Kumpleto na pamilya!!! Thank you Lord!!!
Dumating kami June 7 pa. Medyo maraming inasikaso at marami-rami pa ring aasikasuhin pero okey lang. Importante, sama-sama na kami. Bawas problema, bawas intindihin. May killjoy ngang nagsabi sa aming mag-asawa na sa umpisa lang masaya itong sama-sama kami, pag nagtagal e sakit na ng ulo. Sagot naman ng asawa ko, mabuti ng sumakit ang ulo naming mag-asawa ng magkakasama kami kesa sumakit ng hiwa-hiwalay kami.
Eniweys, hanggang ngayon yata di pa tanggal ang jetlag ng mga anak ko. Hanggang ngayon palaging inaantok. Pag lumalabas kami, mag-aaya agad umuwi at inaantok daw, pag andito naman sa bahay kantahan naman ng kantahan. Sana ganon ang makasanayan nila. Dito na lang sa bahay pag walang pasok sa school. Alam ko marami silang takot na nararamdaman, ganon din ako e. Sana malayo sila sa kapahamakan dito at maiwas sa barkadang hindi maganda ang impluwensya. Nasa stage sila ngayon na puro mama at papa, nakakatuwa kasi ini-expect na namin yun pagdating nila dito kaya sabi ko nga samantalahin namin. Feeling ko ba kasi nagsibalik sa panahon na maliliit pa sila na puro asa sa amin.
Tulad nung minsan, pati pagsusuklay ako pa gusto. Nung sinabi ng papa nila na kaya na nila yun, sabi ng panganay ko, matagal daw sila walang mama. Parang nakunsensya ako. Naiyak nga ako. Naisip ko kasi temporary lang itong pagiging dependent nila sa akin, bigyan mo lang ng isang taon ito at makaadjust, sila na naman sa sarili nila.Nung nasa Pilipinas pa sila, marami raw silang ikukuwento sa akin. Siguro kasama na ron yung hindi magandang pangyayari (in terms of pag-aalaga sa kanila). Nung nandito na, ayaw na magkwento. Limot na raw nila at tapos na yun. Sa isip ko naman, ayaw na nila ng gulo.
Hay naku! Napakaigsing bakasyon! Pakiramdam ko, natulog ako, nananiginip saglit at nagising na nandito na uli. Pero ang maganda, hindi na panaginip lang yung magkakasama kami. Hanggang ngayon di pa rin kami makapaniwala na makukuha namin sila agad. At ngapala, natanggap na rin namin ang greencards nila.
Wednesday, June 28, 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)