Saturday, September 09, 2006

Bragging Time!

Pasensya na kayo. Medyo umiiral ang pagka nanay ni promdi. Gusto ko lang i-share itong mga artworks ng anak kong panganay.

Her name is Kaye. She's 15 years old currently studying at Lincoln High School here in Des Moines. Matalinong bata, mabait at homebody. Ito ang mga pinagkakaabalahan nya pag may freetime sya bukod sa mag-computer maghapon...joke!

Enjoy and please tell me what you think....



kaye's masterpiece...

Sunday, September 03, 2006

Check This Out!!!

Kwentong Tambay
Chances are you've come across Nicanor David's Kwentong Tambay. David, aka Batjay, is the latest in a long line of folksy writers -in his case, writing about Filipino OFW life with earthy wit.
He emailed me some time ago, asking if I'd write an introduction for his book. There is no greater honor -or pleasure- for a writer, than to be asked to do so; so I accepted not only with pleasure, but enthusiasm.
He seems strangely concerned that his writing style and some of his subject matter might get his book banned by certain distributors or bookstores. I hope not; he said an introduction penned by me might help. I told him I wasn't so sure, but anything to help!
His book is extremely moderately priced, at Php 100.00 a copy. If you go to the 27th Manila International Book Fair, you can get a copy. Look for PSICOM (the publisher), booth 216. And if you can't make it, start pestering your local book store to carry copies.
And so here's the introduction I wrote in my execrable Filipino. Hopefully the actual book has an edited version.
Si Batjay, mabait pero…
Medyo bastos. Nakakatawa siya. Nakakaaliw. Nakakagulat -at minsan, siyempre naman, nakakahanga. Sa larangan ng panunulat, higit na hinahahanap n gating lipunan ang maituturing tutoo, o matapat, na tinig ng pangkaraniwang tao. Sa mga pahinang ito ay makikita at mababasa natin ang isang tutoong Juan de la Cruz, na siya'y minsan tamad, minsa'y puno ng mga dalisay na damdamin, at paminsan-minsan din ay dinidemonyo at nagdadaing.
Masasabi natin n wala sigurong sulok ng mundo na hindi sinugod ng Pilipino, mga kakabayan natin na naghahanap at nagtitiis, upang makamit ang mga oportunidad upang maging mas maginhawa ang buhay para sa sarili at sa kanilang pamilya. Isa na sa mga nag alsa-balutang mga "kebab" (kababayan) ay si Batjay; isa siyang kasapi ng diyasporang Pinoy, ang mga ika ngang "bagong bayani".
Kung saan man ang Pinoy, doon din mahahanap ang kasiyahan,ang di-malubog at di-malulunod na pagmamahal sa ligaya, kanta, pagkain at pakikisama na masasabing genuwayn na tatak ng pagka-Pinoy.
Sa papamagitan ng mga kuro-kuro, muni-muni ni Batjay mamasdan natin ang kabihasnang Pilipino; at kasapi nito, ang sari-saring mga kulturang bumubuo ng sibilisasyong Pinoy.
Ang manunulat na may abilidad, ay may kakayahang gawin sariwa ang mga nadaanan natin, sa pamamagitan ng pagkuwento ng mga nadaanan nila. Sa mga pahinang ito, bumalik sa akin ang mga nadaanan ko sa abroad. Nung nag aral ako sa Amerika, kung ano-anong mga katarantaduhang tanong ang tiniis ko.
"Nasaan ang Pilipinas?""Ah, malapit kami sa Hapon-""Ah! Ibig mong sabihin, malapit sa Canada?"—At paano mo na naman isasalin sa wikang Inggles ang ngek?
At hindi lang iyon ang mga ngek-ngek na tanong:
"Pilipino ka?""Oo.""Ganun? Paano kayo umaakyat sa mga bahay niyo sa mga puno?""Aba, eh, siyempre sa pamamagitan ng rope ladder, pero yung mga may kaya ay may eskalaytor…""Talaga? Ang galling naman!"
Gusto kong sabihin sa mga ganung panahon, "magaling, your face!" At 'yun din ang ginagawa ni Batjay paminsan-minsan.
Pero alam mo naman ang Pinoy –pa ismayl-smayl; tapos todo lait pag kasama ang kapwa Pinoy: "biro mo naman yang mga 'yan, kung ano-ano ang iniisip tungkol sa atin!" Mabuti pa si Batjay, marunong bumara –at sa paraan kung saan nahuhuli niya ang ating kiliti.
Sigurado akong may sisinta kay Batjay dahil prangka siya mag sulat; hindi niya iniiwasan ang mga bagay na iniiwasan ng iba.Ngunit sa aking pananaw, kung ganun kakitid ang kanilang kaisipan, malamang hindi sila marunong ngumiti. At ang taong ayaw ngumiti ay malamang hindi Pinoy –at tutal, di naman magiging mambabasa ng librong ito.
Ngunit, dahil binabasa mo ito, ano pa ang hinihintay mo? Buy dis book. And make basa. Now, na!
Manuel L. Quezon IIINew Manila, Quezon CityJuly 4, 2006Ika-60 anibersaryo ng pagbalik ng kalayaan ng Pilipinas--

Friday, September 01, 2006

Finally!

Hay naku! Sa wakas may lisensya na ako. Pagkatapos ng ilang beses na paglagpak, napasa ko na rin! Parang pakiramdam ko, I'm free! Babu na sa pagtawag ng taxi para sunduin ang mga anak ko school nila at babu na rin sa paghihintay ko sa sundo pagkatapos ng trabaho at makakapag-grocery na ako anytime na gusto ko without waiting for Fafa to come home from work!

After working from 9P-7A, my husband and I decided to go to DMV this morning. Kaaga nga namin. Pagkahatid sa mga bata diretso kami ron and by 8:15A nakasalang na ako. Ako nga unang "parokyano". Naawa na lang siguro kaya ako pinasa.

Ah, basta! Ang importante mada-drive ko na yung sasakyan na binili ni wishart sa akin a month ago.

O pano? Mamalengke muna si Promdi.

P.S.

Babu na rin pala kay "Damulag", my trusted kalabaw..hehehe..