Thursday, July 21, 2005

working our way to reach the american dream

nagtagal din kaming mag-asawa sa california.nakaisang taon ako at yung mister ko naman e naka-seven months.sa liit ng sahod namin dun, nag-isip kaming mag-asawa na umiba ng lugar dahil,wala, makukuba kami roon ng hindi makakaipon.willing nga kaming ipetisyon ng amo namin pero napakamahal naman ng babayaran, mga $8,000 ang aabutin.ang isa pa sa ikinatabang ko roon e bumakasyon yung amo namin sa australia at nanood ng olympics na hindi man lang nagpasabi sa umaasikaso ng papel namin kaya ayun, may kailangang pirmahan e wala sya.pag hindi daw napirmahan yun e back to step one ang papel ko pati priority date ko,mababago.walang nangyari dun kaya hindi na ako nagbayad ng $2oo kahit nalugi na ako ng mga $800(first downpayment).

may kumare ako na nagtatrabaho sa iowa.alaga nya e mag-asawa pero ang concentration e sa lalaki.hindi nya raw kaya, kaya kung interesado kami e subukan namin.nagpaalam kami sa amo namin na pupunta ng chicago.umalis kami dun ng december 25,2000 at nag-umpisa kami rito sa bagong trabaho ng december 26.nung makita namin yung matandang lalaki, akala namin e mamamatay na.talagang mahina,maputla at nakatunganga na lang.pinagtiyagaan naming mag-asawa na pakainin, bihisan at palakarin.sa awa at tulong ng Panginoong Diyos, lumakas naman at tumagal pa nga ng tatlong taon.he passed on january 06,2004 at age 91.dun ko rin narealized na ang yaman at talino e walang halaga pag haharap ka na sa Dakilang Lumikha.ang importante talaga e kung pano ka makisama sa kapwa at kung naging mabuti ka .mayaman itong amo namin pero sa panahon na maysakit sya, napakadalang ng kaibigan na dumalaw.pati nga mga anak,madalang ding dumalaw na hindi mo rin naman masisisi dahil mga abala sila sa paghahanap-buhay at sa sari-sarili nilang pamilya.pag may okasyon kami-kami lang...hindi talaga pwedeng maging sa iyo lahat ano?kami humiwalay sa mga anak dahil sa pera.sila may pera pero walang panahon ang mga anak nila sa kanila.talagang kumplikado ang buhay.

wala kaming masasabi sa amo namin ngayon.oo nga't minsan e talagang maubos-ubos ang pasensya mo pero dala lang siguro yon ng edad nya kasi 92 naman na.naglakas kami ng loob na magsabi sa housekeeper nila na illegal kami sa kagustuhan naming maayos din ang papel namin.pangarap din naming makuha ang mga anak namin dito at ng sa ganon e magkasama-sama naman kami.naintindihan naman nila ang sitwasyon namin kaya inasikaso ng anak nyang panganay ang pag-aayos ng papel namin.top-notch lawyer dito ang nag-handle ng papel namin.napakahabang proseso at napakaraming paperworks.bigla pang nagkaproblema nung nag- 911.medyo bumagal ang takbo ng papel halos isang taon na walang nangyayari.mga 2002 nung nabigyan kami ng work card at umaplay na kami ng ssn.tuwang-tuwa kaming mag-asawa kasi hindi na kami tnt!legal na kami!pakiramdam namin yung hirap na pinagdaanan namin e sulit na rin lahat...

siguro destiny/fate din kung bakit kami andito,biro mo, birthday ng nanay ko e june 1,itong amo kong babae e june 2? tapos yung tatay ko birthday e september 26 yung amo naming lalaki e september 25 naman?nakakatuwa ano?nung maliit ako pangarap ko talagang makarating dito, ngayon heto at natupad na, may papel pa kami ngayon!!!

Thank you, Lord!

Tuesday, July 19, 2005

work!work!!work!

ang naging amo ko sa california ay may anim na care home duon,mayaman sya, mabait din pero medyo alam mo na, mahigpit sa pera.maliit sya magpasahod at todo sa trabaho.tipid din sa pagkain.natutulog ako sa carpet sa living room ng mga carehome nya kasi walang lugar para sa caregiver.meron sa iba pero siyempre nakakahiya namang humiga sa kama ng caregiver na talagang dun naka-assign.reliever kasi ako.kalimitan, isang buwan na mahigit e wala pang day-off kasi kailangang mauna yung mga stay-in.ang problema pa dun, reliever lang ako pero yung major cleaning at pag-oorder ng supplies at gamot ng pasyente e sa akin pa laging bumagsak.minsan sa isang carehome, dalawang araw lang ako nagstay dun ha?take note,hindi ako nakaorder ng diaper e meron pa namang gagamitin yung pasyente, sukat na isumbong pa ako sa amo at ni hindi daw ako umorder.e sila nga ang nakatira dun dapat sila ang may responsibilidad sa mga ganon.komo tuwing aalis ako sa isang carehome e kumpleto ang supplies at gamot, iniexpect nila ako na ang regular na gumawa.mali yata yun.nakakatawa lang sa ating mga pinoy, talaga kayang nasa ugali na natin yung manghila ng kapwa pababa?lagi gustong malaman ang buhay ng may buhay,puro tsismis.may nakasama pa ako na pinagbintangan ako at isinumbong pa ako sa amo namin na nagnanakaw daw ako ng damit ng matatanda, ako raw ang umuubos ng pagkain sa carehome..dyus ko day, sa pagkain pa ako gawan ng intriga e pagkapayat-payat ko!kape nga lang sa umaga at bread end solve ako e.walang ng kainan ng almusal at tanghalian,once a day nga ako kumain.mahirap ako pero hindi ako magnanakaw.

isa siguro sa ikinakukulo ng loob ng kasama ko e kahit na lang papano yung amo ko e pinadadalhan ako ng saluyot, kangkong, sitaw at talong pag nanggaling sya ng farmer's market.mahilig kasi ako sa gulay na iluluto lang sa bagoong.ako binibigyan gawa ng sila e hindi raw kumakain non.kung naiinggit sila de humingi sila, di ba?pag binigyan naman ayaw.ang tatapang pa non na magsabi na ipapatapon ako.irereport daw ako sa immigration at ng mapauwi ako.natuto tuloy akong magtaray din kasi kung hindi ka lalaban, tatapakan ka e.sarili ko lang ang kakampi ko sa dayuhang bansa na ang umaaway naman sa akin e kapwa ko pinoy, de laban kung laban.nagulat nga asawa ko dahil after four months e sumunod sya sa akin.kapayat k raw, pumuti at lumiksi ang kilos.medyo pagong kasi ako nung nasa pinas e.nagtaka rin sya kung bakit ang daming galit sa akin.hindi ko rin alam.hindi ko naman ugali ang manipsip,ang sa akin trabaho kung trabaho dahil yun ang isinadya ko rito hindi makipag-away.ang hirap nga kasi, hirap na katawan mo sa trabaho, hirap pa loob dahil malayo sa mga anak tapos aawayin ka pa.napakahirap talaga.sana naging mayaman na lang ako at sa ganon hindi na ako lalayo sa mga mahal ko sa buhay.

malaking hirap ang naranasan naming mag-asawa dito sa lupa ni uncle sam.hindi ko na iisa-isahin kasi mapapagod lang ako uli.basta ang sa akin, lahat ng yun e may positibong epekto sa akin.mahirap na experience sa buhay pero pag tapos na at babalikan mo na lang uli e tipong matatanong mo ang sarili mo ng"nakaya ko yun?" at mapapangiti ka sabay buntong-hininga...at sabay usal ng dalangin:Salamat po, Diyos ko sa lahat ng patnubay at pag-iingat mo.Palagi Ka kasi sa tabi namin kaya nakaya namin ang lahat ng pagsubok sa buhay.Kaya nga nga ang lakas ng dating sa akin nung kantang footprints in the sand..lalo na sa ending na.."it was then that I carried you"...

hold on to your faith, brothers & sisters...

Friday, July 08, 2005

walang atrasan sa labanan

nandito na ako sa land of milk and honey.nakakataka pero hindi man lang ako ninerbyos nung palabas na ako ng airport at lumapit sa isang lalaki ng may hawak na bond paper at nakasulat dun ang pangalan ko.mukha naman kasing professional e at kasama yung bunsong anak.ipinakilala ko ang sarili ko at tiningnan nila ako pareho.usual pakilala atsusu..atsusu.tapos kumain kami sandali sa mcdo at hinatid na ako sa isa sa mga care home nila kung saan namahinga ako ng dalawang araw.nakilala ko yung stay-in caregiver dun na si ate"L".lima ang alaga nyang matatanda.

pagkagising ko nung umaga,silip ako sa bintana at pilit humahanap ng tao sa labas kaso wala.sa loob-loob ko,ano ba ito?ang lungkot-lungkot naman.at yun na,dun na nag-umpisa ang homesick ko.gusto ko ng makita ang asawa ko't mga anak.ilang araw akong hindi makakain puro iyak lang.buti na lang mabait si ate "L".sabi nya lakasan ko raw ang loob ko at kailangang labanan ang lungkot para sa mga anak.ikatlong araw ko roon, e sinundo na uli ako ng amo naming lalake, para officially e mag-start na ng trabaho....di ko akalain na mapapasubo pala ako,pero wala ng atrasan ito.

Wednesday, July 06, 2005

leaving on a jet plane

umalis ako ng pilipinas, january 10,2000.ilang araw bago ako umalis e hindi na ako makakain at sabi ng mister ko e hindi na rin makausap.ewan, pero siguro sa dahilang natatakot din ako, kasi first time kong sasakay ng eroplano, first time kong lalabas ng bansa at higit sa lahat, first time kong iiwan ang pamilya ko.kahirap talaga ng mahirap ano?kailangang lumayo pa sa kanila para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.at saka alam ko, na itong pag-alis ko na ito e taon ang bibilangin ko at balde-baldeng luha ang iluluha ko bago ko sila uli makita...kasi (secret lang natin ha?mag-ttnt ako e)...

hindi ako gaanong nakatulog nung nakasakay na ako sa eroplano.may uzi pa nga akong nakatabi e.ininterview ako kung immigrant ba ako,ako naman si engot,sabi ko, oo yung tatay ko ang nagpetisyon sa akin at nasa new york sya.ang maganda nung malapit na kami,nagpapamigay pala ang mga stewardess ng papel na pipil-apan mo at ipakikita sa port of entry.tinanong kami isa-isa kung immigrant o tourist, buko ako ni lola!nahiya tuloy ako..ayan kasi nagsinungaling.nung lumapag na ang eroplano sa san francisco airport, singhot ako ng hangin na pagkalalim-lalim,sabay pangako sa sarili na hindi ako babalik ng pilipinas hanggat wala akong "berde"...berdeng papel at berdeng pera...

naluha nga ako lalo na nung sinabi ng stewardess na maligayang pagdating at sa muli nyong pagsakay sa philippine airlines.sabi ko sa sarili ko,heto na...umpisa na ng pakikipaglaban sa lupang dayuhan....

Tuesday, July 05, 2005

buhay sa pinas

hay naku,hirap ng buhay sa pinas..alam ng lahat ng pinoy yan na nangarap umabroad,kaya nga sila umalis sa bayang sinilangan..yan din ang rason ko.

nag-asawa ako sa edad na 22.nakatapos naman ng pag-aaral at nagtatrabaho na kaya akala ko okey nang lumagay sa tahimik..nagkamali ako!magulo pala at kumplikadong buhay ang pinasok ko pero hindi naman nangangahulugan na nagsisisi ako.kung bigyan ako ng pangalawang buhay e si fafa ko pa rin ang pipiliin ko,kumbaga right love pero wrong ang timing ng pagpapakasal.eniwey,nandun na yun kaya tuloy ko na lang ang istorya ko..

nabilis ang kasal namin ni fafa hindi dahil sa jontis (buntis) ako kundi lilipad sya papuntang middle east.sa sobrang ganda ko yata,ayaw na akong pawalan kaya ayun pa-sm daw kami at baka me iba pa raw na bubuyog na sumamyo sa bango ko..so ako naman naniwala kaya go kami sa manila city hall at dun kami sinakal.. kaya ko sinabing sinakal kasi, ako pa ba naman ang nagbayad!wala sya raw datung!matuk mo yon?..kaso ang nangyari nabuko ng tatay ko kaya ayun abot hanggang langit ang galit at ang sabi sa mga namanhikan sa amin non e e gusto nya raw kasal para sa akin e yung tipong kakalembang lahat ng kampana sa probinsya namin,hanep ano? so ayun apat na buwan lang kinasal na kami sa simbahan,okey naman sya,oldo ang kumalembang lang e mga kaldero't plato at bamban ng tenga ko sa iyak ng mga lahi ko dahil mag-aalaga lang daw ako ng sakiting matanda (nung kasing gabi ng kasal namin e "itinakas"lang namin sya sa ospital)..ayun.tatlong buwan pa uli ang lumipas,umalis na sya papuntang middle east at ako naman naiwang dalawang buwang buntis.bumalik sya after almost two years na nagtrabaho dun.umuwi dahil nahomesick.umupa kami ng apartment tapos nag-loan sa kumpanya ko ng bahay,nasundan pa uli ang anak namin,gastos talaga bakit puro mga ceasarian pa naman.nung lumipat na kami sa bahay na pinagawa namin,dun na humirap ang buhay.siyempre dalawa na anak,mag-aaral pa yung panganay at ako lang nung panahon na yun ang may kita.tumagal pa naman ako sa kumpanya ko ng sampung taon pero talagang pursigido na akong umabroad dahil nararanasan na naming maglugaw.mahina naman ang kita ng asawa ko sa pagbebenta ng insurance.yun palang makita mong kumakain ng walang ulam ang mga anak mo at yung hindi mo mabili ang gusto nila e napakalakas na motivating factor para mangibang bansa.oldo,sumusubok din umaplay ng trabaho ang asawa ko,wala rin kasi medyo may edad na.so nag-quit ako sa trabaho ko,nilakad namin ang pasaporte ko,ni wala nga akong alam na pupuntahan,kasi feeling ko kahit giyera pupuntahan ko para lang mapakain ang pamilya ko,yun bang tipong kahit ipambala ako sa kanyon!kaso ang masakit naman,kalalaki ng placement fee na hinihingi.sabi ko nga kung may pera akong ganon kalaki e hindi ako aalis at iiwan ang mga maliliit kong anak.so,ang ginawa naming mag-asawa,pikit-mata at taimtim na dasal ang baon namin nung luminya kami sa us embassy...sa awa ng Diyos sa amin,binigyan kami ng visa,sabi ko sa sarili ko..."uncle sam,here i come!"... and so my journey begins....