Saturday, November 25, 2006







Three days before Thanksgiving, nagcelebrate na kaming pamilya kasi may pasok kami pareho ni Mister. Kaya heto, punta muna sa Mall at nagkulitan sa Food Court.

Napansin ko lang mula nung madalas akong wala sa bahay, laging nakasiksik sa akin si Kyle. Minsan nga nakikiusap pa na wag na lang akong pumasok. Kawawa nga e. Nasanay kasi na 24/7 magkasama kami.

Anyway, pagkatapos ng kulitan diretso na kami sa sinehan. Si Robert at si Kaye kay James Bond komo di pwede kay Kyle dun kami nina Kristine sa Santa Clause 3. Akala ko mag-eenjoy si Kyle. Di pa man nag-uumpisa ang palabas, busog na sa popcorn kaya nakatulog tuloy. Gumising lang nung pauwi na.

Diretso kami sa Applebee's para mag-dinner. Nagustuhan naman ng mga bata ang inorder nila kaso wala pa sa kalahati, umayaw na at busog na raw. Kaya ending, take home ang tira.

More pix...brb...

2 comments:

Anonymous said...

cute talaga ni kyle..hehehe

yung eldest (!?) prang mini-me nyo..pretty-ful! *sipsip*

oo nga andami kasi kung mag serve ng pagkain dito sa america, no doubt maraming tumataba kasi na fo force ubusin yung inorder..gaya ko! lol

Ann said...

Ang kakapal ng suot, para tuloy ang hirap kumilos eh no?

First winter ng mga dalaga mo dyan di ba?