I have an old blog that I started, I think three years ago and thru that blog, I made new (cyber) friends. Faceless friends that welcomed me to the world of blogging.
Umpisa nga akala ko walang “naliligaw” na magbasa pero mga ilang linggo, may nag-iwan na ng comment, followed by another comment hanggang sa medyo dumami tapos winelcome na ako as one of the members of our so-called “blogkadahan”.
Kahit madalang na akong mag-update dito sa inaamag kong blog, patuloy pa rin ako sa pagbisita sa mga ilang natirang kablogters at isa rito ang simula pa lang sa una ay paborito ko na. Uhugin pa sya non pero you can tell that this young lady is smart, nice, ornery, palaban at super ganda…oh, those killer legs and smile!
Isa ako sa nakasubaybay sa istorya ng buhay nya. Sa pagiging estudyante nya, sa pagiging masahista nya at ngayo’y sikat na writer. Unti-unti na nyang naaabot ang kanyang mga pangarap at bilang kaibigan, masaya ako para sa kanya.
Wala na yung ” Ella, Confessions ng Isang Masahista” blog pero me plano syang i-revive sans the “masahista” kwentos kasi po a publisher owns that right, but the good news is…………………………..
News Flash: Blog Book to be Released!!!
It may be long delayed but it was worth the wait. The blog book ‘Diary ni Ella: Confessions ng Isang Masahista’ will be available starting Sept. 12-16 at the 29th Manila International Book Fair at the Mall of Asia’s Halls 1-4 SMX Convention Center. Published by Tahanan Books, it is a compilation of original blog entries that started in 2005. The book will be available at all major bookstores.
************************************************************************************
Who am I to promote the book tanong nyo siguro ano? Well, Ako ho ay isang kaibigan na in my own little way, nag-iisip kung pano makatulong. Alam ko ho na hindi kailangan ng “tulak” nito dahil Ella is a famous blogger, malawak ng clout nito sa cyberworld dahil talaga namang napakahusay na manunulat.
Regret ko nga lang hindi ako nakarating sa first EB (eyeball) ng blogkadahan nung 2005 de sana me katibayan na kilala ko si Ella. Ngayon hindi ko alam kung me oras pa sya para EB.
Anyways, okey lang kasi isa ako sa mga UNANG makakakuha ng kopya ng libro nya..AT HINDI LANG BASTA KOPYA, MAY OTOGRAP AT PEKTYUR PA!! Swerte ko talaga!
Congratulations Ella and more power!
Monday, September 08, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)