Wednesday, April 25, 2007

Promdi @ 40
























































Naghuhumiyaw na kuwarenta anyos na ang edad ko. Parang kailan lang na nagmumurang kamias ako, ngayon napapamura na ako pag edad na pinag-uusapan.

Sabi ng iba, wala raw sa itsura ko...binola pa ako, e ako mismo kita nang ebidensya. Dami na ng puti kong buhok, malalim na ang pileges sa mukha at marami ng masakit sa katawan.

Nagiging sumpungin na rin ako. Napapansin ko yan lately. Minsan masayang nakikipagbiruan tapos maiinis pag nakantiyawan lalo na ng asawa ko.

Madali na akong mapagod. Bumibigay na ang dati'y sariwa kong katawan na ngayo'y papatuyot na. My age is catching up on me. Lahat bumabagsak na, hindi na kayang labanan ang gravity. Pisngi, mga braso, dibdib, puwet...ay naku, they're sagging na day!

Dati ang inaabangan ko, yung debut ko, ngayon si dreaded M na as in menopause. Malapit-lapit na rin ako run.

Wala na rin akong ganang magpustura, dahilan ko kasi para ano pa? Damatan naman na...

Yun lang at hapi bertdey to me, hapi bertdey to me...hapi bertdey, hapi bertdey, hapi bertdey to me...

Umabot kaya ng fifty si promdi???

8 comments:

Anonymous said...

Hello Kat! Happy happy birthday! Talaga namang pinagsigawan mo pa yang age mo...hehehe. Lahat naman tayo darating dyan, ang importante tumatanda tayo na may mga taong nagmamahal sa atin sa paligid natin. Andyan ang pamilya kahit na lahat sa katawan natin ay nagbabagsakan na...hahaha!

Sarap ng handa! Hirap magtusok sa stick ng bbq.

katrina said...

halu manay ann, musta na?tenk u sa gritings...

hindi naman ako artista para ilihim pa tunay na edad ko e sabi mo nga lahat naman darating talaga sa pagtanda.

at korek ka tsang...hindi na baleng bumagsak lahat at madisapir basta't nanjan ang family okey lang.

si mister lahat nagtimpla at nagluto..from d pinapaitan,kare-kare to d bbq na mga anak ko nagtusok..hehehe...bertdey ko no?! kaya exempted.

hapi bertdey din kay fafa kd!

nixda said...

at isa pa ... pero bat parati yata akong nahuhuli??? naubusan na tuloy ng handa! :D

"Alles gute zum Geburtstag"

katrina said...

racky,

tenk u sa pagbati.okey lang yun kahit late importante nakahabol.

hamo, next time, pagtatabi kita ng handa or much better, dalhin ko sa bahay mo.

tenk u agen!

Anonymous said...

belated happy birthday... wish u another 40 joyful and blessed more years to come! ;)

Anonymous said...

te k, happy birthday. di lang 50 ang aabutin mo, doble pa dyan. Oist, wag kang manakot ha, few years from now 40 na rin ako, waaahh! parang ayaw ko nun huhuhu! pano na ang figure kung sagged nang lahat?

katrina said...

vem,

sensya na hindi agad ako nakasagot sa iyo. salamat sa pagbati sista ha? sweet mo talaga..sana magkita tayo ano? parang nakikita ko na magkakasundo kayo ng mga anak ko..parang magkakasingkulit kayo e..hahaha...ebidensya yung mga videos mo na napanood namin...

take care ha? God bless!

katrina said...

hi rems,

tenk u sa gritings...at salamat sa pagdalaw...

natatakot na yata ako kung abutin ko pa anader 50 years muka na akong prunes non!

pero totoo yun tsang, lahat babagsak na! pati talukap ng mata mo tatakip na talaga sa mata...hahaha...

basta young at heart yun ang importante...

dalaw ka uli...tenks agen..