Pag nasa 'Pinas ka at ulam mo tuyo, wala kang ganang kumain? Pero pag dito sa Isteyts, walang kasingsarap?!
Pag nasa 'Pinas at bulanglang ang ulam mo ng dalawang sunod na kain sawang-sawa ka na? Pero pag dito sa Isteyts, kahit isang araw mo na syang ulam hanggang kinabukasan pa, sarap pa rin?!
Pag nasa 'Pinas ka at pumasyal sa mall, sarap kainin ng fried chicken o kaya burger. Pero pag dito sa Isteyts, kasawa na rin?!
Pag nasa 'Pinas ka at nakakita ka ng blond ang buhok at blue ang mata, tinititigan mo. Pero pag dito sa Isteyts, wa mo na sila pansin. Sila naman ang tumitingin sa iyo at nakikinig pa sa usapan nyo. Pag di pa nakatiis, uusisain ka pa kung anong language gamit mo at saang bansa ka galing?!
Pag nasa 'Pinas ka pati pagkakarga ng gasolina sa sasakyan mo may gagawa para sa iyo. Pero pag dito sa Isteyts, pump your own gas. Matatapos ang transaksyon ng wala kang kinausap ni isang tao. Pati sa pagka-car wash. Kahit walang tao, mahuhugasan ang sasakyan mo?!
Pag nasa 'Pinas ka at magsa-shopping ka sa mall, daming nakabantay na salesladies sa iyo, sunod ng sunod. Feeling mo, reyna ka na kasi lahat ng pahanap mo talagang hahanapin with matching "po" o kaya "ma'am." Pero pag dito sa Isteyts konti salespeople pati na shoppers. Kaya bahala ka maghanap ng size mo. Pag di mo nakita at nagtanong ka, sagot sa iyo, "sorry we don't have that in stock." Pero di naman tsi-nek?!
Pag nasa 'Pinas ka, gusto mong makarating ng Amerika. Pero pag nasa Amerika ka na, hindi ka naman makahintay na makauwi na?!
Pag nasa 'Pinas ka, palagi kang updated sa Hollywood chismis at current events. Pero pag nasa Isteyts ka, chismis ng local artists natin at makamigraine attack na politics sa pinas ang pinakikibalitaan mo. Kaya nga pa subscribed ka pa ng TFC at GMA Pinoy TV di ba?!
Ano ibig sabihin nito?
Pilipino ka pa rin! Sa puso, sa isip at sa gawa! Walang makapagpapabago non kahit ilang taon pang paglalagi sa ibang bansa. Hahanapin mo pa rin tuyo, bagoong, adobo at kanin.
Kahit nga maalinsangan uwi pa rin ang hiling dahil miss mo na sila at gusto ng makapiling.
Bow!
Saturday, April 05, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)