Nandito ako ngayon sa bahay at day-off ko. Walang magawa kundi matulog, mahiga, kumain at tumunganga. First day of Spring, pagkagising ko kaninang umaga, bumulaga sa akin...snow! What the #@%&! Akala ko graduate na kami sa yelo, may pahabol pa pala. Kaya siguro lalo akong tinamad.
Sa katutulog ko yata heto at masakit ang ulo ko. Buti nga at si Bunso ko hindi nangungulit na lumabas. Kuntento nang naglalaro ng kanyang train. Awa nga ako kasi naririnig ko sya sa ibaba, nagsasalita mag-isa. Ngayon naman heto sa tabi ko at naglalaro ng video games habang ako e nasa harap ng computer.
Nangyari na ba sa inyo yung parang may gusto kang kainin pero di mo matanto kung ano? May gusto kang gawin kaso pag uumpisahan mo na tatamarin ka na? Hindi naman ako "jontis" at malabo ng mangyari yun no? Kahit anong sirko ni Fafa e wala na, putol na.
Speaking of Fafa, kawawa nga e. Wala ng day-off. Puro kayod. Bukod kasi sa fulltime job nya, nag-apply pa syang CNA, kaya sa araw na off nya sa regular job nya, pasok naman sya sa isa. Nakakatawa nga kasi dun sya naka-assign ngayon sa Lola dear namin. Ang ganda lang, ngayon ang hourly rate na nya e $ 12 -$14 kumpara noon na $7.50. Katulad kahapon, duty nya 3 to 11pm na na-extend hanggang 7 the next morning. Pag-uwi nya, kain lang, tulog tapos pasok uli ng 3 pm hanggang 11 uli. Tumawag uli sa kanya yung office at tinanong sya kung gusto nya uli ng diretsong duty kaso mahirap na, may pasok pa sya bukas.
Kaya ko lang naikwento 'to kasi parang hindi rin sulit kahit pa maganda ang kita ng nado-double job. Hindi na kami nagkakausap. Hindi na rin kami matagal ng magkasama tapos palagi syang pagod. Sabagay, kailangang gawin. Kailangang magsakripisyo. Kailangang samantalahin habang kaya pa ng katawan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kadalasan ang buhay talaga, unfair din. Sa puntong heto, nagsisikap ka pero parang may kung anong pilit na pinahihirap lahat para sa iyo. Bakit sa iba parang madali lahat sa kanila? Na nasa kanila lahat? Bakit sa amin pa na mahirap nangyayari ito? Bakit hindi pa sa mga maykaya o super yaman na kayang sustentuhan ang lahat? Kami pa na mahirap ang may anak na may mabigat na sakit? Hindi pa sa kanila na kayang-kayang umupa ng private nurse 24/7?
Hay naku! Heto na naman ako. Praning na naman. Kaya ayokong nag-iisip ng problema kasi kung anu-anong "nega" ang pumapasok sa isip ko na ending e self-pity na. Kailangang huminto na ako at ipagpasa Diyos na lang lahat. Sino ba nagsabing madali ang buhay? Pinakamagandang gawin ko, maglaba at maglinis de may katuturan pa....
To quote from Desiderata..."Do not compare yourself with others..for always there will be greater and lesser person than yourself."
Hayan, matauhan ka promdi!
Tuesday, March 21, 2006
Tuesday, March 07, 2006
Buhay pa ako...
Halu mga kapitbahay! Pasensya na kayo at hindi ako nakakapag-online lately.Medyo may problem kasi sa trabaho e. Sa ospital ako nagdu-duty ngayon kasi naka-confine ang lola dear ko ( read:boss) nun pang Huwebes. She fell and she's in so much pain. Ang isa sa pinagpapasalamat ko e hindi sa shift ko nangyari yun.
Tayong mga pinoy, pag nangamuhan, talagang nagke-care tayo sa alaga natin. Hindi lang pera...
Sana gumaling na si Lola...
Babu muna ako mga guys...regards to everyone!
Tayong mga pinoy, pag nangamuhan, talagang nagke-care tayo sa alaga natin. Hindi lang pera...
Sana gumaling na si Lola...
Babu muna ako mga guys...regards to everyone!
Subscribe to:
Posts (Atom)