Wednesday, May 24, 2006

Humirit pa si Promdi

I'm back! Hindi..hindi galing ng Pinas kundi mag-a-update lang. Simula kasi bukas talagang hindi na ako makakapag-online dahil may raket si Promdi. Sayang din dagdag panggastos pauwi.

May nakiusap kasi sa aking friend na ako muna magbantay sa Lola Dear nya at kakaopera ng balikat. Aalis kasi sya papuntang Ohio at bibinyagan ang kanyang baby. Kaya simula bukas ng umaga nakabantay na ako kay Lola, uwi ko na non e Sunday night. Straight duty yun. Pumayag din naman na dalhin ko si Bunso kaya okey na okey. Tapos Monday morning go na kami sa airport papuntang Pinas. Wala e, mahigpit ang pangangailangan..heheheh.. Kaya basta may raket, hataw ng hataw. Nabanggit ko na ba na tumatanggap na ako ng labada at palantsahin? Kaya yung mga natatambakan dyan ng labada, hala tawagin na si Promdi at sasama ako kay Misty na maglaba sa ilog.

O ano? Tawag na!

5 comments:

Ann said...

Uyyy..obvious sa post na excited na syang umuwi. Ingat kayo ha. Abangan namin pagbabalik nyo. Happy trip!

Mistyjoy said...

Sige uwi ka na dito. Tara na at nang makapaglaba na tayo sa ilog...

Dalian mo ang pag-uwi para makahabol ka pa sa summer. Goodluck!!!

nixda said...

Gute reise (happy trip) Kath!

pede magpadala ng labahan? panay ulan sa amin eh! :D

waaahhhh, sama ninyo ako sa ilog!!!

Anonymous said...

ano yun ate, walang bayad? hahaha madami kasi labada dito eh! eh broke akich!

waaa sana medical course nalang tinake ko back in the philippines.. whew!

Mmy-Lei said...

Welkam Tita, eto kausap kita... nyahahaha