Thursday, December 27, 2007

This Is The Day...





Mga 6:30 pa lang ng umaga kanina, gising na kaming lahat. Ito kasi yung araw na ikakabit yung pump ni Kyle. Kailangan nasa ospital kami ng mga 7:45 for his 8:00 a.m. appointment.




Dumating kami shortly before 8:00 dala yung mga supplies at pump na natanggap ko via UPS kahapon. Mas lalong maraming gamit ngayon, mas lalong maraming information na dapat malaman at mas maraming kakabisaduhin sa gadget re: mga buton na pipindutin, kung kailan ihihinto ang pump, pag-check ng ketones etc.




Pakiramdam ko tuloy parang nung unang nadiagnosed si Kyle three years ago. Sa shocked ko nung malaman ko yung sakit nya, sa dami ng mga bilin ng doktor, sa dami ng taong dapat kong kausapin, parang napakalaki ng ulo ko! Parang gusto kong sumigaw ng "Tama na! Too much information already. Stop it!"




Kaso hindi ganon kasimple yun e. Kaya kahit ayaw ko, yung pananatili ko sa denial stage e naging shortlived ika nga. Kailangan kong payapain ang sarili ko para sa anak ko. Kaya kahit ayaw ko, sige tanggap ng tanggap ng impormasyon, ng instruksyon. Na kahit busy ka sa ibang bagay, at the back of your mind, andon palagi yung mga do's and dont's na dapat e kabisado mo kahit gaano kapuno ng problema ang utak mo.




Mahirap...pero kailangang kayanin. Buti nga ako, ito lang problema ko. Matutunan lahat ng dapat matutunan tungkol sa sakit nya. E yung anak ko nga, buong buhay nya, parusa na. Na kahit gaano namin kahusay na ma-manage yung diabetes nya, nandyan pa rin yung complications na darating at darating. Sa araw-araw nga lang average na sampung tusok! Gaanong parusa yun? Ako nga bakuna lang o kunan lang ng dugo halos himatayin ako pag nakita ko na karayom, e sya araw-araw!




Nagdesisyon kaming lagyan na sya ng pump para kahit papano mabawasan na yung pagtusok ng karayom. Ngayon tuwing ikatlong araw lang yung lipat ng site ng injection nya, di ba laking ginhawa? Pero siyempre, nandon pa rin yung finger pricking na hopefully, mawala rin once na ma-apruban ng insurance yung wireless glucose sensor at transmitter.
Sana hindi kami nagkamali sa desisyon namin na ito. Kasi naisip naming mag-asawa na this is the best christmas gift we can give him. A little reprise from daily insulin injections. I know it's not a lot but it sure lessen the pain even just a bit.




Sakripisyo ng konti sa parte namin. Komo bago pa lang sya sa therapy na ito, we have to monitor him constantly, round the clock. We have to do blood sugar testings around midnight then at 3 am, 6:30 am, 9:30am, around lunch time then at 3 in the afternoon, 6:30 pm then 9 pm and so on. His check-up will be on a weekly basis until we find the right dosage of insulin and right amount of carbs that will put us right on his target range. Sakripisyo... pero mas higit ang sakripisyo nya. So, I don't have the right to complain.




Kung titingnan mo sya, normal na normal. Pero pag natanaw na yung kanyang medical alert bracelet at ngayon yung pump, reaksyon ng tao....awa. Pag nakikita ko yung ang mga ekspresyon nila sa mukha, na no matter how hard they try to keep it from me pero, basa ko pa rin, nalulungkot ako. Pero ganon talaga buhay. Yan ang baraha na nabigay sa akin sa sugal ng buhay de might as well do the best I can to win the game. For as they say, win or lose at least I fought a good fight.

Saturday, September 22, 2007

babu muna

alis muna ako...balik ako after three weeks...have fun y'all!!!

Saturday, August 25, 2007

happy birthday kyle!

Sa ikalimang pagkakataon, yung amo namin dati na nagpetisyon din sa aming mag-asawa para magka green card ang sumagot sa party ni Kyle. Mahal na mahal ni Mrs. Gordon si Kyle. Sabi nga nya para na ring tunay nyang apo. Enjoy na enjoy silang pareho at siyempre, lahat kami.
Masaya si Kyle kasi ang daming pwedeng kutingtingin at paglaruan sa loob ng Chuckee Cheese's at masaya ang lola kasi successful ang party nya para sa apong hilaw.

Gusto pa nga sanang i-enroll ni Lola sa art class ang bata kaso hindi ko na maaasikasong ihatid, bantayan o sunduin kasi dalawa ang trabaho ko. Isa pa, umpisa na ng klase ba't ang schedule pa naman ni Kyle e maghapon. Akala ko nga komo kinder e mga apat na oras lang sa umaga o kaya hapon. Ayoko namang mabigla ang bata lalo at nasanay na kasama namin 24/7.

Anyway, Happy Birthday Kyle! Ang wish ko...sana makatuklas na ng gamot sa sakit mo. Pagkalooban ka sana at kaawaan ng Poong Maykapal at bigyan ka ng makabuluhan at mahabang buhay. Mahal na mahal ka namin anak...

Wednesday, June 20, 2007

Family Bonding....II


















































































































Second day namin sa Chicago. Humanap muna ng Pinoy tsibugan bago ituloy ang naudlot na pamamasyal kahapon dahil super ginaw naman po talaga!



Kuha ito pagkatapos naming kumain ng Pancit Malabon, Dinuguan, Sisig, Lomi, Lechong Kawali, Halo-Halo at Leche Flan. Super sarap! May baon pa nga akong sumang kamoteng kahoy!



At ang dami kong uwing frozen na bulaklak ng kalabasa, saluyot, tuyo, daing, dilis, Goldilocks products, tinapa, kakanin!



Enjoy talaga! Pramis!!!


Ginanahan yata ako sa kakapost ng pix....bukas na lang yung iba.











































Friday, June 01, 2007

To My Dearest Mom...

Happy Birthday Inay....Miss na miss ko na kayo...

Tuesday, May 29, 2007

Kwentong Promdi

Isang araw na nagmamaneho ako gamit ang tsekot ni fafa, may narinig akong mahinang ingay na ewan ko kung saan nanggagaling. Pagdating ko sa bahay, sinabi ko sa kanya kaya nung sya na may dala ng sasakyan nya, pinakinggan nya rin at kinumpirma nya na may maingay nga.

Dinala nya sa lugar kung saan namin nabili at dun pinatingnan. Minaneho nila sa paligid mga trenta minutos pero walang narinig yung mekaniko. Sa madaling salita, walang nangyari at hindi na rin kami pinagbayad. Pero next time daw na may tunog uli kaming marinig, ipaliwanag namin yung ingay para mas malinaw sabay abot ng listahan sa amin.

Basahin nyo.....



No clue what the problem is or how much it'll cost you to have it fix? Consult the chart along with prices.

PING ...CLICK... PING ------ $ 10.00
CLICK... WHIR... CLICK----- 30.00
CLUNK... WHIR... LUNK ----- 50.00
THUD... CLUNK... THUD ----- 100.00
CLANG...THUD...CLANG ----- 200.00

And the last one?

I CAN'T DESCRIBE IT --------500.00


Anak ng tinapay!!!


source: RD

Saturday, May 26, 2007

Bakasyon Na!!!!

Ilang araw na lang at bakasyon na ng mga anak ko. Ilang araw na lang din at bakasyon na rin ako sa trabaho. Dalawang linggo lang naman pero susulitin ko na no!

Biyahe kaming mag-anak sa Kansas, Missouri. Drive lang para mas feel ang gala. Ang maganda ron, hindi ako ang magda-drive at hindi rin si mister. Yung kapitbahay namin...hehehe...

Sanay kasing humataw yun sa kalsada e. At isa pa, hindi pa pwedeng magmaneho si fafa ko at kagagaling lang sa aksidente. Binangga yung kotse nya ng isang lola na hindi inalintana ang red light, kaya ayun, sapul sa pwet yung kotse nya. Buti nga at walang grabeng nangyari sa kanya, oldo, 911 ang lolo.

Off pa rin sya sa trabaho mula nung May 15. Kaya ayun, para hindi mainip sa bahay, panay ang expriment ng luto. Walang binasa kundi cookbook, punta ng grocery store, luto at kami ng mga anak nya ang gagawing guinea pig.

Pero sa true lang, sarap! Sulit ang family bonding. Nood ng sine, lakad sa park, malling, kasarap ng feeling! Ang plano naman naming panoorin sa Miyerkules (day-off ko kasi) e yung third installment ng Pirates of the Caribbean. Love na love kasi ng panganay ko si Orlando Bloom.

Kaya ayun, habang hinihintay ang bakasyon grande, work to death muna ako beybe! Dito nga ako sa work ngayon e. Nakasingit sa computer at busy sa panonood ang dalaga ko.

Kaya sa June 4, after Missouri, go kami ng Chicago...so ready or not...here we come!!!!

Saturday, May 12, 2007

Sa Taong Bato...Pinatatag ng Ego?

Ilang beses kaya ako magpapakumbaba para mapansin ako nitong tao na ito? Ano kaya nagawa ko sa kanya na sobrang bigat yata at wala ng kapatawaran ang kasalanan ko? Mabiro akong tao pero siguro hindi pa kami ganon ka-close para mabiro ko sya ng hindi nya nagustuhan--na wala rin akong clue kung ano yung naging biro ko. Naisip ko lang baka may nasabi ako o naikantyaw sa kanya na nasaling masyado ang kanyang napakanipis na ego.

Ilang beses na rin akong nagparamdam but to no avail. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko kung hindi nya talaga ako feel. Baka naangasan sa akin o nabalahuraan sa bibig ko o nagaspangan sa ugali ko o naaskaran sa mukha ko. Sige na, uulitin ko, ako na may kasalanan kung ano man yun. Sinadya ko man o hindi, ako'y pagpasensyahan na sana. Heto na uli ang isa pang ikalalaki ng ego mo at ikakataas ng pride mo....I'M SORRY.

Ayan, sana'y pagpalain ka ng Diyos! Masaya na rin ako kahit sandali nakilala kita. At mas lalo akong masaya kasi hindi lumalim ang pagkakaibigan natin.

From now on, wala na. Hindi na kita iistorbohin o sisilipin. Yun lang at babush!

Wednesday, April 25, 2007

Promdi @ 40
























































Naghuhumiyaw na kuwarenta anyos na ang edad ko. Parang kailan lang na nagmumurang kamias ako, ngayon napapamura na ako pag edad na pinag-uusapan.

Sabi ng iba, wala raw sa itsura ko...binola pa ako, e ako mismo kita nang ebidensya. Dami na ng puti kong buhok, malalim na ang pileges sa mukha at marami ng masakit sa katawan.

Nagiging sumpungin na rin ako. Napapansin ko yan lately. Minsan masayang nakikipagbiruan tapos maiinis pag nakantiyawan lalo na ng asawa ko.

Madali na akong mapagod. Bumibigay na ang dati'y sariwa kong katawan na ngayo'y papatuyot na. My age is catching up on me. Lahat bumabagsak na, hindi na kayang labanan ang gravity. Pisngi, mga braso, dibdib, puwet...ay naku, they're sagging na day!

Dati ang inaabangan ko, yung debut ko, ngayon si dreaded M na as in menopause. Malapit-lapit na rin ako run.

Wala na rin akong ganang magpustura, dahilan ko kasi para ano pa? Damatan naman na...

Yun lang at hapi bertdey to me, hapi bertdey to me...hapi bertdey, hapi bertdey, hapi bertdey to me...

Umabot kaya ng fifty si promdi???