Sunday, January 20, 2008

Taon nga ng Daga...

Me---------------------------------------------------------jobless

Husband---------------------------------------------------soon to be unemployed

How to pay the bills----------------------------------------don't have any idea

Family bonding-------------------------------------------priceless

Pero di ba, mas masarap magbonding kung walang problemang pinansyal? Ang mga bata pa naman, kalakas ng pakiramdam. Makita ka lang tahimik at medyo nakakunot ang noo, susulyap-sulyap na at nakikiramdam rin.

Nataon pa naman na nagpabili ako sa asawa ko ng red wine . Hindi naman talaga ako umiinom impak, masinghot ko nga lang kahit beer, lashing na ako. Eniwey, isang hapon try ko uminom. Lagay ng konti sa baso, tikim ng konti at pweee! ang panget ng lasa!

Dinagdagan ko ng sangkatutak na orange juice, tikim uli at hmmnn, masarap! Naubos ko nga e yung sinalin ko sa baso. Wala pang limang minuto super pula na ng leeg ko hanggang mukha. Nahilo-hilo ang byuti ko kaya humiga ako sandali sa sofa. Akala siguro ng dalawang anak ko, tulog ako. Narinig ko yung bulungan nila.

Kaye : Bakit ba umiinom si Mama? Ha, Kristine?
Kristine : Ewan ko nga e. Alam kaya ni Papa?
Kaye : Bakit kaya ano?
Kristine : Baka lubog sa problema kaya naglalasing.


Nadala ako. Hindi na ako umulit. Ayokong tumanim sa isip ng mga anak ko na alkohol ang sagot sa problema. Ayoko ring isipin nila na kung kailan ako tumanda at saka pa ako natutong uminom. Isa pa, ama nga nila hindi uminom, ako pa? May nagsabi lang kasi sa akin na maganda raw ang red wine sa health kaya try ko naman.

Susundin ko na lang sabi sa akin ng asawa ko...."Tumawag ka sa doktor natin at gumawa ka ng appointment para sa annual physical mo. Yan ang mabuti sa health."

Kaya on January 30 @ 2:00 pm, go kami sa doktor para sa complete check-up naming dalawa. Mas mabuti ng masiguro naming healthy kaming dalawa para sa mga anak namin. Ang mga bata tapos na sa mga check-ups nila. Dental appointment na lang bukas.

Pangit ang dating ng bagong taon sa amin sa aspetong pinansyal kaya doble ingat na lang pagdating sa kalusugan. Di ba sabi nga, HEALTH IS WEALTH?

No comments: