Tuesday, October 17, 2006

Gala Muna Tayo!
























Kahit gaano kahigpit ang schedule, kailangang mag-set aside talaga ng time para sa family outings. Baka isipin naman ng mga anak ko na dinala namin sila rito pero di naman namin maasikaso dahil sa kakatrabaho. Di ba kaya naman tayo nagpapakakuba sa pagkayod para sa kanila? Kaya tara na! Sama na sa gala ng Pamilya Promdi....

First three photos, kuha dito sa bahay, with some friends. Yung iba, kuha sa Omaha Zoo, Nebraska then sa Boone, Iowa to spend a " Day out with Thomas". Gift namin kay Kyle kasi hindi namin na-celebrate yung actual birthday nya, tapos katatapos lang ng hernia repair surgery nya kaya he deserve some fun.

Dami nga nyang hakot. Tuwang-tuwa sya talaga! Binilhan namin sya ng Thomas Shirts & Cap, Thomas Cup, books, stickers. Inilayo ko na sa gift shop at susme, tarantang-taranta!

Unang gala naming pamilya e sa Adventureland Park, Altoona, Iowa. Kaso walang na-develop na pictures. Kadidilim kaya wala akong na-upload. Go rin kami sa Mall of America sa Bloomington, Minnesota. Kaso mas bilib ang mga anak ko sa Mall of Asia. Pero okey na rin sa kanila kasi may mga rides sa loob.

Pero ang talagang hanggang ngayon e gulat pa rin sila e sa laki ng servings ng tsibog dito. Nakikita palang nila yung dami ng pagkain sa harap nila e busog na raw sila. Dito kasi walang takal-takal. Sa Pilipinas nga naman, de takal ng tasa kumbaga bitin ka. Dito, susme, solve-solve ka talaga! Wala lang litrato at nakalimutan dahil mga gutom..hehehe...

Next update Manay Ann per your request, schooling ng mga bata. Pansamantala, babu muna at maglalaba pa si ako.

8 comments:

Anonymous said...

waaaahhhh....kahit isa wala akong makita!

katrina said...

manay ann,

ganon?! bakit kaya? isip..isip...

SarubeSan said...

pogi naman ni kyle..sana magka edad nalang kami...haha joke lang, ate!

katrina said...

Sista Vem, how are you my dear? korek ka jan, pogi talaga anak ko..sana nga magkaedad na lang kayo para babantayan ko na paglaki mo at reto ko kayo...hehehe...

Mmy-Lei said...

wow mukhang masayang masaya ang lahat, saka ang cute ni kyle... hehehe

tita ingat ng konti sa mga dalaga, sasakit na ulo mo yan! hehehe

katrina said...

mmy darleng!!! musta na? ay naku sinabi mo. may mga umaaligid-aligid na nganga mga "aswang" kaya lagi kong pinagbabaon ng Boy Bawang..hehehe..

mana ba sa mama si kyle? joke!

katrina said...

tekea ka lang, ba't may ngangang nakasama? isang nga lang yun, tsuri..

katrina said...

ngeee!!! ano ba yan? halatang wala pang tulog ano? makatulog na nga at kagabi pa ako walang beauty rest at double job si curacha e--ang babaeng wala talagang pahinga.