Tuesday, September 20, 2005

if i could turn back time

nahohomesick pa rin ako paminsan-minsan.talaga sigurong hindi ito maiiwasan lalo't nasa pilipinas pa ang dalawa kong anak na babae.nadalaw namin sila nung april, nagstay dun ng dalawang buwan pero ang napakasakit na parte e yung iiwan namin uli sila. kung pwede lang talaga na isama na sila ginawa na namin kaso wala, no choice kundi iwan uli sila.inaalo ko na lang ang sarili ko na kailangan naming bumalik para mai-file na agad yung papel nila.yun na lang ang kunsuwelo ko.

nung makita ko sila na malalaki na, talagang naiyak ako.biro mo, lumaki ng ganon ang mga anak ko ng wala kami ng ama nila.marami na akong hindi alam sa kanila at minsan nagpapakiramdaman na lang kami.sabi nga ng panganay ko sa akin, parang hindi daw ako yung mama nya.natakot ako kasi baka lumayo na ang loob nya sa akin.si bunso ko naman, sweet pa rin.nung iniwan namin yun e kinder ngayon grade 6 nung magkita kami uli.marami ng okasyon sa buhay nila na hindi kami kasama.nakakalungkot...pagpunta nila dito, babawi kami ng papa nila.aalagaan namin sila ng mabuti...

galing kami ng mister ko kanina sa dmv at kumuha ako ng written test para makakuha na ako ng permit.nakapasa naman kaya umpisa na ng aral ng maneho.obligado ka kasing matuto dito hindi para sa magpasosyal kundi necessity talaga rito na marunong kang mag-drive lalo't nagtatrabaho kayong mag-asawa, lalo pa nga ngayon kasi baka itong si abay ko e matanggap na dun sa inaaplayan nya.tinawagan na kasi sya ng final interview last friday at malalaman daw ang resulta in two weeks.maganda naman daw ang outcome ng interview kaya sana nga.

naiinip na ako sa paglipat namin ng bahay sa october 26.sabik na akong magdecorate at mamili ng mga gamit,pero ihihintay ko sa mga anak ko yung talagang pagdedekorasyon.sabi ko sa kanila pag andito na sila e kami ang magsho-shopping at magdedecorate. magbo-bonding kami ng husto na hindi namin nagawa nung nasa pilipinas kami...nalulungkot nga ako kasi hindi ko na maibabalik yung panahon na maliliit pa sila, na sa iyo lang umiikot ang mundo nila.ngayon kasi malalaki na sila at may sarili na rin desisyon, may ayaw at gusto na.yung bunso ko ngang babae, may crush na at yung dalagita ko e may nanliligaw na...ito yung aspect ng desisyon namin na umabroad na pinanghihinayangan ko, wala na yung kamusmusan nila..hay naku, if i could turn back time, yun ang babalikan ko....

Tuesday, September 13, 2005

life goes on!

katagal ko na palang hindi nakakapaglagay ng entry dito sa blog ko,marami kasing inaasikaso e.nakipag-closed na kami ng deal sa townhouse na kukunin namin last sunday kaya yung closing/possession date namin e sa october 26.nakakatuwa rin kasi nag-umpisa kami rito na "non-existent" halos kasi nga tnt kami tapos nagkapapel, ngayon nagdadrive na si mister dito sa jameyrika at ngayon nagpupundar na kami ng property.2 bedroom 1.5 bath muna ang kinuha namin kasi mahirap na baka biglang mawalan ng trabaho e pano na ang monthly payment di ba? matanda na kasi talaga itong alaga namin si mrs.gordon 92 na sya e,pero sana pagkalooban pa ng Panginoon ng konting haba pa ng buhay at maraming umaasa sa kanya.

marami rin palang paperworks ang paglo-loan dito pero yung buong process e mabilis din.nakakatawa pa nga kasi nag-email ako sa mga anak nitong amo namin at binabalitaan ko naman ng nangyayari sa amin.yung bunso, mayaman medyo humingi ako ng tulong sa kanya kasi may connection yun.ang aaplayan kasi naming loan sa banko e banko ng nanay nya at dati pa syang member ng board baka kako maayos agad,kaso mo wala, dinedma ang email ko.natakot yata at akala magpapabili ako ng bahay. kaya pag malaman non na okey na lahat ang deal e makakahinga na sya.kami naman feeling namin proud dahil we did it on our own.nasabi ko na rin sa mga anak ko ang tungkol dito at lalo silang na-excite na pumunta rito.hopefully next year makarating na sila dito.naisubmit na ng lawyer namin yung application namin sa immigration at natanggap na rin namin yung receipt notice advising us kung gaano katagal ang processing. si mister ko naman, tinawagan for interview a week ago sa banko.nag-aaply na kasi sya sa labas para ready kami ano man ang mangyari at isa pa, kailangan namin ng health insurance.madugo kasi pag wala ka nito dito.lalo't may diabetes pa naman itong bunso kong anak.naghihintay na lang uli si mister ko ng second and final interview nya, kaya sana loobin naman ng Panginoon ng maskedyul na at makapasa.nakakabawas din ng inip pag maraming nangyayari sa paligid mo at sa buhay mo.at least exciting gumising sa umaga dahil may mga bagay na hinihintay ka, in my case ito ngang bahay, trabaho at papel ng mga bata...and like i said, the wheel of life is continuously turning..life goes on....