Saturday, May 26, 2007

Bakasyon Na!!!!

Ilang araw na lang at bakasyon na ng mga anak ko. Ilang araw na lang din at bakasyon na rin ako sa trabaho. Dalawang linggo lang naman pero susulitin ko na no!

Biyahe kaming mag-anak sa Kansas, Missouri. Drive lang para mas feel ang gala. Ang maganda ron, hindi ako ang magda-drive at hindi rin si mister. Yung kapitbahay namin...hehehe...

Sanay kasing humataw yun sa kalsada e. At isa pa, hindi pa pwedeng magmaneho si fafa ko at kagagaling lang sa aksidente. Binangga yung kotse nya ng isang lola na hindi inalintana ang red light, kaya ayun, sapul sa pwet yung kotse nya. Buti nga at walang grabeng nangyari sa kanya, oldo, 911 ang lolo.

Off pa rin sya sa trabaho mula nung May 15. Kaya ayun, para hindi mainip sa bahay, panay ang expriment ng luto. Walang binasa kundi cookbook, punta ng grocery store, luto at kami ng mga anak nya ang gagawing guinea pig.

Pero sa true lang, sarap! Sulit ang family bonding. Nood ng sine, lakad sa park, malling, kasarap ng feeling! Ang plano naman naming panoorin sa Miyerkules (day-off ko kasi) e yung third installment ng Pirates of the Caribbean. Love na love kasi ng panganay ko si Orlando Bloom.

Kaya ayun, habang hinihintay ang bakasyon grande, work to death muna ako beybe! Dito nga ako sa work ngayon e. Nakasingit sa computer at busy sa panonood ang dalaga ko.

Kaya sa June 4, after Missouri, go kami ng Chicago...so ready or not...here we come!!!!

1 comment:

Anonymous said...

Hataw pala kayo ha. Sige lang enjoy, kami ay tapos na ang 1 month vacation ni kd at pasukan na sa June 9 ang mga kids.

Kapag may masarap sa mga experiment ni hubby ipasa mo skin ha?