Wednesday, December 13, 2006

Eto Yung Now...


Heto na sya ngayon. Four years & 5 months old at sa awa ng Diyos, wala pa kaming trip sa emergency room tungkol sa diabetes. Hirap lang kaming mag-asawang i-control ang sugar nya. From 6.9 to 7.1 to 7.7 and now 8.1 ang HbA1c nya e ang level dapat e from 7.00 to 8.5.

At kanina galing sya ng ospital para naman sa allergy testing. Dust mites ang nagti-trigger ng attacks nya kaya heto kailangan madalas mag-vacuum at ang mga beddings kailangang palitan lagi at labhan sa mainit na tubig at least once a week.

Makatagpo sana ng maalagang mapapangasawa itong si Kyle....

2 comments:

Anonymous said...

Alam mo ako napilitang magtanggal ng carpet sa living room at magpalit ng vinyl dahil sa allergy ni Tin2.

katrina said...

palagay ko manay ann, eventually yan din ang gagawin namin. for the meantime, tingnan namin yung gamot na binigay sa kanya ng doktor-zyrtec. iniinom nya every night bago matulog. balik sya uli after a month.

salamat sa pagdalaw ha?merry christmas!!!