Sunday, May 17, 2009

Si Te-Arts!






Heto ang anak ko na maliit pa lang e alam ko ng maarte. Palagi yang me bitbit na maliit na bag na ang laman e mga lipstick, maliit na bote ng cologne, pulbos at lotion. Ang palaging pinabibiling sapin sa paa e makukulay, kumukutitap at me takong.
Walang pinagbago hanggang ngayon. Kanina hinila ang ama sa tindahan kasi wala na raw syang spray net. Nung isang linggo, binilhan ko na ng make-up na mukang mini maleta para matigil sa kauungot. Hala, sige, ibigay ang hilig! Kunsintidora ang nanay, mapang spoiled naman ang tatay.
Me talent don't you think? Sya na gumupit sa buhok nya na yan at sya na dumiskarte sa korte ng mga kilay nya. Mahusay pa nga magmake-up sa akin at ang husay maglagay ng eyeliner ng bruha! Pakiusap ko lang wag naman over, as in overrrr na hindi na appropriate sa edad nya. Nakikinig pa naman...pero hanggang kailan kaya?