado naman kakong malaki kung cologne. I hold my breath habang sinasabi nya kung ano yung dala nya..."Nagdala ako ng panlinis ng kubeta, napansin ko kasi medyo marumi yung kubeta nyo." Anak ng syongoy, oo! Sabunutan ko na kaya ito para lalong makalbo!
Sumunod na dalaw na may bitbit, halos di ko na tingnan at asar na ako talaga. Hindi mga ganon ang inaasahan kong pasalubong no? Hindi ko naman masabi yung gusto ko at dyahe rin naman. Nasa plastic container na naman, kaya sinabi ko na, marami pa yung panlinis na dala nya nung una at malinis na yung kubeta namin. Sagot sa akin, hindi naman daw panlinis ng kubeta ang dala nya kundi pang spray sa lamok. Masyado raw malamok sa amin, kinakagat sya... Alam nyo ba, natapos ang araw na yun na hindi ko na kinausap at sobra mapakapanlait ang kolog...
Ilang dalaw pa yun na puro ganon.Nandyang magdala ng doormat at ng hindi daw tuluy-tuloy ang tsinelas ng pumapasok sa bahay, achuchu-achuchu. At ang finale, pantalon na! Kulay puti. Para raw sa akin kasi binili raw nya para sa kanya e maliit kaya akin na lang...sey nyo? Lahat ng bigay nya sa akin, sa kanya ang benepisyo. Kasarap kalabugin sa noo!
Hindi na ako nakatiis, nagreklamo na ako. Sinabi ko sa kanya na hindi man lang ba nya ako bibigyan ng bulaklak o tsokolate. Ganon ang gusto ko kako ayoko ng kung anu-ano, para kako syang bumbay. Ganon raw sya kase, praktikal pero nangako na pagbalik nya may dala na syang bulaklak at tsokolate. Sasadyain nya pa raw sa Baguio. How sweet!
Eto na ang pinakahihintay-hintay kong araw ng pagdalaw nya. Ang pagbabalik galing Baguio...Umeentra pa lang sa gate namin, nakatanaw na ako. Hinahanap ng mga mata ko ang mga rosas, wala!? Nakalimutan yata..Pag ito pumalpak sa pangako nya, bebreykin ko na ito! Maya-maya, inilapag ang duffel bag na dala nya. Binuksan ang zipper at unti-unting inilabas ang bulaklak....pigil ko na naman ang hininga ko....nakupo! Muntik na akong himatayin...bumantad sa mata ko ang mga kulay pink na rosas, na nakabalot sa plastic at nakasaksak sa vase na kahoy na may nakasulat pang "Baguio City" .....
Ang bulaklak?.... Peke! Plastic! Di tunay! Walang pagkalanta ....Tulad daw ng pag-ibig nya na walang kamatayan....At ang tsokolate?... Goya....Nagoya ako..
Di naman ako nadala. Ending, kami rin. Ikinasal kami, January 2 & May 5,1990. May tatlo na kaming anak ngayon at still going strong pa rin naman...Pero si Mister ko, wala pa ring kupas. Ang regalo sa akin nitong nakaraang Valentine's Day?
Isang sariwang pink na rosas...nung tanungin ko ba't iisa, alam nyo sagot? Mahal e.....tulad ng feelings ko towards you.....nabola na naman ako.....

Monday, January 16, 2006
Round and Round it goes...
Nung una akong nagtrabaho bilang caregiver sa California, natuwa ako kahit papano kasi puro mga kapwa ko pinoy ang mga kasama ko at pati na amo ko. Pero di nagtagal, nainis na ako kasi talagang may mga taong may talangka sa ulo. Nag-umpisa na ang intriga, tsismis, kampihan at sipsipan. Kaya nasabi ko sa sarili ko, na hahanap kaming mag-asawa ng trabaho na ganito rin pero kung maari e mga kano na ang kasama namin dahil akala ko, iwas intriga at tsismis. Naku! laking pagkakamali ko... ngayon ko narealized na ma-kano, ma-pinoy nandun yung nature na yun kaya sabi ko nga wala sa kung anong lahi ka o saan ka galing "it's human nature" na mainggit sa kapwa. Nasabi ko ito kasi yung mga ugaling iniwasan ko sa California e yun din pala ang babagsakan ko dito. Sa umpisa, okey ang working relationships namin ng kasama kong puti dito pero habang nagtatagal, mapapansin mo na akala mo nagke-care sila sa iyo pero hindi pala at kapakanan lang din nila ang iniisip nila. Mahilig din sila sa tsismis at sa pagtira pag nakatalikod ka. Siguro iniisip nyo, baka nasa akin ang problema. I beg to disagree. Hindi ko ugali ang sumipsip at tumakbo sa amo pag may nakitang palpak sa isang katrabaho, kalahi man o hindi. Tahimik ako, pag may iniutos, oo ako hangga't makakaya ko. Sa sobrang pakikisama, kahit hindi ko trabaho ginagawa ko makatulong lang ako, na yung pagtulong na yun, hindi nakakarating sa amo, sa akin na lang. Ang hirap sa mga puti, pag may inutos na beyond their job descriptions e ayaw nilang gawin, sa ating pinoy okey lang lalo't hindi naman mahirap, eksampol: natanggal ang butones sa palda ni lola dear, nakiusap na kung pwede pakitahi ko, so okey, tahi naman kahit di ko alam manahi. eto na ang mga bulong: "why did you do it? pretty soon it will be in your job description, don't allow them to do that to you blah,blah, blah..kaya di nagtagal tinatanggihan ko na pag may pinatatahi sa akin the reason for that is eto: Oh great! does that mean I have to do it too?" Pakiramdam mo non, super sepsep ka na. So kawawang matanda, magtiis ka pag nawalan ng isang butones ang iyong palda. heto pa sampol: bertdey ni lola, e gustung-gustong nagbababad ng paa sa palanggana dahil madalas masakit ang mga daliri, na per advised din nila e i-soak daw ang feet sa warm water at epsom salt. Nasabi ko na titingin ako ng sale na foot spa, yung maliit lang pero may iba-ibang setting ng pangmasahe? yun kako ang gift namin sa kanya. Heto ang banat ni kana:"That's too expensive, she's a millionaire. Why do you have to buy it for her?" And besides that means more work for you...and me." So hindi ako bumili at damay daw sya sa trabaho. Kinabukasan, heto, dyaran!!! may dalang foot spa ang kana! o sey mo di ba? Kainis ano? Ngisi na lang kaming mag-asawa.
Kaya ko nabanggit ito kasi magkakaroon ng changes dito sa schedule ng trabaho namin. Nakikiusap ako na kung pwede e maging per hour din sana ang rate ko tulad nila. Dalawa kasi yung kasama ko rito yung isa mas senior na sa amin tawagin nating mayordoma. Yung isa si Kulasa. Nailakad ni Mayordoma na mataasan si Kulasa pero pagdating sa akin, e sigurado raw di papayag ang amo dahil magti-triple ang kita ko. Isiping mong katwiran yan, kainis di ba? Ako 84 hours a week ang trabaho ko, si Kulasa, 48 at si Mayordoma, 36 hours. Ako pa lahat pag weekend at ayaw daw nilang magtrabaho ng weekend. Ako pinakamaraming oras ng trabaho pero sa sahod ako pinakamaliit. Sabi pa ni Mayordoma, kailangan daw pantay-pantay ng trabaho lahat maglilinis. Pumiyok na ako kasi di na yata tama yun no? Kaya sabi ko, "don't expect too much from me". "Why? because you have a baby?" Banat ni Mayordoma. Nakakapikon minsan pero kailangang magtiis para sa mga anak. Alam kasi nila na wala akong magagawa kung ano man ang ibato nila sa akin kasi nga sa lagay namin, na may anak na may diabetes, kakukuha ng bagong bahay, di pa bayad yung kotseng hinuhulugan tapos darating pa yung dalawa kong anak dito, kaya alam nila di ako bibitiw. Sabagay, okey lang. May katapusan din lahat ito. Sabi nga ang buhay parang gulong lang yan, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Ang lagay ko ngayon e nasa ilalim, nalubak pa yata....help!!!!

Sunday, January 08, 2006
New year, new beginning...
Bagong taon, bagong pakikipagsapalaran. Sa mga nangyayari sa buhay naming mag-asawa particularly sa mga anak namin, nagdesisyon kami na isa sa amin e lumabas na dito sa trabaho namin at humanap ng iba. Yung regular at pangmatagalang trabaho, yung may health insurance. Napakahirap pag wala ka nito sa tate, mamumulubi ka talaga. Ang survival mo lang non e from paycheck to paycheck na mahirap para sa min dahil may tatlo kaming anak at may mga health issues pa. Kaya nitong mga huling araw, sumubok umaplay ang asawa ko at awa ng Diyos at sa tulong ng mababait na "kapitbahay", natanggap sya. Mag-uumpisa na sya sa katapusan ng buwan. Mas lumiit ang sahod nya pero mas mabuti na yun kasi nga may job security na, hindi tulad dito. May edad na kasi itong alaga namin, kumbaga, any moment pwedeng mag-expire (wag naman). Dito pa rin ako sa lola dear ko bilang tanaw na rin ng utang ng loob sa kanila kasi sila ang tumulong sa amin na maging "legal" dito sa lupa ni Uncle Sam. Hindi ko lang alam kung papayag sila na 12 hours na lang ako magtatrabaho di tulad ng dati na 24 hours at hindi ko rin alam kung papayag na maging per hour ang rate ko. Bahala na. Sabi ko nga kahit anong itapon sa akin, tatanggapin ko. Hindi pa kasi ako sanay mag-drive at maliit pa itong bunso ko kaya di pa pwedeng umiba ng trabaho, ika nga. Yung makauwi lang ako everyday sa bahay ay magandang bonus na sa akin. Kailangan kasi, lalo at parating na rito yung dalawang anak ko. Kailangan may isa palagi na kasama nila sa bahay. Medyo nagsasawa na rin kasi ako sa trabahong live-in ika nga. Grabe ang stress! Okey rin sana kasi magkasama kaming mag-asawa araw-araw, gabi-gabi, 24/7 at maganda ang kita, kaso nga pano kung bigla na lang isang umaga e wala na pala kaming trabaho? Mahirap mabakante dito. Pag di mo pinaghandaan ang bukas, yari ka. Yung pinaghirapan mong magandang credit history, sa wala mapupunta. Kaya sa ngayon, ipon-ipon, bayad-bayad bills at ng walang sakit ng ulo...paghahanda sa New year....
Monday, January 02, 2006
Thy will be done....
nakaraan ang pasko at bagong taon ng ganon lang. hirap talaga pag nasa ibang bansa ka, yung mga special occassions e hindi na "special" kasi trabaho pa rin tapos malayo pa sa mga mahal sa buhay...kahirap.anibersaryo naming mag-asawa ngayon, 16 years na kaming "nagtitiis" sa isa't isa...joke! ganito na pala kami katagal na kasal, kung iisipin mo parang kailan lang. tulad nito, special occassion, dapat may celebration, kaso komo malayo kami sa dalawang anak naming babae at heto nagtatrabaho, parang wala rin.
minsan gusto ko ng magsawa sa set-up ng buhay ko.parang gusto ko, nasa bahay na lang at inaalagaan ang mga anak ko kaso hindi pwede.kailangang kumayod lalo pa at kakukuha lang namin ng townhouse at parating na rin yung mga anak na nasa pilipinas.minsan maiisip ko na lang na unfair ang buhay. hindi ko naman hinihiling na mangyari sa kapwa ko pero hindi ko maiwasang isipin na bakit sa amin nangyayari lahat ng problema. yung anak kong bunso may diabetes, three years old na sya pero nung ma-diagnosed e 2 years 8 months.lifetime na injections at pag-prick ng fingers, masakit yun a! nakakaawa nga e.sa umaga hindi pwedeng mag-sleep in at ang pinaka mahirap pa, pag gustong kumain, pinipigil namin, pag ayaw kumain, pipilitin naman. yung anak kong panganay, 14 years old, may scoliosis naman.mag-wa-one year na syang nagsusuot ng brace, mga 3 years pa raw.kailangan nyang suot yun 23 hours a day, aalisin lang kung maliligo.pati sa pagtulog suot nya kaya kung ikaw ang magulang, makita mo lang na natutulog yung bata ng mukang hirap na hirap sa brace nya at ni hindi makabaluktot sa tulog e talagang parang pinipiga ang puso mo. and speaking of puso, recently, nalaman namin na may problem din sa puso. may panahon kasing hirap syang huminga at parang hingal na hingal, tapos palaging pagod ang pakiramdam.pina-ecg namin wala namang nakita ang doktor kaso tuloy pa rin yung nararamdaman nya kaya nagdesisyon kaming kumuha ng referral para mapa 2D Echo sya at yun nga, may butas sa wall na nagse-separate sa right & left ventricle nya. in short meron syang Ventricular Septal Defect. maliit naman daw yung hole kaya hindi kailangan ng surgery pero nag-aalala pa rin kami kasi puso yun at may nararamdaman sya dahil dun.ginoogle ko nga e kaso sumakit lang ang dibdib ko sa mga nababasa ko kaya hinintuan ko na. mabuti nga at yung anak kong babae(gitna) e gumaling na sa sakit nya. pero noon palagi sya ang may sakit.nagka-H fever, may primary complex (baga) two years naggamot at medyo anemic. minsan tuloy naiisip ko, siguro kaya niloob ng Diyos na mapunta kami rito sa amerika na mag-asawa para makapaghanda kami sa mga darating na bagyo sa buhay namin, financially. noon pa pangarap ko talagang mapunta rito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bata, yun lang, kaso biglang nagsulputan itong mga health problems.minsan nga tuloy naiisip ko baka kung nakuntento na lang ako sa pilipinas at hindi ko sila iniwan, siguro hindi sila magkakasakit,baka kako ito yung kapalit ng pagiging "ambisyosa" ko. pero tama bang mangyari sa akin ito?lahat naman ng pinlano ko at pinangarap ko hindi para sa akin, para sa mga anak ko, sa pamilya namin at sa magulang at mga kapatid. hindi naman ako selfish, hindi ako maramot....hay naku, hayaan ko na nga lang.ipagpapasa Diyos ko na lang lahat-lahat.Sya ang tanging may alam kung ano ang para sa kinabukasan, wala akong karapatang magreklamo (minsan lang , kasi tao lang naman ako) at lalong wala akong karapatang kuwestyunin ang mga nangyayari sa buhay ko. sabi nga "everything happens for a reason"....Lord, Thy will be done....

Saturday, October 15, 2005
americanized?
medyo matagal din akong hindi nakapag-post dito sa blog ko.marami kasing nangyari e at maraming pinagkakaabalahan.
una, nagkaroon kami ng gap ng kapatid ko.away-kapatid lang naman at thru text pero nagkapalitan kami ng medyo hindi magandang salita...
mag-aanim na taon na kami rito sa amerika ng asawa ko at sa mag-aanim na taon na yun , minsan lang kami nakauwi ng pilipinas para dalawin ang dalawa pa naming anak na babae,ito e nung april.bakit kanyo minsan lang?kasi march lang naapruban ang greencard namin,kaya naturally, fly home agad kami kesehodang maraming bills na dapat i-advance ang bayad at kesehodang walang kita ng dalawang buwan makita lang ang mga mahal sa buhay.nagpunta kami rito ng asawa ko para kahit papano mabigyan ng magandang buhay ang mga anak namin at kahit papano rin e makatulong sa mga kapatid lalo na sa mga magulang na nagtatandaan na at nagiging masasakitin na.kaya nga masakit para sa akin ang masabihan ng nagbago na ako at hindi na ako yung dating kapatid nila nung nasa pilipinas pa.masarap daw ang buhay ko rito..sa mga kabayan ko na nandito sa lupa ni uncle sam, masarap ba buhay natin dito?lalo na at nag-uumpisa ka palang magkaroon ng "identity' dito?hindi naman akong masamang kapatid.kada lalapit at nangangailangan, pinagbibigyan namin dahil nga feeling ko, kami sinuwerteng makapunta rito kaya para mai-share ang blessings sige, tulungan natin ang mga kapatid natin at magulang.sari-saring lapit--may bibili ng tricycle para mapagkakitaan (parang sa pelikulang milan ano?),may aabroad kailangan ng placement fee, may magpapakabit ng side car ng tricycle,may nangangailangan ng pasahe pa-abroad,manganganak, pataba sa bukid, pambili ng stereo sa kotse, nagkasakit nasa ospital walang pera, may mga namatay na kamag-anak, may naaksidente kailangan ng pampagawa ng sasakyan, etc, etc...masakit na ba ulo nyo? wala kaming inaasahang babalik dyan dahil saan nga kukuha ng pambayad?tapos masasabihan ka pang nagbago?siguro sa mga kabayan ko dito, umaabot din kayo sa point na "teka lang, utakan na ito a!".yun bang mararamdaman mo na parang wala naman ng inaasahan kundi ikaw.wala na silang maisip na paraan na iba.ganda pa nito, pag-uwi ko lahat ng inabutan ko sa pinas e naglalakihan ang mga katawan!ang tataba!hindi nga maiisip ng makakakita na ako yung galing sa abroad na dapat e "malusog".itabi ako sa kanila, ako si palito sa payat at ako si ai-ai sa haba ng baba.iyak nga sila nung makita ako at bakit naman daw ako'y payat?yan ang gagawin nating pagbabalik-tanaw sa mga susunod kong entries.yun mga hirap ko bilang caregiver at para masagot nyo rin yung tanong ko hindi lang para sa sarili ko kundi para sa lahat ng pinoy sa ibang bansa..naiimpluwensyahan nga ba tayo ng bansang pinaglilingkuran natin na maging dahilan ng "unconciously" e magbago tayo?at kung nagbago nga tayo,did it make us a better person or not?or nagising lang tayo sa katotohanang some people are taking advantage of us?na hindi tayo namumulot ng pera sa ibang bansa kundi ibayong hirap muna bago mo kitain at kung ubusin naman sa pinas e parang tubig? ano sa palagay nyo?

Tuesday, September 20, 2005
if i could turn back time
nahohomesick pa rin ako paminsan-minsan.talaga sigurong hindi ito maiiwasan lalo't nasa pilipinas pa ang dalawa kong anak na babae.nadalaw namin sila nung april, nagstay dun ng dalawang buwan pero ang napakasakit na parte e yung iiwan namin uli sila. kung pwede lang talaga na isama na sila ginawa na namin kaso wala, no choice kundi iwan uli sila.inaalo ko na lang ang sarili ko na kailangan naming bumalik para mai-file na agad yung papel nila.yun na lang ang kunsuwelo ko.
nung makita ko sila na malalaki na, talagang naiyak ako.biro mo, lumaki ng ganon ang mga anak ko ng wala kami ng ama nila.marami na akong hindi alam sa kanila at minsan nagpapakiramdaman na lang kami.sabi nga ng panganay ko sa akin, parang hindi daw ako yung mama nya.natakot ako kasi baka lumayo na ang loob nya sa akin.si bunso ko naman, sweet pa rin.nung iniwan namin yun e kinder ngayon grade 6 nung magkita kami uli.marami ng okasyon sa buhay nila na hindi kami kasama.nakakalungkot...pagpunta nila dito, babawi kami ng papa nila.aalagaan namin sila ng mabuti...
galing kami ng mister ko kanina sa dmv at kumuha ako ng written test para makakuha na ako ng permit.nakapasa naman kaya umpisa na ng aral ng maneho.obligado ka kasing matuto dito hindi para sa magpasosyal kundi necessity talaga rito na marunong kang mag-drive lalo't nagtatrabaho kayong mag-asawa, lalo pa nga ngayon kasi baka itong si abay ko e matanggap na dun sa inaaplayan nya.tinawagan na kasi sya ng final interview last friday at malalaman daw ang resulta in two weeks.maganda naman daw ang outcome ng interview kaya sana nga.
naiinip na ako sa paglipat namin ng bahay sa october 26.sabik na akong magdecorate at mamili ng mga gamit,pero ihihintay ko sa mga anak ko yung talagang pagdedekorasyon.sabi ko sa kanila pag andito na sila e kami ang magsho-shopping at magdedecorate. magbo-bonding kami ng husto na hindi namin nagawa nung nasa pilipinas kami...nalulungkot nga ako kasi hindi ko na maibabalik yung panahon na maliliit pa sila, na sa iyo lang umiikot ang mundo nila.ngayon kasi malalaki na sila at may sarili na rin desisyon, may ayaw at gusto na.yung bunso ko ngang babae, may crush na at yung dalagita ko e may nanliligaw na...ito yung aspect ng desisyon namin na umabroad na pinanghihinayangan ko, wala na yung kamusmusan nila..hay naku, if i could turn back time, yun ang babalikan ko....

Tuesday, September 13, 2005
life goes on!
katagal ko na palang hindi nakakapaglagay ng entry dito sa blog ko,marami kasing inaasikaso e.nakipag-closed na kami ng deal sa townhouse na kukunin namin last sunday kaya yung closing/possession date namin e sa october 26.nakakatuwa rin kasi nag-umpisa kami rito na "non-existent" halos kasi nga tnt kami tapos nagkapapel, ngayon nagdadrive na si mister dito sa jameyrika at ngayon nagpupundar na kami ng property.2 bedroom 1.5 bath muna ang kinuha namin kasi mahirap na baka biglang mawalan ng trabaho e pano na ang monthly payment di ba? matanda na kasi talaga itong alaga namin si mrs.gordon 92 na sya e,pero sana pagkalooban pa ng Panginoon ng konting haba pa ng buhay at maraming umaasa sa kanya.
marami rin palang paperworks ang paglo-loan dito pero yung buong process e mabilis din.nakakatawa pa nga kasi nag-email ako sa mga anak nitong amo namin at binabalitaan ko naman ng nangyayari sa amin.yung bunso, mayaman medyo humingi ako ng tulong sa kanya kasi may connection yun.ang aaplayan kasi naming loan sa banko e banko ng nanay nya at dati pa syang member ng board baka kako maayos agad,kaso mo wala, dinedma ang email ko.natakot yata at akala magpapabili ako ng bahay. kaya pag malaman non na okey na lahat ang deal e makakahinga na sya.kami naman feeling namin proud dahil we did it on our own.nasabi ko na rin sa mga anak ko ang tungkol dito at lalo silang na-excite na pumunta rito.hopefully next year makarating na sila dito.naisubmit na ng lawyer namin yung application namin sa immigration at natanggap na rin namin yung receipt notice advising us kung gaano katagal ang processing. si mister ko naman, tinawagan for interview a week ago sa banko.nag-aaply na kasi sya sa labas para ready kami ano man ang mangyari at isa pa, kailangan namin ng health insurance.madugo kasi pag wala ka nito dito.lalo't may diabetes pa naman itong bunso kong anak.naghihintay na lang uli si mister ko ng second and final interview nya, kaya sana loobin naman ng Panginoon ng maskedyul na at makapasa.nakakabawas din ng inip pag maraming nangyayari sa paligid mo at sa buhay mo.at least exciting gumising sa umaga dahil may mga bagay na hinihintay ka, in my case ito ngang bahay, trabaho at papel ng mga bata...and like i said, the wheel of life is continuously turning..life goes on....

Monday, August 01, 2005
No right to complain...
Nakalimutan ko palang sabihin na yung amo namin ang nagpetisyon sa amin at sya rin ang nagbayad lahat ng gastos.swerte nga kami e.biruin mo, bihira ang ganon ha?sabi ko nga sa kanya, napakagandang legacy itong ibinigay nya sa amin at yung mga magiging kaapu-apuhan ko e tatanawing utang na loob sa kanya ito.
Natanggap na rin namin yung mismong card namin.Habang tinititigan ko nga sabi ko sa asawa ko, akala ko tapos na ang struggle natin sa buhay pag nakuha na natin ito,akala ko tapos na problema.Nagkamali ako,kasi uumpisahan na rin namin yung papel ng mga anak ko, kailangan may bahay na silang matutuluyan, ang schools kailangang mapag-aralan din..dugtong-dugtong na problema.Sabagay, yan naman ang sarap ng mabuhay.Kasi pag wala ng problema,wala ng challenge, pag walang challenge wala ng fulfillment na mapi-feel sa mga accomplishments di ba?Buti nga kami may nangyayari sa buhay namin na something positive so I don't have the right to complain.We feel so blessed! and I can't thank and praise Him enough!
Truly God is good, God is Great!

Thursday, July 21, 2005
working our way to reach the american dream
nagtagal din kaming mag-asawa sa california.nakaisang taon ako at yung mister ko naman e naka-seven months.sa liit ng sahod namin dun, nag-isip kaming mag-asawa na umiba ng lugar dahil,wala, makukuba kami roon ng hindi makakaipon.willing nga kaming ipetisyon ng amo namin pero napakamahal naman ng babayaran, mga $8,000 ang aabutin.ang isa pa sa ikinatabang ko roon e bumakasyon yung amo namin sa australia at nanood ng olympics na hindi man lang nagpasabi sa umaasikaso ng papel namin kaya ayun, may kailangang pirmahan e wala sya.pag hindi daw napirmahan yun e back to step one ang papel ko pati priority date ko,mababago.walang nangyari dun kaya hindi na ako nagbayad ng $2oo kahit nalugi na ako ng mga $800(first downpayment).
may kumare ako na nagtatrabaho sa iowa.alaga nya e mag-asawa pero ang concentration e sa lalaki.hindi nya raw kaya, kaya kung interesado kami e subukan namin.nagpaalam kami sa amo namin na pupunta ng chicago.umalis kami dun ng december 25,2000 at nag-umpisa kami rito sa bagong trabaho ng december 26.nung makita namin yung matandang lalaki, akala namin e mamamatay na.talagang mahina,maputla at nakatunganga na lang.pinagtiyagaan naming mag-asawa na pakainin, bihisan at palakarin.sa awa at tulong ng Panginoong Diyos, lumakas naman at tumagal pa nga ng tatlong taon.he passed on january 06,2004 at age 91.dun ko rin narealized na ang yaman at talino e walang halaga pag haharap ka na sa Dakilang Lumikha.ang importante talaga e kung pano ka makisama sa kapwa at kung naging mabuti ka .mayaman itong amo namin pero sa panahon na maysakit sya, napakadalang ng kaibigan na dumalaw.pati nga mga anak,madalang ding dumalaw na hindi mo rin naman masisisi dahil mga abala sila sa paghahanap-buhay at sa sari-sarili nilang pamilya.pag may okasyon kami-kami lang...hindi talaga pwedeng maging sa iyo lahat ano?kami humiwalay sa mga anak dahil sa pera.sila may pera pero walang panahon ang mga anak nila sa kanila.talagang kumplikado ang buhay.
wala kaming masasabi sa amo namin ngayon.oo nga't minsan e talagang maubos-ubos ang pasensya mo pero dala lang siguro yon ng edad nya kasi 92 naman na.naglakas kami ng loob na magsabi sa housekeeper nila na illegal kami sa kagustuhan naming maayos din ang papel namin.pangarap din naming makuha ang mga anak namin dito at ng sa ganon e magkasama-sama naman kami.naintindihan naman nila ang sitwasyon namin kaya inasikaso ng anak nyang panganay ang pag-aayos ng papel namin.top-notch lawyer dito ang nag-handle ng papel namin.napakahabang proseso at napakaraming paperworks.bigla pang nagkaproblema nung nag- 911.medyo bumagal ang takbo ng papel halos isang taon na walang nangyayari.mga 2002 nung nabigyan kami ng work card at umaplay na kami ng ssn.tuwang-tuwa kaming mag-asawa kasi hindi na kami tnt!legal na kami!pakiramdam namin yung hirap na pinagdaanan namin e sulit na rin lahat...
siguro destiny/fate din kung bakit kami andito,biro mo, birthday ng nanay ko e june 1,itong amo kong babae e june 2? tapos yung tatay ko birthday e september 26 yung amo naming lalaki e september 25 naman?nakakatuwa ano?nung maliit ako pangarap ko talagang makarating dito, ngayon heto at natupad na, may papel pa kami ngayon!!!
Thank you, Lord!

Tuesday, July 19, 2005
work!work!!work!
ang naging amo ko sa california ay may anim na care home duon,mayaman sya, mabait din pero medyo alam mo na, mahigpit sa pera.maliit sya magpasahod at todo sa trabaho.tipid din sa pagkain.natutulog ako sa carpet sa living room ng mga carehome nya kasi walang lugar para sa caregiver.meron sa iba pero siyempre nakakahiya namang humiga sa kama ng caregiver na talagang dun naka-assign.reliever kasi ako.kalimitan, isang buwan na mahigit e wala pang day-off kasi kailangang mauna yung mga stay-in.ang problema pa dun, reliever lang ako pero yung major cleaning at pag-oorder ng supplies at gamot ng pasyente e sa akin pa laging bumagsak.minsan sa isang carehome, dalawang araw lang ako nagstay dun ha?take note,hindi ako nakaorder ng diaper e meron pa namang gagamitin yung pasyente, sukat na isumbong pa ako sa amo at ni hindi daw ako umorder.e sila nga ang nakatira dun dapat sila ang may responsibilidad sa mga ganon.komo tuwing aalis ako sa isang carehome e kumpleto ang supplies at gamot, iniexpect nila ako na ang regular na gumawa.mali yata yun.nakakatawa lang sa ating mga pinoy, talaga kayang nasa ugali na natin yung manghila ng kapwa pababa?lagi gustong malaman ang buhay ng may buhay,puro tsismis.may nakasama pa ako na pinagbintangan ako at isinumbong pa ako sa amo namin na nagnanakaw daw ako ng damit ng matatanda, ako raw ang umuubos ng pagkain sa carehome..dyus ko day, sa pagkain pa ako gawan ng intriga e pagkapayat-payat ko!kape nga lang sa umaga at bread end solve ako e.walang ng kainan ng almusal at tanghalian,once a day nga ako kumain.mahirap ako pero hindi ako magnanakaw.
isa siguro sa ikinakukulo ng loob ng kasama ko e kahit na lang papano yung amo ko e pinadadalhan ako ng saluyot, kangkong, sitaw at talong pag nanggaling sya ng farmer's market.mahilig kasi ako sa gulay na iluluto lang sa bagoong.ako binibigyan gawa ng sila e hindi raw kumakain non.kung naiinggit sila de humingi sila, di ba?pag binigyan naman ayaw.ang tatapang pa non na magsabi na ipapatapon ako.irereport daw ako sa immigration at ng mapauwi ako.natuto tuloy akong magtaray din kasi kung hindi ka lalaban, tatapakan ka e.sarili ko lang ang kakampi ko sa dayuhang bansa na ang umaaway naman sa akin e kapwa ko pinoy, de laban kung laban.nagulat nga asawa ko dahil after four months e sumunod sya sa akin.kapayat k raw, pumuti at lumiksi ang kilos.medyo pagong kasi ako nung nasa pinas e.nagtaka rin sya kung bakit ang daming galit sa akin.hindi ko rin alam.hindi ko naman ugali ang manipsip,ang sa akin trabaho kung trabaho dahil yun ang isinadya ko rito hindi makipag-away.ang hirap nga kasi, hirap na katawan mo sa trabaho, hirap pa loob dahil malayo sa mga anak tapos aawayin ka pa.napakahirap talaga.sana naging mayaman na lang ako at sa ganon hindi na ako lalayo sa mga mahal ko sa buhay.
malaking hirap ang naranasan naming mag-asawa dito sa lupa ni uncle sam.hindi ko na iisa-isahin kasi mapapagod lang ako uli.basta ang sa akin, lahat ng yun e may positibong epekto sa akin.mahirap na experience sa buhay pero pag tapos na at babalikan mo na lang uli e tipong matatanong mo ang sarili mo ng"nakaya ko yun?" at mapapangiti ka sabay buntong-hininga...at sabay usal ng dalangin:Salamat po, Diyos ko sa lahat ng patnubay at pag-iingat mo.Palagi Ka kasi sa tabi namin kaya nakaya namin ang lahat ng pagsubok sa buhay.Kaya nga nga ang lakas ng dating sa akin nung kantang footprints in the sand..lalo na sa ending na.."it was then that I carried you"...
hold on to your faith, brothers & sisters...

Friday, July 08, 2005
walang atrasan sa labanan
nandito na ako sa land of milk and honey.nakakataka pero hindi man lang ako ninerbyos nung palabas na ako ng airport at lumapit sa isang lalaki ng may hawak na bond paper at nakasulat dun ang pangalan ko.mukha naman kasing professional e at kasama yung bunsong anak.ipinakilala ko ang sarili ko at tiningnan nila ako pareho.usual pakilala atsusu..atsusu.tapos kumain kami sandali sa mcdo at hinatid na ako sa isa sa mga care home nila kung saan namahinga ako ng dalawang araw.nakilala ko yung stay-in caregiver dun na si ate"L".lima ang alaga nyang matatanda.
pagkagising ko nung umaga,silip ako sa bintana at pilit humahanap ng tao sa labas kaso wala.sa loob-loob ko,ano ba ito?ang lungkot-lungkot naman.at yun na,dun na nag-umpisa ang homesick ko.gusto ko ng makita ang asawa ko't mga anak.ilang araw akong hindi makakain puro iyak lang.buti na lang mabait si ate "L".sabi nya lakasan ko raw ang loob ko at kailangang labanan ang lungkot para sa mga anak.ikatlong araw ko roon, e sinundo na uli ako ng amo naming lalake, para officially e mag-start na ng trabaho....di ko akalain na mapapasubo pala ako,pero wala ng atrasan ito.

Wednesday, July 06, 2005
leaving on a jet plane
umalis ako ng pilipinas, january 10,2000.ilang araw bago ako umalis e hindi na ako makakain at sabi ng mister ko e hindi na rin makausap.ewan, pero siguro sa dahilang natatakot din ako, kasi first time kong sasakay ng eroplano, first time kong lalabas ng bansa at higit sa lahat, first time kong iiwan ang pamilya ko.kahirap talaga ng mahirap ano?kailangang lumayo pa sa kanila para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.at saka alam ko, na itong pag-alis ko na ito e taon ang bibilangin ko at balde-baldeng luha ang iluluha ko bago ko sila uli makita...kasi (secret lang natin ha?mag-ttnt ako e)...
hindi ako gaanong nakatulog nung nakasakay na ako sa eroplano.may uzi pa nga akong nakatabi e.ininterview ako kung immigrant ba ako,ako naman si engot,sabi ko, oo yung tatay ko ang nagpetisyon sa akin at nasa new york sya.ang maganda nung malapit na kami,nagpapamigay pala ang mga stewardess ng papel na pipil-apan mo at ipakikita sa port of entry.tinanong kami isa-isa kung immigrant o tourist, buko ako ni lola!nahiya tuloy ako..ayan kasi nagsinungaling.nung lumapag na ang eroplano sa san francisco airport, singhot ako ng hangin na pagkalalim-lalim,sabay pangako sa sarili na hindi ako babalik ng pilipinas hanggat wala akong "berde"...berdeng papel at berdeng pera...
naluha nga ako lalo na nung sinabi ng stewardess na maligayang pagdating at sa muli nyong pagsakay sa philippine airlines.sabi ko sa sarili ko,heto na...umpisa na ng pakikipaglaban sa lupang dayuhan....

Tuesday, July 05, 2005
buhay sa pinas
hay naku,hirap ng buhay sa pinas..alam ng lahat ng pinoy yan na nangarap umabroad,kaya nga sila umalis sa bayang sinilangan..yan din ang rason ko.
nag-asawa ako sa edad na 22.nakatapos naman ng pag-aaral at nagtatrabaho na kaya akala ko okey nang lumagay sa tahimik..nagkamali ako!magulo pala at kumplikadong buhay ang pinasok ko pero hindi naman nangangahulugan na nagsisisi ako.kung bigyan ako ng pangalawang buhay e si fafa ko pa rin ang pipiliin ko,kumbaga right love pero wrong ang timing ng pagpapakasal.eniwey,nandun na yun kaya tuloy ko na lang ang istorya ko..
nabilis ang kasal namin ni fafa hindi dahil sa jontis (buntis) ako kundi lilipad sya papuntang middle east.sa sobrang ganda ko yata,ayaw na akong pawalan kaya ayun pa-sm daw kami at baka me iba pa raw na bubuyog na sumamyo sa bango ko..so ako naman naniwala kaya go kami sa manila city hall at dun kami sinakal.. kaya ko sinabing sinakal kasi, ako pa ba naman ang nagbayad!wala sya raw datung!matuk mo yon?..kaso ang nangyari nabuko ng tatay ko kaya ayun abot hanggang langit ang galit at ang sabi sa mga namanhikan sa amin non e e gusto nya raw kasal para sa akin e yung tipong kakalembang lahat ng kampana sa probinsya namin,hanep ano? so ayun apat na buwan lang kinasal na kami sa simbahan,okey naman sya,oldo ang kumalembang lang e mga kaldero't plato at bamban ng tenga ko sa iyak ng mga lahi ko dahil mag-aalaga lang daw ako ng sakiting matanda (nung kasing gabi ng kasal namin e "itinakas"lang namin sya sa ospital)..ayun.tatlong buwan pa uli ang lumipas,umalis na sya papuntang middle east at ako naman naiwang dalawang buwang buntis.bumalik sya after almost two years na nagtrabaho dun.umuwi dahil nahomesick.umupa kami ng apartment tapos nag-loan sa kumpanya ko ng bahay,nasundan pa uli ang anak namin,gastos talaga bakit puro mga ceasarian pa naman.nung lumipat na kami sa bahay na pinagawa namin,dun na humirap ang buhay.siyempre dalawa na anak,mag-aaral pa yung panganay at ako lang nung panahon na yun ang may kita.tumagal pa naman ako sa kumpanya ko ng sampung taon pero talagang pursigido na akong umabroad dahil nararanasan na naming maglugaw.mahina naman ang kita ng asawa ko sa pagbebenta ng insurance.yun palang makita mong kumakain ng walang ulam ang mga anak mo at yung hindi mo mabili ang gusto nila e napakalakas na motivating factor para mangibang bansa.oldo,sumusubok din umaplay ng trabaho ang asawa ko,wala rin kasi medyo may edad na.so nag-quit ako sa trabaho ko,nilakad namin ang pasaporte ko,ni wala nga akong alam na pupuntahan,kasi feeling ko kahit giyera pupuntahan ko para lang mapakain ang pamilya ko,yun bang tipong kahit ipambala ako sa kanyon!kaso ang masakit naman,kalalaki ng placement fee na hinihingi.sabi ko nga kung may pera akong ganon kalaki e hindi ako aalis at iiwan ang mga maliliit kong anak.so,ang ginawa naming mag-asawa,pikit-mata at taimtim na dasal ang baon namin nung luminya kami sa us embassy...sa awa ng Diyos sa amin,binigyan kami ng visa,sabi ko sa sarili ko..."uncle sam,here i come!"... and so my journey begins....

Subscribe to:
Posts (Atom)