Monday, January 02, 2006

Thy will be done....

nakaraan ang pasko at bagong taon ng ganon lang. hirap talaga pag nasa ibang bansa ka, yung mga special occassions e hindi na "special" kasi trabaho pa rin tapos malayo pa sa mga mahal sa buhay...kahirap.anibersaryo naming mag-asawa ngayon, 16 years na kaming "nagtitiis" sa isa't isa...joke! ganito na pala kami katagal na kasal, kung iisipin mo parang kailan lang. tulad nito, special occassion, dapat may celebration, kaso komo malayo kami sa dalawang anak naming babae at heto nagtatrabaho, parang wala rin.

minsan gusto ko ng magsawa sa set-up ng buhay ko.parang gusto ko, nasa bahay na lang at inaalagaan ang mga anak ko kaso hindi pwede.kailangang kumayod lalo pa at kakukuha lang namin ng townhouse at parating na rin yung mga anak na nasa pilipinas.minsan maiisip ko na lang na unfair ang buhay. hindi ko naman hinihiling na mangyari sa kapwa ko pero hindi ko maiwasang isipin na bakit sa amin nangyayari lahat ng problema. yung anak kong bunso may diabetes, three years old na sya pero nung ma-diagnosed e 2 years 8 months.lifetime na injections at pag-prick ng fingers, masakit yun a! nakakaawa nga e.sa umaga hindi pwedeng mag-sleep in at ang pinaka mahirap pa, pag gustong kumain, pinipigil namin, pag ayaw kumain, pipilitin naman. yung anak kong panganay, 14 years old, may scoliosis naman.mag-wa-one year na syang nagsusuot ng brace, mga 3 years pa raw.kailangan nyang suot yun 23 hours a day, aalisin lang kung maliligo.pati sa pagtulog suot nya kaya kung ikaw ang magulang, makita mo lang na natutulog yung bata ng mukang hirap na hirap sa brace nya at ni hindi makabaluktot sa tulog e talagang parang pinipiga ang puso mo. and speaking of puso, recently, nalaman namin na may problem din sa puso. may panahon kasing hirap syang huminga at parang hingal na hingal, tapos palaging pagod ang pakiramdam.pina-ecg namin wala namang nakita ang doktor kaso tuloy pa rin yung nararamdaman nya kaya nagdesisyon kaming kumuha ng referral para mapa 2D Echo sya at yun nga, may butas sa wall na nagse-separate sa right & left ventricle nya. in short meron syang Ventricular Septal Defect. maliit naman daw yung hole kaya hindi kailangan ng surgery pero nag-aalala pa rin kami kasi puso yun at may nararamdaman sya dahil dun.ginoogle ko nga e kaso sumakit lang ang dibdib ko sa mga nababasa ko kaya hinintuan ko na. mabuti nga at yung anak kong babae(gitna) e gumaling na sa sakit nya. pero noon palagi sya ang may sakit.nagka-H fever, may primary complex (baga) two years naggamot at medyo anemic. minsan tuloy naiisip ko, siguro kaya niloob ng Diyos na mapunta kami rito sa amerika na mag-asawa para makapaghanda kami sa mga darating na bagyo sa buhay namin, financially. noon pa pangarap ko talagang mapunta rito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bata, yun lang, kaso biglang nagsulputan itong mga health problems.minsan nga tuloy naiisip ko baka kung nakuntento na lang ako sa pilipinas at hindi ko sila iniwan, siguro hindi sila magkakasakit,baka kako ito yung kapalit ng pagiging "ambisyosa" ko. pero tama bang mangyari sa akin ito?lahat naman ng pinlano ko at pinangarap ko hindi para sa akin, para sa mga anak ko, sa pamilya namin at sa magulang at mga kapatid. hindi naman ako selfish, hindi ako maramot....hay naku, hayaan ko na nga lang.ipagpapasa Diyos ko na lang lahat-lahat.Sya ang tanging may alam kung ano ang para sa kinabukasan, wala akong karapatang magreklamo (minsan lang , kasi tao lang naman ako) at lalong wala akong karapatang kuwestyunin ang mga nangyayari sa buhay ko. sabi nga "everything happens for a reason"....Lord, Thy will be done....

1 comment:

Mmy-Lei said...

nabasa ko na lahat ng pinagdaanan mo, at ng pamilya mo. huwag kang mainip at malapit mo na ring makukuha anak mo.

Just pray hard! I'll pray for u also and for your kids. kwento mo naman mga name nila.