Naisip-isip ko sa nakaraang sinulat ko, naawa pa ako sa mga lolo at lola ko sa sitwasyon nila e mas masaklap pala sitwasyon ko sa kanila.
Heto ako magku-kwarenta na pero todo kayod pa rin. Wala pang serious vacation na napuntahan as in puro lamiyerda at relaxation talaga. Sila na-enjoy na nila buhay nila, narating na ang mga bansang gustong puntahan, nakain na ang masasarap na pagkain, nabili na ang gusto nilang bilhin without the guilt na baka super mahal sya. Stable na rin ang mga anak. In short, natikman na lahat ng luxuries in life...pinanganak na may pera at mamamatay ng may pera.
Pero ang sabi ko rin naman noon pa, di na baleng hindi ako humiga sa pera at hindi ko naman sya madadala pag ako'y namatay na, but still...iba pa rin pag meron ka kahit konti di ba? Kahit papano, panatag ang loob mo na, mawala ka man bigla bukas, okey ang mga anak mo. Hindi na nila kailangang maghugas pa ng puwet para lang makapag-aral sila. Hindi sila matataranta kung saan maghahagilap ng pera pambayad sa mga utang na naiwan. Hindi sila mag-aalala kung saan kukuha ng kakainin para bukas. Di ba yan ang gusto ng magulang para sa mga anak? Yung kung maaari, wag nilang maranasan ang hirap na naranasan mo noon, yung matikman nila ang komportableng buhay?
Pero sadyang mapaghamon ang buhay. Talagang sa bawat bagay na gawin mo para sa kanila kailangang may sakripisyong kakambal. Hindi lahat mangyayari ng ayon sa kagustuhan mo. Minsan kahit anong effort ang gawin mo na maging smooth ang biyahe ng buhay, lagi pa ring may lubak sa iyong dadaanan. Parte nga siguro ng buhay yang mga lubak na yan. Nandyan sila para pag inaantok na tayo sa biyahe e magising tayo para ituloy ang laban. Sabagay wala namang taong walang problema ke super duper yaman ka pa. Di naman sagot ang pera sa lahat ng problema oldo minsan, nakakagaan sya.
Ako, makaraos lang sa pang araw-araw na takbo ng buhay e okey na. Lahat ng bills nababayaran, mas okey at kahit pano yung mabili yung gusto ko (luho ha?) na hindi nagkukwenta kung maiipit ang pampadala sa pinas de okey na okey!!!
Pwera biro, ang gusto ko lang talaga maayos ang pamilya ko. Hindi yung materyal na bagay kundi sa kalusugan ba. Sana wala silang sakit, yung malalakas ang katawan. Kahirap kasi nung problema na pera may mga sakit pa, di ba killjoy?
Tulad ngayon, matapos ang maraming tests sa asawa ko, ending may Celiac Disease pala. Incurable din diet ang sagot. Kailangang walang wheat, rye, barley at kung anu-ano pang ngayon ko lang narinig yung iba. pareho na sila ng bunso ko na kailangang may strict diet na sinusunod.
Ano ngayon ang mas masaklap?
Tuesday, January 30, 2007
Monday, January 22, 2007
Napakasakit Kuya Eddie
Kanina pa ako nakaharap sa laptop at nag-iisip ng maikukwento. Hindi naman ako makaisip kasi wan handred tayms ng tumawag itong alaga ko at panay ang hingi ng inumin. Sobra namang uhaw ang inabot ni lola! Balde-baldeng tubig na nainom e di pa rin matighaw ang uhaw. At siyempre pag panay ang danom de panay din ang banyo, ay sus! Sulet na sulet ang bayad.
Nandito ako sa trabaho ngayon. Pasado alas-diyes na ng gabi. Nakakainip! Bukas pa uwi ko mga alas-siyete ng umaga kaya, naisip ko bitbitin itong laptop at ng may mabutingting. Nag-sign in nga ako sa YM baka sakaling may naka-online ng mga amiga't amigo de solve-solve sana ako sa chat kaso wala. Nakatago lahat.
Ang alaga ko sa gabi ay mag-asawa. Yung matandang lalaki nag-uumpisa ng maging malilimutin. Retiradong doktor-OB-Gyne. Yung matandang babae ewan ko kung ano sya dati pero hindi na sya makabangon at makalakad mag-isa. Naaksidente kaya ayun nasa kama na lang maghapon. May pera sila pero sa punto ng buhay nilang ito, ang silbi na lang ng pera sa kanila e para pambayad sa mga nag-aalaga sa kanila. Sawa na nga si Dok e. Gusto ng sumurender. Nakakaawa sila, sa totoo lang.
True na true yung three stages of life e...TEENS- you have all the time and energy but no money...WORKERS- you have the money and energy but no time at OLDIES- you have the time and money but no more energy.
Kasaklap ano?

Monday, January 08, 2007
Thoughts of Suicide?
Siya'y isang magulang na handang gawin lahat para sa mga anak. Kumakayod gabi't araw para mabigyan sila ng maalwan na pamumuhay. Kahit puyat at pagod kinakaya nyang tugunan lahat ng pangangailangan ng mga anak. Hindi sya nagrereklamo dahil masaya sya sa ginagawa nya. Kumpleto na ang pamilya, wala na syang mahihiling pa.
Akala nya ayos ang lahat. Bukas ang komunikasyon nya sa kanyang asawa't mga anak. Lahat inaaalam nya para masolusyunan agad ang anumang problema na mag-uumpisa pa lang. Akala nya lahat ay natutugunan nya, hindi pala.
Bakit may isa sa anak nya na nag-iisip na kunin ang sariling buhay? Naguguluhan sya! Saan pa ba sya nagkulang? O baka naman sumosobra? Nasasakal ba ang anak sa atensyong binibigay nilang mag-asawa? Hindi sya makapaniwala sa nabasa nya. Isang malaking BAKIT ang tanong nya sa sarili nya.
Kinausap nya ang anak. Pilit inaalam ang dahilan pero wala syang nakuhang kasagutan. Kaya sinabi nya sa sarili nya na kung ganon din lang, para ano pa ang mabuhay? Lahat ng ginagawa nilang magulang ay para sa mga anak pero ba't tila yata binabalewala ng anak? Para ano pa? De magsama-sama na sila. Yan ang naglalaro sa isip nya.

Subscribe to:
Posts (Atom)